KABANATA 11

2012 Words
TILA na-freeze ang lahat sa paligid ni Oli. Napakurap-kurap siya dahil inaarok pa niya kung seryoso ang lalaki sa pagpapatakas siya. Nilingon niya ang lalaking ngayon ay bahagya ng nakakalayo. Tumakas ka na! gayon na ang oras para makaalis ka sa lugar na ito! Tumakas ka na Oli! Huwag ka ng tumayo-tayo ap diyan! Nang masigurong seryoso ang lalaki at walang balak na pigilan siya ay nanumbalik ang tino ni Oli at umiral ang instinct niya. Binigyan na siya ng tsansa na makatakas sa lugar na iyon. Kung kailangang sagupain niya ang masukal na gubat makatakas lang siya ay gagawin niya. Dapat ay kahapon pa niya iyon ginawa. Dapat ay hindi siya nagpadaig sa kanyang wild imaginations at takot. Isang beses pa niyang tinapunan ng tingin ang kubo na ilang metro na din ang layo sa kanya. Nagbabakasakaling makikita ang lalaki. Pero hindi na niya alam kung saan ito nagsuot. Hindi naman ito pumasok sa kubo. Nang wala siyang maramdamang paggalaw ay nagpasya na siya. Tatakas siya. Na hindi naman talaga masasabing pagtakas dahil kusa nga siyang pinatakas ng lalaki diba? Ni hindi na niya naisip na kumain muna at may pagmamadaling pinasok ang kasukalan. Sinimulan niya ang paglalakad sa diretsong pasalungat ang daan sa kubo. Ilang metro palang ang layo ng nalalakad niya mula sa kubo ay parang gusto na niyang bumalik. Pakiramdam niya ay lalo siyang maliligaw kung ipagpapatuloy niya ang paglalakad. Walang bakas ng daanan siyang makita. Pulos paghawi sa mga sanga ang ginagawa niya para makita lang niya ang dinaraanan. Hindi nga niya alam kung tama ang tinatahak niyang landas. Basta kasi pinasok nalang niya ang gubat. Nagsisimula na din siyang magkaroon ng mga gurlis sa braso dahil sa mga sangang nakakasalubong niya. Hindi din naman niya gugustuhing puro galos at gurlis ang katawan niya pagkalabas niya sa gubat na iyon. Kasama iyan sa pagtakas Oli. Huwag kang magreklamo kung gusto mong makatakas at makauwi sa inyo. Sita ng isip niya sa pagrereklamo niya. Lalo siyang napangiwi ng sa patuloy niyang paglalakad ay wala pa din siyang makitang trace ng daan. Pakiramdam niya lalo siyang dinadala sa loob ng kasukalan. Mas nakaramdam din siya ng takot habang nasa gitna ng mga puno at kasukalan na iyon keysa ang manatili sa kubo. Parang mas ligtas pa siya kapag nasa kubo lang siya. Mas nakakatakot din ang mga punong naglalakihan sa paligid. Nangalinsag ang balahibo niya sa katawan ng biglang mag-ingay ang mga kulisap sa paligid. Kahit tirik na tirik ang araw ay hindi nanaman niya mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Ni hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo rin siya naroroon. Kung ano-ano nanaman ang pumasok sa malikot niyang imahinasyon. Baka may mga engkantong nakatira doon at makursundahan siya. Hindi niya iyon maatim. Nayakap niya ang sarili. Isa pang push at konting pang-uuto sa sarili. “Kaya mo ‘yan, Oli. Mahahanap mo ang tamang daan. Kaya mo ‘yan…” aniya sa sarili. Malakas siyang bumuga ng hangin saka tumango-tango. “Lord, ituro niyo ako sa tamang daan…” Kahit papaano ay lumakas ng kaunti ang loob niya. Sa kabila ng takot ay nilabanan niya iyon. Magpapatuloy lang siya sa paglalakad at baka makakita siya ng daan patungo sa kung saan kahit gaano pa kakipot iyon – kahit gaano pa kalayo. Muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad. Nakakailang hakbang palang siya ng tumunog ang kanyang sikmura. Saka lang niya naalala na hindi pala siya kumain bago nag-isip na tumakas. Sumagi sa isip niya ang nakahaing pagkain kanina sa lamesita. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng gutom. Sa puntong iyon ay ayaw na niyang sisihin pa ang sarili. Tiniis niya ang gutom. Dire-diretso lang siya sa paglalakad ng may maramdaman siyang tila tumalon sa kanyang paa. Impit na siyang napasigaw bago pa niya mapigilan ang sarili. Malamig iyon at naiwasiwas niya ang paa. Nakita niya ang isang malaking palaka na may bukol-bukol sa katawan na siyang tumalon sa paa niya. Nandiri siya at nagsisigaw. Pero walang makakarinig sa kanya. Dahil sa kakikilos niya ay tumama siya sa mga malalaking sanga ng puno at sumabit sa mga iyon. Lalo siyang napasigaw habang kumakawala sa mga sanga. Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na boses ni Oli. “Tulong! Tulungan niyo ako!!!” pasigaw niyang paghingi ng saklolo. Pero siya nalang ang napagod dahil pa ring dumarating na tulong. Mukhang kahit ang hostage taker niya ay wala na din sa paligid at hinayaan na siyang maligaw sa gitna ng gubat na iyon. O kung naroroon man sa paligid ang lalaki ay mukhang wala itong balak na tulungan siya. Saka lang niya naisip na kaya maaring hindi pa siya nito ginagawan ng masama o patayin siya ay plano pala nitong iligaw siya sa gubat at hayaan siyang mapahamak doon. Nang mahimasmasan ay nailibot niya ang tingin sa paligid. Nakaalis na din siya sa mga sanga-sanga. Hindi na umubra ang pang-uuto niya sa sarili. Takot na takot na talaga siya. Nasisi niya ang sarili na sana ay hindi nalang siya umalis sa kubo. Na sana ay naghintay nalang siya kung palalayin ng lalaking iyon o baka may magawa pa siyang pang-uuto dito para pakawalan siya at ihatid sa bahay nila. Babalik nalang siya sa kubo. Pero hindi na niya alam kung saang bahagi ng kasukalan ang pabalik sa kubo. “Hoooyyyy!!! Lalaking nakamaskara!!!” Sigaw niya habang iginagala ang tingin sa paligid. “Ayoko na ditoooo!!!” Tinawag niya ang lalaki kahit hindi niya alam kung papaano ito tatawagin - by name. Baka marinig pa siya nito. Baka nasa malapit lang ito. “Hayop na lalaki! Hindi nga ako sinaktan pero plano pala akong iligaw sa gubat na ito!” naghihimutok at naiinis na wika niya. Nakakapagtaka talaga dahil mas ligtas ang pakiramdam niya sa kubo maging sa lalaki kung ikukumpara niya ang pakiramdam na naririto siya sa gitna ng gubat. Umurong siya habang inaalala kung saan siya nanggaling kanina. Pero nagkamali siya sa pag-urong dahil isang bagay ang natapakan niya dahilan para bigla siyang umangat sa ere. Mabilis ang eksenang nangyari dahil ngayon ay nakakulong na sa isang malaki at tila lambat. Mabuti nalang at hindi siya nakabitin patiwarik. Dahil kung ganoon ang nangyari siguradong hihimatayin siya. Nagpumiglas siya at nagsisigaw. “Tulooooonnnnggg!!!” sigaw siya ng sigaw. Pinilit niyang kumawala sa bitag na iyon. Minura niya sa isip ang taong naglagay niyon. Mas galit ang naramdaman niya keysa umiyak. Pero kung gaano kalalaki ang lubid ng lambat ay ganoon naman ang liit ng butas na mga iyon. Hindi siya kakasya para sana kumawala sa bitag. Malayo ang tsansang makatakas siya. Nang mapagod siya ay kusang tumigil ang katawan niya. Mukhang kahit ang utak niya ay napagod ding mag-isip. “Diyos ko! Ano po ba itong napasok ko? Puro po ba bitag ang gubat na ito? Papaano po ako makakaalis sa lugar na ito? Tulungan niyo po ako, please Lord.” Ang frustration niya kanina ay sinasamahan na din ng takot ngayon. Muli siyang kumilos at sinubukang makatakas subalit lalo lamang siyang napapagod at nasasaktan dahil gumagasgas sa balat niya ang lubid ng bitag. Tumigil siya at napapikit. Ilang beses niyang nahabol ang paghinga at ilang sandali siya sa ganoong posisyon. Nang kahit papaano ay pakalma na ang dibdib niya sa mabilis na pagtahip ay bigla naman siyang nagulat ng marinig ang malakas na pagpalo ng isang matigas na bagay sa punong kinasabitan ng bitag. Mabilis siyang luminga sa ibaba. Para siyang nakakita ng anghel sa katauhan ng lalaking hostage taker niya. Nagliwanag ang buong mukha niya. "Ikaw!" tawag niya dito."Salamat at dumating ka. Pakiusap, tulungan mo akong makawala dito." sabi niya sa malakas pero mahinahong tinig. Ayaw niyang bigyan ito ng katiting na pangamba upang huwag siyang tulungan. Kailangan niyang maging friendly ngayon. Kailangan niyang maging friendly sa kanyang hostage taker! Ngumisi ang lalaki sa likod ng suot nitong maskara. May isinulat ito sa papel pagkatapos ay ipinabasa sa kanya. Naitirik niya ang mga mata. Kahit saan ba ay dala nito ang papel at ballpen na iyon? Oo. Marahil ay habang kasama ka. Siya na rin ang sumagot sa sariling tanong. "Akala ko ba tatakas ka? Bakit nandiyan ka?" mahinang basa niya sa malalaking letra para marahil mabasa niya dahil may kalayuan ang pagitan nila. Natutop niya ang bibig dahil baka kung ano ang lumabas sa bibig niya. Pinigilan niya ang sariling singhalan ito. Baka hindi siya tulungan. May pagka-atribida rin pala ang lalaking ito. Humanda ka sa akin kapag nakababa ako dito. Ngumiti siya dito ng pilit. "Tatakas nga sana ako kaya lang nagbago ang isip ko. Nakalimutan kong kumain ng agahan. Kaya lang na-trap na ako dito." sabi niya habang pinipigil ang sariling singhalan ito. Tumawa ng walang tunog ang lalaki. Kung wala siya sa kinalalagyan ay kinutusan niya na ito hanggang sa mapaluhod ito. Nakakapagtaka talagang may senaryo silang ganito. Hindi ganito ang normal na sitwasyon ng isang hostage at hostage taker. Nakita niyang nagsulat ito sa papel pagkuwa’y muling ipinabasa sa kanya ang isinulat nito. Ngayon lang ako nakakita ng hino-hostage na humihingi ng tulong sa hostage taker niya. Mas gusto mong tulungan kita at ibalik sa kubo kesa palayain kita? Hindi niya napigilan ang sariling simangutan ito. Pumikit nalang siya bago pa ito mairapan ng matindi. Pero may punto ang lalaki. “Wala akong gusto sa mga pagpipilian. Pero kung hindi mo ako tutulungang makaalis sa lambat na ito ay baka iba ang makapatay sa akin at hindi ikaw!” malakas niyang sabi. Iniisip niyang mababangis na hayop ang maaaring makatagpo sa kanya habang nasa bitag o ibang tao na mas halang ang bituka kumpara sa lalaking kasama niya ngayon. Nagkibit-balikat ang lalaki saka nagpalinga-linga ng tingin sa paligid. "Hindi mo ba ako tutulungang makababa dito?" sabi niyang kinuha ang atensiyon nito. Mukha kasing nag-eenjoy pa ito sa tanawin niya. "Humor me at my credit pa ang kapreng ito". Mahinang bulong niya habang iniikot ang mga mata. Kumilos ito at nagpunta sa isang bahagi ng puno. May pinutol itong tali na siyang kumukuha ng puwersa para ma-iangat ang lambat kapag may na-trap doon. Nang maputol iyon ay mabilis siyang bumulusok pababa sa lupa. Handa na siyang maramdaman ang sakit sa pagdidikit ng katawan niya sa lupa kaya mariin siyang pumikit. Pero hindi niya naramdaman ang sakit na inaasahan ng dalawang mapupuwersang kamay ang sumalo sa kanya. Nagmulat siya ng mata at nakita niya ang lalaki na siyang sumalo sa kanya. Hindi kaagad siya nakakilos ng magsalubong ang kanilang mga mata - na mata lamang nito ang tanging nakikita niya. Parang huminto ang hangin at nawala ang ingay ng mga kulisap sa paligid. Para siyang biglang naestatwa habang nakatingin sa mga mata nito. Paano ay parang nanghihipnotismo ang pagkakatingin nito. Para bang kay hirap niyang alisin ang mga mata dito. Na parang may invisible glue na nag-uugnay sa kanila. Masyado din siyang naging aware sa paglalapat ng kanilang katawan at muli niyang naramdaman ang di maipaliwanag na kuryenteng iyon. Gusto niyang gumalaw pero hindi niya magawa. Para siyang kinokontrol ng lalaki. Ng estranghero at hostage taker na ito. May urge na gusto niyang tanggalin ang takip sa mukha nito. Akmang aangat na ang kamay niya subalit maagap itong napigilan ng binata sa paraan ng pagtitig sa kanya. Bahagya din itong umiling-iling at nagsasabing huwag siyang magkakamaling tanggalin ang takip sa mukha nito. Nadidismayang ibinaba niya ang kamay. Nang maalala niya kung sino ang kaharap ay para siyang biglang natauhan. Nagpumiglas siya pero kulang iyon sa effort. Ibinaba siya ng lalaki at pinakawalan. Sandali niyang inayos ang sarili. Kinukuha ang kumpansiya sa sarili. Ang balak niyang pagganti dito kanina ay hindi na niya nagawa. Paano ay tinabunan ng samu't-saring emosyon ang utak niya. Tumalikod siya at naglakad papasok sa isang bahagi ng gubat. Ni hindi nag-iisip kung iyon ba ang daan pabalik sa kubo. Nakakadalawang hakbang palang siya ng pigilan siya sa isang braso ng lalaki. Akala niya ay kung ano ang gagawin nito. Pero napahiya siya sa sarili ng sumeyas itong mali ang tatahakin niyang daan. Tumalikod ito. Nagkandapatid-patid na sumunod siya dahil ayaw na niyang maiwan doong mag-isa. Baka kung ano-anong bitag pa ang sumalubong sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD