"Wala. Ano lang... kailangan mong mag-ingat kay Beau at Xell." "Why?" curious ko namang tanong. "Anong mayroon sa dalawang iyon?" "You know, lalaki sila at babae ka." "Eh?" nalilito ko namang usal. "Lalaki sila, babae ako at ikaw ay? Bakla?" pangugumpirma ko pa. Tumalim naman ang titig niya sa akin kaya pinigilan kong tumawa. Naiintindihan ko naman na ang kaniyang gustong sabihin pero mas trip ko lang siyang asarin. Maikli rin naman ang pasensiya ko pero mas maikli ang sa taong ito. Para bang lahat ng sasabihin ko ay ikakapikon niya. Masarap pa namang galitin ang taong nuknukan ng anger issues sa katawan. "Ang sinasabi ko ay..." "Ay?" Bakit naman ako mag-iingat sa dalawang iyon, eh mukha naman silang gentleman? Sa kanilang tatlo ay sa kaniya pa dapat ako mag-ingat. Saka bakit n

