"Gusto mo pa rin bang makipagkaibigan?" bulong ni Cat na siyang nagpabalik ng katinuan ko. Walang tunog na napasinghap naman ako at ngumiti kay Few. "Honest mistake? Good to know that. Wala ng dahilan para magtanim ako ng galit sa 'yo. Pupunta kami ni Cat sa bar mamaya. Sumama ka sa amin," direktang sabi ko pa. Halatang natigilan pa ito dahil sa aking sinabi. "Bar?" alanganing pangugumpirma nito. Confirmed! Apektado pa rin siya sa nangyari sa kaniya last year. Mukhang may phobia pa rin siya sa lugar na nabanggit ko. Saang bar nga ba iyon? Hexane Bar? "Bar, yeah," tugon ko naman. "How about Hexane Bar?" Malinaw sa aking paningin ang paglunok nito. "No. I'm busy," kaagad nitong tanggi. Lihim kong siniko si Cat para tulungan akong kumbinsihin ang isa na sumama sa amin. "Hexane Bar?

