CHAPTER 4

1220 Words
"Do it! Go! Kill her!" Nagkatuosan pa kami ni Few ng tingin. Bakas sa kaniyang mukha ang frustration at hindi ko masukat na galit sa akin. Para ding gusto na nitong umiyak dahil hindi niya naman talaga ako kayang patayin. "Few," malumanay na sabi ni Zef. Maging ako ay nabigla rin sa tonong ginamit niya sa babae. Bago pa ako makakilos ay nahila na ni Few ang kuwelyo niya at hinalikan siya. Sa sobrang lapit ko sa kanilang dalawa ay naging detalyado pa sa aking paningin ang paggalaw ng kanilang labi at tunog na ginagawa niyon. Why are they like this? Why Am I even here? Why is it always me?! Gusto ko na lang mapasapo sa noo. Pinihit ko ang doorknob at akmang hahakbang na ako palabas nang hawakan naman ni Zef ang kamay ko para pigilan ako. Marahan siyang humiwalay mula sa halikan nila ni Few at kaswal itong iginiya palabas . Halatang nagulat pa ang babae sa kaniyang ginawa samantalang ako naman ay walang maintindihan sa mga ikinilos nila. Bago magsara nang tuluyan ang pinto ay nakita ko pa ang nagbabantang titig ni Few sa akin. Ini-lock niya ang pinto at hinila ako papunta sa kaniyang table. Pinaghila niya rin ako ng upuan at pinaupo pagkuwa'y bumalik sa kaniyang puwesto. Anong klaseng tao ba ang lalaking ito? I'm curious now. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig nang maayos sa kaniyang pagmumukha. Kung puwede ko lang buksan ang ulo niya para malamang kung anong nasa isipan niya ngayon ay ginawa ko na. Kung kasabwat siya ni Few, ano naman kaya ang hiningi niyang kapalit para tulungan ang babae? Kung kasabwat niya naman ay bakit nag-offer siya ng trabaho sa akin sa department nila? Bakit hindi niya na lang din talaga ako hayaang patawan ng parusa? Hirap maging overthinker! Nakakainis! "Stop staring at me. Nasaan na tayo kanina?" usisa niya pa. Hindi ko na rin maalala pa kung saan ba nagtapos ang usapan namin. Ang dami kasing intruder sa headquarters na ito. "Huwag mong sabihing dinamdam mo ang halikan namin ni Few? C'mon, Agent Key," nang-aasar niya pang sabi. Dinamdam? Parang niya na ring sinabing nagselos ako. Ang kapal din ng mukha ng isang ito. Ano bang pakialam ko sa kanila? "Huwag na nating paabutin bukas ang paglipat mo ng department," aniya pa sabay iniharap sa akin ang isang laptop. "Ilagay mo na diyan sa contract ang kondisyong gusto mo. Buburahin ko na lang kapag hindi ko magustuhan." "Bakit ikaw lang? Paano naman sila Beau at Xell?" "Wala silang pakialam sa mga ganitong bagay sa department namin. Don't worry about them, worry about yourself." Nakabusangot na nagtipa na lang ako ng mga gusto kong hingin na pabor sa kanila. Kailangan kong ilabas sina Handy at Ringe sa headquarters na ito bago ako lumipat ng department. Hihingi lang din ako ng bagong working place ng dalawa para kahit papaano ay makakatrabaho ko pa rin sila. Kapag iniwan ko kasi sila sa department ko ay tiyak kukunin sila nina Few at Road para gawing alila nila. I won't let them touch my people. "Here," sabi ko nang matapos na ako. Kaagad niya naman kinuha ang laptop at binasa ang idinagdag ko. Napataas-kilay pa siya sabay tapon ng tingin sa akin. "Ito lang?" kaswal niyang usisa. "Yeah. I told you, hindi para sa akin ang hihingin kong pabor kundi para sa dalawa kong kasamahan. Okay na ako rito sa department ninyo. I'll do my best while I'm in your department. Just trust me, I won't let you down. After six months, I'll return to my department, along with Agent Handy and Ringe." "Okay," tipid niyang sabi at mabilis ang mga daliring nagtitipa ng keyboard. Matapos ang ilang sandali ay tablet naman ang iniabot niya sa akin. "I need your e-signature..." "I want to sign the printed contract. I'll just use a ballpoint pen, not an e-signature," kaswal kong sabi sabay kuha ng ballpen sa kaniyang lagayan. Parker im premium rollerball pen? Wow, pati ballpen ay mamahalin din. Sa arte niyang ito ay hindi talaga siya puwedeng maging jobless. Naramdaman ko ang kaniyang titig sa akin kaya napatingin din tuloy ako sa kaniya. Alam kong hinuhusgahan na naman nito ang buong pagkatao ko. "Bakit? Baka mamaya ay gamitin mo sa ibang kalokohan ang signature ko. Ako na naman ang mapapahamak sa kasalanang hindi ko naman ginawa," pandidiretso ko pa sa kaniya. Narinig ko ang kaniyang mahinang tawa sabay iling. Tinaasan ko nga ng kilay. "Relax. Ito na, magpi-print na ho, Madam," sabi niya pa sabay tayo. Sumipol-sipol pa siya habang nagpi-print. Bipolar ba ang isang ito? Pabago-bago ang mood. "I like your mindset, huh? You know what's best for you and your team. I thought you would choose your ego over working with us." Sarkastikong natawa naman ako sa kaniyang sinabi. Nakamasid lang ako habang pini-print niya na ang contract namin. "Ego? Wala akong ganiyan. Baka ang ex-girlfriend mo pa ay oo," bulong ko pa. Napatingin naman siya sa akin kaya umakto akong mas interesado sa ballpen niya kaysa sa kaniyang sinabi. "May sinasabi ka ba?" pangugumpirma niya pa. "Wala naman," pagkakaila ko pa. "Keyza Lavigne Daiz," basa niya pa sa buong pangalan ko sabay lapag ng printed contract. "Your name is pretty." "Of course, maganda ako, eh," puno ng kumpiyansa ko namang sabi. Mabuti na lang at hindi niya naman ipinagkaila. "I like your second name more than your first name." Lavigne? Too girly. "Basahin mo muna ang contract bago ka..." "Alam ko." "Ngayon ay nagsusungit ka na naman. Mas maganda ka kapag nakangiti ka." Hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya iyon kaya saglit akong napatulala sa kaniya. "Maganda ako kahit ano pa ang mood ko," kaswal kong sabi at binabasa na lang ang contract. Scan reading lang ang ginawa ko. Sanay na sanay kasi ako sa mga ganitong document kaya naman mabilis ko lang na maintindihan. Hindi ko na kailangang ulitin pang basahin. Napahinto ako sa last three condition na nakalagay. Titira ako sa bahay kung saan sila nakatira para mas maging effective ang team work ng department. Ayaw din nila ng kailangan pang tawagin at hintayin kapag may mga urgent mission. Ang bahay na tinutukoy sa contract ay para na ring main headquarters nila dahil nandoon rin ang control room nila sa misyon. Walang alinlangang pinirmahan ko ang contract at iniabot sa kaniya. Kaagad kong napansin na para bang hindi siya makapaniwalang pumayag ako sa lahat ng rules and regulations nila. "Trabaho lang naman ito kaya ayos lang sa akin na tumira kasama kayo. Huwag kang mag-expect na magpi-freak out ako dahil doon. Sanay ako sa undercover missions at kahit basement pa iyan ay titirahan ko kung iyon ang kinakailangang gawin. I'm a professional and top secret agent of this agency as well. Baka lang nakakalimutan mo," mahabang paliwanag ko pa. "Agent Zef," untag ko pa sa kaniya. Napaayos naman siya ng upo saka kinuha na ang inaabot kong papel. "Yeah. Tama ka naman. Trabaho lang naman ito. Wala naman din akong sinabing hindi." Napatango-tango naman ako habang hinihintay siyang pumirma. Napakamot siya sa kaniyang noo at tinapunan ako ng tingin. "Bakit?" nakakunot-noo ko namang tanong. Para bang nababahala siya na ewan. Ayaw niya bang tumira ako kasama sila? Ayaw ko rin naman, ha? Kung ayaw niya ay bakit niya pa inilagay sa contract? The hypocrisy as its finest! Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD