Hindi ko naman alam kung magsasalita ba ako o hahayaan na lang sila at mauna na sa sasakyan. Hindi ko rin alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang emosyon sa aking dibdib. Nagseselos ba ako? Talaga ba? Sa isang stranger na ito? Pinigilan kong mapasinghap. Totoong stranger ang babae sa aking paningin pero mukhang kay Zef ay hindi. Kumalas ang babae sa kaniya. Bakas sa pagmumukha nito ang tuwa. Para bang ilang dekada silang hindi nagkita. Sino nga ba ito? Ano raw ang pangalan nito? Izzie? Kahit pangalan niya ay bago sa aking pandinig. "I missed you so much. How's life?" At may balak pa silang magkamustahan sa harap mismo ng resto? Seriously? Bakit hindi sila pumasok at doon mag-usap? "Uhm, excuse me," untag ko sa kanila. Saka pa lang napatingin sa akin ang babae. "Oh, sorry. May

