"What's with the ugly-duckling-face?" puna sa 'kin ni Few nang makapasok ako sa bar ni Cat. Nahuli lang ako ng mga sampung minuto dahil may inasikaso pa akong case report ni Beau. "He's a jerk. A jackass," naiiritang asik ko sabay lagok ng wine na nasa baso nito. Padarag din akong naupo sa harap ng dalawa. "Zef?" kaswal na tanong ni Cat. "Why? What happened?" "Nothing," pagkakaila ko pa. "Crazy," rinig kong sabi ni Few. "May naiinis ba dahil sa nothing na dahilan?" dagdag nito. "Best friend kita and you're my favorite person but agree ako sa kay Fewna. Nababaliw ka na." "Kilala mo ba si Izzie?" usisa ko sa kay Few. Napahinto naman ito sa pagsimsim ng wine at marahan akong tiningnan. "Yeah. Zef's first love?" patanong din nitong sagot. Mas lalo lang akong nainis. "Tell me more

