ISANG UMAGA ay bigla na lamang akong nagising na parang humihilab ang tiyan at parang may kung anong tumutulak sa lalamunan ko na parang naduduwal. Kaya dali-dali akong nagpunta sa may lababo at doon dumuwal pero nakapagtataka dahil laway ko lamang ang aking isinuka. Napasandal ako sa dingding na malapit sa lababo at doon ko lang napagtanto na two weeks na pala akong delayed. At-- isang buwan na matapos ang huli naming p********k ni Toph. Pinagbuhol-buhol ko ang mga pangyayari, simula pa lamang nang minsang nahilo ako habang naka-duty at parang may hinahanap-hanap akong pagkain. Na sa aking sarili ay nakaramdam ako ng munting saya dahil inaasahan kong totoo ang iniisip ko. Pero-- totoo nga kayang.. buntis ako? Mabilis akong naghilamos at dali-daling kinuha ang aking cellphone upang tawag

