CHAPTER 3

1033 Words
"Kaya nila piniling magtayo ng sarili nilang department at hawakan ang mga kasong related sa s****l abuse ay dahil layunin nilang protektahan ang mga kababaehan na walang kapangyarihan o kakayahan na ipaglaban ang sarili nila," sabi pa ni Ringe. "Maganda ang reputasyon nila sa lahat ng mga natulungan nila," dagdag ni Handy. Babae ang kahinaan nila? Mabait sila sa mga babae? I doubt it. Si Beau at Xell ay puwede pa pero ang Zef na 'yon? Tsk! "Eh, bakit ang sungit-sungit sa akin ng Zef na 'yon, aber? Mukha ba akong hindi babae?" Hindi naman nakasagot ang dalawa. "Hindi sila nandito sa agency na ito dahil sa sinabi mo, Ringe. Nandito sila dahil required na magkaroon sila ng stable job. Nakakahiya naman kung maging jobless sila." Eh, boxer briefs pa lang nila ay ang expensive na. Paano na sila makakabili ng mga luho nila, 'di ba? Napakamot na lang sa kanilang noo ang dalawa. Napabuntonghininga na lang ako at pinag-aralan ulit ang portfolio ng tatlo. Maging ang mission at vision ng kanilang department ay ni-review ko rin. My mother was once a victim of s****l abuse, which is why I am very sensitive when it comes to this issue. Noong trainee pa lang ako ay isang beses lang akong humawak ng ganitong kaso. Naipanalo ko naman, iyon nga lang ay hindi ko kaya talagang marinig ang iyak ng mga biktima habang ipinaglalaban nila sa korte ang kanilang sarili. Nasa isipan ko pa rin ang tanong na bakit kailangan pa nilang ipaglaban ang sarili nila kung sila na nga itong naagrabyado? Sila na ang pinagsamantalahan pero bakit parang sila pa rin ang sumasalo ng pagdududa ng lahat ng nakaupo sa court room? Bakit parang kasalanan pa nila? Unfair. Napatulala ako sa hawak kong file habang nagninilay. Kailangan kong magdesisyon ng tama ngayon. Hindi puwedeng mapunta lang sa wala ang pinaghirapan ko ng ilang taon. I love this job more than anything else. I even broke up with my ex-boyfriends because of this job. I know my priorities, and this is my top one. I can't afford to lose it. Hanggang tanghali ay malalim pa rin ang pagninilay na aking ginawa. Nanatili rin ako sa aming department. Ni hindi ako makakain dahil habang paikli nang paikli ang oras ay mas ramdam ko na ang kaba. Mas napagtanto kong mabigat pala talaga ang suliranin kong ito ngayon. Maraming nakaabang sa pagbagsak ko. Maraming tatawa kapag tuluyang nabali ang aking mga pakpak. "Handy," tawag ko sa isa. Kailangan ko ng mag-decide ngayon at baka magbago pa ang isip ni Agent Zef. Mas malakas pa man din kaysa sa ipo-ipo ang saltik ng isang 'yon. Kaagad naman itong napatingin sa akin. "Ano 'yon, Agent Key?" "Bilihan mo ako ng espresso coffee," utos ko pa. Hindi ako mahilig sa kape kaya hindi ko alam kung paano um-order niyon sa coffee shop. Baka mas mahalata nilang may kamang-mangan din akong tinataglay. "Hindi ba at hindi ka puwedeng uminom ng kape?" sabat naman ni Ringe. Hindi naman sa hindi puwede. Ayaw ko lang talaga. "Hindi para sa akin 'yan. Saka samahan mo ng rin ng Rebisco." "Rebisco? Biscuits?" paninigurado pa nito. Halata ang pagtataka sa mukha ng mga ito. "Oo at pakisamahan mo na rin ng kaunting bilis bago pa tayo mawalan ng trabaho o kaya ay pulutin sa kangkongan." Agad naman itong napatayo at lumabas na. Nagkasalubong pa kami ng tingin ni Ringe. "Paano ako? Ano'ng gagawin ko?" "Pack our things. Wala kang ititira kahit isa." Namilog pa ang bibig nito. "Why? Pinapalayas na ba talaga tayo? Gano'n sila kasama? Wala naman tayong kasalanan para..." "Ringe, alam mo ba kung anong kasalanang nagawa natin para parusahan tayo ng ganito?" may diin kong tanong. "Dahil pumalpak tayo sa misyon?" Umiling naman ako. "Dahil magaling tayo. Kasalanang maging magaling sa mundong ginagalawan natin. Idagdag pa na pinairal natin ng isang beses ang katangahan nating tatlo kaya nagkaroon sila ng pagkakataong pabagsakin tayo." Napakuyom na lang ako at napasapo sa batok ko. "Saan na ang punta natin?" "Magligpit ka lang. Pagbalik ko ay sasabihin ko sa inyo ang plano ko." Tumango naman ito at nagsimula na ngang magligpit ng gamit namin. Tumayo na rin ako mula sa aking kinauupuan dahil sumasakit na ang puwet at likuran ko. Naglakad-lakad lang ako sa loob ng office ko habang hinihintay si Handy. Naalala ko na lang din bigla ang sinabi ni Agent Road. "Huwag kang sumubok na i-manipulate ang trio lalong-lalo na si Agent Zef." Napangisi naman ako at patakbong kinuha ang salamin na nasa table ko lang din. Nagsuklay ako at naglagay ng lipstick. Nag-spray din ako ng paborito kong pabango. Mula sa gilid ng aking mga mata ay alam kong nakamasid sa akin si Ringe. Marahil ay kinukwestiyon na nito ang aking katinuan. Manipulate him? Mukhang mahihirapan akong gawin iyon, pero I can seduce both men and women, Agent Road. Baka nakakalimutan mong undercover ang expertise ko, at isa na iyon sa trabaho ko? "Agent Ringe," tawag ko sa isa. "Yes, Agent Key?" "Maganda na ba ako?" nakangiti kong sabi. Saglit na napatulala naman ito sa akin. "Yeah. Palagi ka namang maganda." "That's why I like you..." "Stop seducing me, Agent Key. Nagdududa ako sa gender ko tuwing gumaganiyan ka." Pareho kaming natawa pagkuwa'y sumeryoso ulit ang aking ekspresyon sa mukha habang nakatitig sa sarili kong reflection sa salamin. "Your duality is insane, Agent Key." Ito mismo ang dahilan kung bakit 100% ang success rate ko sa mga misyong nahawakan ko. May sarili akong paraan para makuha ang gusto ko. "Heto na ang pinapabili mo sa akin, Agent Key," sabi ni Handy nang makabalik ito. Pinigilan kong matawa nang makita ang isang balot ng biscuit na pinapabili ko sa kaniya. Tao, bagay at pagkain ay puwedeng gawing instrumento para magtagumpay, Agent Road at Few. Hintayin niyo ang paghihiganti ko. "Agent Key," tawag sa akin ni Handy bago pa ako nakalabas ng office. Marahan naman akong lumingon. "Yes?" "Ex-boyfriend ni Agent Few si Agent Zef." Ah, really? Hindi kaya ay may alam din talaga itong si Zef sa ginawa ni Few? Baka hanggang ngayon ay nagtutulungan pa rin sila? "And?" kaswal kong usisa. "Baka lang may maitulong 'yan sa gagawin mo. Fighting!" Let's see.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD