KABANATA 12

1652 Words
"WALA ba akong puwedeng itawag sa iyo habang hinohostage mo ako? O kung okay lang sa iyo, tatawagin nalang kitang 'Mama' o kaya Hoy?”. Sabi ni Oli sa lalaking abala sa pagtatabas ng mga damo sa paligid ng kubo. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis habang sinasabi ang mga salitang iyon. Pakiramdam kasi niya ay hindi normal ang sitwasyon nila sa sitwasyon talaga ng mga kagaya niyang naho-hostage. Dapat ngayon ay nakatali ang mga kamay at paa niya. May busal ang bibig. O nakakulong sa isang silid. Pero heto at malaya siyang nakakagalaw sa loob at labas ng kubo. Maliban nalang sa hindi na talaga niya tinangkang pumasok sa loob ng gubat. Matatapos nanaman ang buong araw na hindi pa rin niya ito makausap ng maayos. Higit sa lahat ay hindi pa rin niya makumbinsing ibalik na siya sa kanila. Maghapon din nitong hindi tinatanggal ang maskara nito sa mukha. Pagbalik nila kanina sa kubo ay ilang beses siyang nagpaawa effect dito. Ang dami na rin niyang sinabi sa lalaki pero ni ha o ho ay wala itong isinasagot sa kanya. Mukhang tinamad na din itong magsulat sa papel dahil hindi siya nito sinasagot sa mga tanong niya. Sumasakit na ang ulo niya. Bukod doon ay parang wala siya sa paligid kung kumilos ito. Basta mag-iiwan lang ito ng pagkain sa mesa at hahayaan nalang siyang kumain. Hindi din ito umalis sa mga nakalipas na oras. Abala ito sa loob at labas ng kubo sa mga binubutingting nito. Parang hindi nga siya hostage sa totoo lang dahil malaya siyang nakakakilos sa loob at labas ng kubo. Isang beses pa nitong sinabi na maari siyang tumakas anumang oras kung nanaisin niya. Na hindi na niya magawa dahil alam niya ang mga nakaambang panganib sa loob ng gubat. Kaya ang ginawa niya ay hindi niya ito tinantanan ng kanyang mga paawa effect para siya tuluyan na nitong palayain. Kinukulit niya ito ng kinukulit pero mukhang manhid ang lalaki dahil hindi ito nagpapa-apekto sa kakulitan niya hanggang sa siya na rin ang mapagod sa ginagawa. Pero hindi pa rin siya titigil hangga’t hindi napapapayag ang lalaking ito na pakawlalan na siya – ng maayos at hindi ipapain sa kung ano-ano sa loob ng gubat. Dahil doon ay isang bagay ang natanto niya. Hindi ito masamang tao. Oo at bandido ito at hostage siya. Pero mukhang hindi ito kagaya ng isang tipikal na bandido na kahit ang kaluluwa ay masama. Hindi lang niya maintindihan kung bakit hindi pa rin siya pinapakawalan nito hanggang ngayon. O may plano ba talaga itong pakawalan siya? Nasaan din kaya ang mga kasama nito? Saan kaya nito kinukuha ang mga pagkain na ibinibigay sa kanya. Hindi naman niya ito nakikitang nagluluto doon. Hindi kaya may malapit lang na kubo sa kinaroroonan nila o baka naman wala talaga sila sa pusod ng gubat? Dahil doon ay nagkaroon siya ng kaunting pag-asa. Pero papaano siya nakakasiguro na kapag sinuong niyang muli ang gubat ay hindi na siya mapapahamak? Ah basta! Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon dahil siguradong nag-aalala na ang mga magulang niya sa kanya. Kailangan lang niyang palakasin pa ang convincing power niya sa lalaking ito dahil kung talagang hindi halang ang kaluluwa nito ay maawa din ito sa kanya. Kahit magkaroon pa sila ng deal ay gagawin niya basta makauwi nalang siya! Mula sa pagtatabas ay itinigil ng lalaki ang ginagawa at tinungo ang upuan. Dinampot nito ang papel at ballpen saka muling nagsulat doon. Mukhang nakuha niya ang interes nito – sa wakas! Blue. Tawagin mo akong Blue. Sabi nito sa sulat. Kumunot-noo siya."Blue?" Tumango ito. "Bakit Blue?" hindi ba siya marunong sumagot ng higit sa isang tanong? Muli itong nagsulat. Mas matagal. Tila kinainipan niya ang pagsagot nito. Iyon ang paborito kong kulay. Para kapag pinakawalan na kita ay maalala mo ako sa mga kulay na ‘Blue’. Sa tingin niya ay ngumisi ito ng ipakita sa kanya ang  isinulat dahil gumalaw ang mga labi nito sa likod ng mascara. Hindi niya alam kung matatawa siya sa sinabi nito o kukutusan ang sarili dahil nadala siya sa biro nito. “Sa tingin mo gusto kong maalala ang pangalan mo? Sa tingin mo gusto kong maalala na ginawa niyo akong hostage?” sa halip ay sabi niya dito habang pinipigil ang pagsilay ng ngiti sa sulok ng kanyang labi. Bakit pakiramdam niya ay pinagagaan nito ang kanyang kalooban? “Bakit hindi mo pa ako pakawalan? Nag-aalala na ang mga magulang ko sa akin.” Muli ay sinubukan niyang daanin ito sa pakiusapan. Hindi ito nagsulat. Ni hindi sumagot kahit ano. Nainis nanaman siya pero pinigilan niya ang sarili. Kahit gusto niyang magtungayaw ay parang wala siyang magagawa. Nakasasalay sa lalaking ito ang kaligtasan niyang makaalis sa lugar na iyon. O kaligtasan nga ba? Hindi ba ito ang hostage taker niya. Ligtas pa siya ngayon pero hanggang kailan? O sadyang may saltik lang ang taong ito at naghihintay lang talaga ng tamang araw para patayin siya. Pero ito na rin ang mismong nagsabi na palalayain daw siya nito. “Ako ba hindi mo tatanungin kung anong pangalan ko?” namutawing tanong niya pagkatapos ay napangiwi din siya. Siya pa talaga ang nakaisip ng tanong na iyon. Itinuro siya nito. Sumenyas na ano ang pangalan niya. “Oli. Just in case para may maitawag ka lang sa akin.” Gusto niyang batukan ang sarili dahil nagpakilala pa siya talaga dito. Tumango-tango lang ito saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Nakagat niya ang ibabang labi. “Kailan mo ba ako papatayin?” hindi napigilang tanong niya pagkatapos ng ilang sandali. Tumingin sa kanya ang lalaki. Sumeryoso ang mga matang nagsulat. Hindi kita papatayin. Hindi kita sasaktan. “Kung wala kang balak saktan o patayin ako, bakit hindi mo pa ako pakawalan?” Muli ay nagsulat ito. Huwag kang mag-aalala. Kailangan ko lang makasiguro… Nagsalubong ang mga kilay niya. “Makasiguro saan? Na hindi ako magsusumbong?” mapakla siyang natawa. “Hindi ba nga at ko nga makita ang mukha mo diba? Hindi ko alam kung saan lugar itong pinagdalhan mo sa akin. Sa tingin mo makakapagsumbong ako?” Hindi na ito sumagot pa at ibinalik na ang tingin sa ginagawa. Muling tumahimik ang paligid. Nag-isip pa siya ng puwedeng itanong dito. "Hindi ka ba naasiwa sa maskara diyan sa mukha mo? Mainit ang panahon. Kanina ka pa nga dito pero hindi mo tinatanggal ‘yang maskara sa mukha mo. Hindi ka ba naiinitan diyan? Siguradong pinagpapawisan na ‘yang mukha mo dahil maghapon mong suot ang bonet mo.” Litanya niya pero ang totoo ay gusto din talaga niyang makita ang itsura ng hostage taker niya. Sa totoo lang ay curious siya sa kung ano ang nasa likod ng maskara nito. Pangit ba ito. O guwapo? Pero may bandido bang guwapo? Parang wala pa naman siyang napanood sa mga movies na naging guwapo ang mga bandido o masasamang loob. Pero ang katawan nito…hindi niya masasabing pangit. Sa totoo lang hindi niya maaring sabihin na pangit. Dahil kahit hostage taker niya ito ay pupurihin niya ang built ng katawan nito. Ang katawan ng hostage taker niya ay hindi malaking-malaki. Pero naroroon ang mga muscles eksakto sa dapat nitong kalagyan. Sa pagkakahakab ng suot nitong t-shirt ay bakat na bakat nanaman ang impis na impis nitong tiyan. Para pa ngang nakabakat doon ang six pack abs nito – ulit. Mataas itong lalaki na sa tingin niya ay lalagpas sa anim na pulgada ang taas nito. Hindi niya masabi kung mahaba o maiksi ang buhok nito. Kasama kasi iyong natatakpan ng suot nitong bonet o maskara. At habang pinapanood niya kanina ang lalaki sa pagtatabas ng damo ay kita niya ang mga muscles nito sa braso. Hindi man niya hawakan ang mga iyon ay ramdam niya ang puwersa sa mga braso nito. Kung hindi niya ito naging hostage taker ay pagpapantasiyahan niya ang katawan nito. Katawan lang dahil hindi pa niya nakikita ang mukha nito. Baka ma-turn off lang siya kapag iba ang nasa likod ng maskara sa inaasahan niyang itsura nito. Umiling lang ito sa dami ng mga sinabi niya. Mukhang hindi talaga ito magsasalita. Sandali siyang natahimik. May gusto pa siyang itanong pero nagdalawang isip siya. Sa huli ay nagawa niyang magsalita. "H-hanggang kailan kaya ‘yung sinasabi mong sigurado ka na?" Sandali itong natigil sa ginagawa. Tila nag-isip saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi rin ito nagsulat sa papel. Ibig sabihin ay wala itong tugon. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Alam niyang may bait ito. "Baka puwede mo na akong ibalik sa amin. Baka puwede mo na akong pakawalan. Pangako, hindi ako magsasalita laban sa inyo." totoo iyon. Kung pakakawalan siya nito ay hindi siya magsusumbong sa mga pulis. Napatitig sa kanya ang lalaki. Pinursige niya ang convincing power. "Pangako." itinaas pa niya ang isang kamay. "Hindi ako magsasalita. Wala silang malalaman. Sasabihin kong basta niyo nalang akong iniwan sa lugar na puwede mong pag-iwanan sa akin at wala akong matatandaan na kahit anong puwedeng magpakakakilanlan sa inyo. Sigurado rin na hindi ko maituturo itong kubo dahil maliligaw ako bago pa kami makarating dito." Hindi niya alam kung bakit nasasabi niya iyon. Hindi niya sigurado kung ang dahilan ay dahil gusto na niya makauwi o makaalis sa lugar na iyon. Pero iisa ang natitiyak niya. Hindi na niya magagawang magsumbong sa mga pulis tungkol dito. Lalong tumiim ang tingin nito sa kanya. Hindi niya masyadong makita ang mata nito dahil sa bonet nitong suot. Isa pa, may maitatawag na siya dito. Isang mahabang katahimikan ang lumipas bago ito kumilos upang sumulat. Kinakabahan siya habang naghihintay ng sagot nito. Pag-iisipan ko. Okay na iyon sa kanya. Kahit papaano ay puwede siyang umasa. Pero kahit papaano ay napangiti na siya. Base kasi sa naging reaksiyon nito ay tila ito nag-isip. Atlist nag-isip ito – kung kailan siya palalayin. Kahit papaano ay alam niyang palalayain din siya nito. Pero dapat ba siyang maniwala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD