Tahimik na sumampa ako sa elevator at pinindot ang 15th Floor button. Wala pa akong kasabay mula sa 3rd Floor na pinanggalingan ko. Pagdating sa 4th hanggang 13th floor ay marami pero naubos din sila sa 14th floor. Ako na lang mag-isa ang dumiretso.
Nang huminto ang elevator sa palapag na siyang destinasyon ko ay bumaba na rin ako. Bitbit ang coffee at biscuits ay hinanap ko ang Room 1. Ito pala ang nasa pinakadulo ng hallway at nakaharap din sa kinaroroonan ng elevator. Magkatapat naman ang dalawa pang silid.
Sa laki ng palapag na ito ay tatlong silid lang din ang aking nakikita. Halatang silang tatlo lang din ang tumatao rito. Sa seven years ko rito ay ngayon lang ako nakaapak dito. Kung hindi ko naman kasi kailangang puntahan ay hindi ko rin pinapansin pa ang existence nila rito.
Sabay na bumukas ang Room 2 and Room 3. Nagulat pa ako nang bahagya pero nakabawi naman kaagad.
"Hey, pretty lady," kaagad na bati sa akin ni Xell. Lumapit pa ito sa akin. Gusto ko ang bango ng perfume na gamit nito.
"Nandito ka? Akala ko ba ay may lakad ka?" tanong ni Beau sa isa. "Hi, Key," nakangiti nitong bati sa akin. Ngumiti rin ako bilang tugon. Mas maganda ang loob ko sa isang ito.
"Paano ako aalis kung alam kong dadalawin tayo ng pinakamagandang agent sa headquarters na ito?" sabat naman ng isa. Gusto kong mapailing dahil sa ingay nila.
"Sige na, puntahan mo na muna si Zef," utos sa akin ni Beau.
"Good luck... Aray!" asik ni Xell dahil bigla na lang siyang binatukan ni Beau.
Dumiretso na rin ako sa Room 1. Malakas ang kumpiyansa na kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob. Sinigurado ko ring maaliwalas ang mukha ko bago ako humarap sa lalaking suplado.
Pagbukas ko ay nakataas-kilay na Zef ang bumungad sa akin. Kaagad akong ngumiti. Halatang hindi niya iyon inaasahan kaya bumakas ang pagkalito sa kaniyang mukha.
Ay, bakit? Inaasahan niya bang mukha akong mangangain ng ugat... este buhay?
"Good afternoon, Agent Zef," dagdag bati ko pa.
Marahan kong isinara ang pinto at lumapit sa kaniyang mesa. Alam kong nakamasid lang siya sa bawat kilos ko.
"Nakapagdesisyon ka na ba?" direktang tanong niya naman.
"Coffee. Mainit na mainit pa," sabi ko. "Saka Rebisco dahil special ka."
Special child.
Nawalan ng emosyon ang kaniyang mukha kaya hindi ko alam kung galit pa ba siya o hindi. Kung natuwa ba siya o hindi.
Ang hirap naman pasayahin ng isang ito. Mabuti pa iyong dalawa ay paniguradong makakasundo ko sila.
"Sinong may sabi sa 'yong bigyan mo ako ng mga ito?"
"Si Few," tugon ko pa. Hindi ko puwedeng sabihing sina Beau dahil malalagot din ang dalawang iyon.
Kung ex-girlfriend niya nga si Few, malamang ay alam ng babaeng iyon ang mga paborito niya katulad na lang ng espresso coffee.
Pinag-aralan ko naman ang kaniyang reaction sa sinabi ko. Confirmed. May something nga sa kanila. Kaya pala naabutan ko rin siya sa office ng babae kahapon. It makes sense to me right now.
"Ano na naman ang ginawa mo sa kay Agent Few?"
"Wala naman akong ginawa, ha?"
Masyado ka namang protective... Wait. Hindi kaya ay galit siya sa akin dahil sa ginawa ko kay Few kahapon?
Kaninang umaga ay nakita ko rin ang babaeng iyon na may benda sa leeg dahil sa pangigilit ko.
Deserve. Dapat talaga sa mga inggitera ay ginigilitan sa leeg para tumahimik na lang sa gilid.
"Tungkol sa nangyari kahapon, I'm sorry. Nadala lang ako sa galit ko," pagpapaumahin ko pa.
Kailangan ko munang magpakumbaba. Kapag nakabangon ulit ako ay saka ko na sila ilalagay sa dapat nilang paglagyan.
"Sorry?" sarkastikong sabi niya.
"Ano bang gusto mong gawin ko, ha?" Mabilis akong nakaikot sa kaniyang likuran at minasahe ang kaniyang magkabilaang balikat.
"What are you doing..."
"Minamasahe ka, alam kong pagod ka maghapon."
Kahit ang ginawa mo lang naman ay ubusin ang pasensiya ko.
"Ano ba? Stop it," asik niya at hinawakan ang kamay ko para pagtigilin ako.
Tumingala pa siya kaya magkasalubong kami ng tingin. Hindi ko hinayaang tanggalin niya ang kaniyang kamay sa kamay ko.
"Fine, kasalanan ko na ang nangyari kahapon. Hindi ako nag-fact check, okay? I'm sorry kung nasira ko ang misyon ninyo. I'm sorry kung nasuntok at nasikmuraan kita. I'm sorry."
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Binawi niya ang kaniyang kamay at dinampot ang dala kong kape. Nagbukas din siya ng biscuit. Lihim akong napangisi.
It's working.
"Anong desisyon mo? Iyon ang gusto kong malaman." Sumimsim din siya ng kape.
Kunwari'y napasinghap ako at bumalik sa harapan. "Fine. Payag na akong magtrabaho rito sa sa department ninyo. Sino ba naman ako para tumangging makatrabaho ang ZBX Weapons trio ng Special Crimes Agency, 'di ba? Kailangan ko lang ng written contract. May mga ilang pabor din akong hihingiin..."
"Pabor? Wala sa usapan..."
"Hindi lang ako ang agent sa department ko. May dalawa pa akong kasama. Hindi ko kayang itapon na lang sila nang basta," seryoso kong sabi. Pagdating sa mga agent na nasa ilalim ng aking pangangalaga ay hindi ako nakikipagbiruan.
"Okay. I-submit mo na lang ang mga kondisyon mo sa akin bukas para ma-review ko. Hindi ko sinasabing lahat ng ibibigay mo ay sasang-ayonan ko. May mga kondisyon din naman kaming ibibigay sa 'yo."
Lumapad naman ang ngiti. Mukhang tama naman ang naging desisyon kong patulan ang offer nila.
Tama nga ba? I don't know.
Bahala na ito. Saka ko na lang din haharapin ang consequences nito. Gusto ko lang na matakasan ang bitag nila Few at Road.
"Thank you, Agent Zef. I'm looking forward to working with you," sabi ko pa.
Mukhang good mood na nga siya matapos siyang makainom ng kape. Nawala na ang pangungunot ng kaniyang noo at pagtaas ng kilay. Ito ang pinakamaaliwalas niyang pagmumukha na nakita ko.
"Kung gano'n ay kailangan mo ring tumira sa bahay naming tatlo," kaswal niyang sabi.
Tumira saan? Saan daw?!
"Excuse me?!" malakas ko pang usal.
Napapitlag pa ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto na nasa bandang likuran ko rin.
Marahan akong lumingon at mukha ni Few ang kaagad na nakita ko. Mukhang ito naman ang lulunok ng buhay ngayon.
"Ha! Found you," sabi nito sa sarkastikong tono habang nakatingin sa akin nang masama.
Ano na naman kaya ang problema ng isang ito, ha?
"Wala ka talagang hiya, 'no?" dagdag asik pa nito habang ako ay nag-iisip ng posibleng dahilan kung bakit ito galit na naman pero kahit anong gawin ko ay wala akong maalalang rason. Nanahimik nga ako buong maghapon, eh.
"Ano bang problema mo na naman, Agent Few?" direktang tanong ko naman.
"Ang problema ko?! Ikaw!" Pagkasabi nito ng salitang iyon ay bigla na lang akong sinampal.
Hindi ko inaasahan ang kaniyang atake kaya naman tumabingin talaga ang aking ulo dahil sa lakas niyon at naramdaman ko pa ang pamamasa ng aking mga mata dahil sa sakit na idinulot ng kaniyang palad sa pisngi ko.
"Few," nananaway na sabi ni Zef. Huli na nang mamalayan kong nasa tabi ko na pala ito. Hinila pa ako nito papunta sa kaniyang likuran at siya ang humarap sa babae.
"How could you, Zef..."
"Calm down, Few..."
"No! I'll kill that b***h!"
"Do it!" sigaw niya naman sa babae. Maging ako ay parang gustong mapatakip sa aking tainga dahil sa lakas niyon. "Go! Kill her!"
Ipinagtulakan pa ako ng kugtong papunta kay Few. Gusto kong mapahawak sa batok ko dahil sa inis. Mukhang hindi ko na talaga maaayos pa ito. Isang option na lang ang mayroon ako.
Ang ilapag ang badge ko at iwan ang agency na ito.