"Hey," usal ko nang mamataan si Zef na nasa tabi ko na. Malamang ay pinagmamasdan niya na naman ako habang natutulog. Tuwing gigising ako sa umaga ay nandito na siya sa kuwarto. Kahit naman kasi isang buwan na kaming magkasintahan ay hindi kami nagtatabi matulog. Nasa control room pa rin siya. Hindi ko naman nila-lock ang pinto kaya nakakapasok siya bago pa ako magising. "Hey, good morning," bati niya naman at kinintilan ako ng dagling halik sa labi. "How's your sleep?" usisa ko pa. Mahirap ang naging misyon niya kagabi. Sampung taong gulang ang naging biktima ng step dad nito at wala man lang ginawang aksyon ang biological mother para ipakulong ang kaniyang pangalawang asawa. Totoo namang bulag ang pag-ibig pero hindi naman na katanggap-tanggap pa ang pagiging konsentidor ng ba

