"Ang gwapo pala nang kinalabasan kapag pinaghalo ang mukha ninyong dalawa ni Symon!" biro ni Dave habang karga-karga naman ni Laarni ang anak ko. Sila naman dalawa ang pumasyal sa amin, isang linggo matapos kong makapanganak at first time kong marinig na tawagin ni Dave si Toph sa second name nito. "Ikaw naman, 'wag mong sabihing.. inggit ka lang," pilya rin na sabi ko dahilan para humagalpak siya sa pagtawa. Kaya naman palihim siyang bumulong kay Laarni, "Ano? Gawa na rin tayo mamaya?" "'Wag mo nga akong niloloko, Dave Chua! Ligawan mo muna ako!" prangkang sabi ni Laarni at doo'y natawa kaming dalawa ni Dave. "Ikaw kasi, Dave, bilis-bilisan mo na ang panliligaw nang makita na rin namin ang itsura ng magiging anak n'yo," natatawang sabi ko na ikinakamot lang ng batok ni Dave, habang n

