Chapter 1
"Ang Manlligaw kong si DOC at ang C.E.O"
Written by; MHAYIE
CHAPTER 1;
ALTHEA EUNICE VASQUEZ :
"Thea !"
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa taong tumawag sakin,nang lingunin ko ito humahangos na si Giannarie Pachenco .
"Oh Gi? bakit parang hinahabol ka ng aso dian?"
"Besty naman eh ! kainis ka ang bilis mo maglakad!"
"Sino ba kasi nagsabi sayo na habulin mo ako?"
"Ay ang sungit!" sabi nito .napangiti naman ako sa itsura nitong mukhang pato kung magtampo dahil sa pinausling nguso nito.
"Asus bilis naman magtampo ng besty ko nagmumukha ka nanaman pato!" katyaw ko sabay akbay.
"Tsee pangit mo ka bonding !" sabi pa nito .
"Besty sorry na ,di ka naman mabiro!" pag aalo ko.
"Ayoko F.O na tayo besty !" sabi pa nito na may pagtatampo.
"Sorry na besty huwag kana magtampo uwuw! hali kana bili nalang kita ice cream!"
"Ok besty na uli tayo!" mabilis na sabi nito.
Mukhang nadali nanaman ata ako ng magaling na besty ko.
Si Giannarie Pachenco ang nag-iisang besty ko or sabihin na natin Childhood friend.! lagi na kame magkasama sa saya,kalokohan at lungkot pa yan,magkaedad lang kami ni Gi sa edad namin 25 marami pa kame ang hindi nararanasan tulad nalang ng pagpunta ng mga bar kasi mas gusto namin mamasyal or magmall kesa magwalwal ,madalas nga kame tawaging kambal tuko kasi hindi na raw kame mapaghiwalay dalawa, maganda si Gi maliit ang mukha may mahahabang pilikmata at ang kilay nito ay sadyang perpekto sa hugis at kapal,isa rin sa asset nito ang dalawang biloy at mapupulang labi nito maputi si Gi sa katunayan para siyang pinaglihi sa labanos sa tangkad at hubog ng katawan pang pageant talaga, yun nga lang wala itong hilig ,mas gusto raw kasi nito na mag-experiment kesa ang pag-eksperementuhan ng mga lalaki kaka imagine sa kanya lalo ayaw niya magrampa at ibalandra ang katawan sa lahat ng tao,kahit may pagkabalahura ito hindi naman ito pakawalang tao para nga itong Maria Clara yun nga lang hindi sa pag uugali kundi sa pananamit.
Pero Syempre ako pa ba? im Althea Eunice Vasquez 29 years old ,teka syempre kailangan ko rin ata itaas ang bandera ko kahit na NBSB ako (No boyfriend since birth) at kung tinatanong niyo kung bakit? hindi korin alam?
Maganda din naman ako yun nga lang hindi kulay labanos ,maputi oo at mahaba ang buhok,matangos ang ilong may magagandang mata at may kulay rosas na mga labi , yeah simple but im pretty sure swak naman sa mga pantasya ng mga kalalakihan pero ewan ko ba bakit ni isa walang nagtangka manligaw!? .
Pero ayos lang para iwas sa tukso isa pa ok narin yun kasi ngayon 4rth year college na kame kelangan mas focus ako sa pag aaral hindi kasi biro ang kursong Nurse , isa pa ang lovelife makakapaghintayan yan ika nga nila?.
"Hui Besty ang layo na ng narating mo!!?" sabi ni Gi saka lang ako natauhan.
"Bat di ka sumama besty? !" katyaw ko .
"Yoko ikaw nalang! sa nga pala wala kabang Sundo?" usisa nito.
"Wala ! " sabi ko
"O-ok sabay na Tay----OMG ayan na pala si Mr.Right mo!" biro nito.
"Baka kamo Mr.Wrong hahaha!" sabi ko sabay tawa.
"Wala daw Sundo ? LQ lang besty?" pang iinis pa nito.
"Hindi ah malay ko ba sa kabuteng yan!" pagsusuplada ko.
"Asus pero Mahal mo?"
"H-Hindi !."
"Hali ka na nga pakipot kapa eh!" tukso pa ni Gi at hinatak na ako papunta sa lalaking nakatayo na akala mo isang modelo ng mga mamahaling sasakyan .
"Hi pogi este Sir!" si Gi
"Hello Gi lalo kang gumaganda ata ngayon?" nakangiting bati nito.
"C-Chalamat hihihi Maliit na bagay!" parang bulateng saad ni Gi.
"Kung kiligin naman ito ?akala mo bulating binudburan ng asin naman itong besty ko!" kastigo saking sarili.
"Oh ano magbobolahan nalang ba kayong dalawa diyan? " sita ko sa dalawa na bigla naman natawa.
"Asus selosa naman itong Besty ko parang nangangamusta lang sa Carl mo!" sabi nito na may diin sa dulo.
"Weirdo!" bulalas ko saking sarili.
"Sorry Carl masyado kasi selosa itong besty ko! oh paano maiwan kona kayo!"
"Teka sabi mo sasabay ka?" pigil ko kay Gi.
"Akala ko kasi wala kang sundo eh meron naman so hindi na kita para bantayan este samahan! oh pano Carl bantayan mo itong besty ko ah! saka mo na kunin ang bataan pag tapos na mag aral itong besty ko!" sabi ni Gi.
"Gi Bunganga mo lagyan mo naman ng konting filter oh!!" sita ko sa kahalayan ng besty ko
"I will thanks Gi!" paalam nito sa besty ko,ayun na nga ang kabute sumang ayon pa sa lokaret kong besty .
"Wow hanep besty ko nalimutan ako ihug awts! kainis sila na close!" bulalas ko saking sarili .
Pairap na tinalikuran ko si Carl at pumasok na ako ng kusa ,talagang umupo ako sa may passenger seat at padabog na sinarado ko ang pinto,pero ang loko hindi parin tuminag kaya inis na inabot ko ang busina ng sasakyan nito.
"What the Heck ?" gulat na bulalas nito at patakbo na nagtungo sa driver seat.
"What?" tanong ko ng mapansin ko nakakunot ang noo nito habang nakamasid sa may salamain.
"Bakit diyan ka nakaupo? "
"Magdrive kana kung hindi magcocommute nalang ako!" salungat na sagot ko.
"Ok fine!" napipilitang sagot nito..
Tahimik lang ako buong byahe talagang sinsadya kong ituon nalang ang tingin ko sa labas para hindi na ito magtanong pa ,ewan ko pero nainis talaga ako .
Maya-maya lang ay huminto ito sa isang Mall.
"Let's go?" aya nito,hindi ako umimik bumaba nalang ako at nagpatiyanaod nalang.
"Galit ka parin ba?" tanong nito,sa ikalawang pagkakataon mas tinikom ko nalang ang bibig ko kesa sungitan o sagutin pa siya.
"Tssk!" iritadong sabi nito at nauna nang maglakad.
Napangiti naman ako dahil alam kong inis na ito pero nagtitimpi lang.
"Haist iba talaga pag umeedad na nagiging mainit na ang ulo!" bulong ko sa aking sarili habang pangiti ngiti.
Pumasok sa isang Restaurant si Carl kaya sumunod nalang ako mukhang naputol ko na ata ang pisi ng pagtitimpi nito kasi di man lang talaga ako hinintay para isabay pumasok.
Pagkapasok ko May isang waitress na lumapit sakin para ihatid ako kung saan naroroon si Carl.
"Maam /Sir Enjoy your date po!" sabi nito.Aapila sana ako kaso nakita ko nanaman ang madilim na awra nito.
"Yes Maam?" Tanong ng Waitress na napinsin yata may sasabihin ako.
"A-ah wala Misss ! itatanong ko sana saan ang Restroom niyo?" pag iiba ko.
"Miss Pakituro nalang sa kanya at baka maligaw pa yan!" sabat ni Carl.
"Ok po Sir ! Maam samahan ko na po kayo!" magalang na sabi nito.
Tinignan ko ng masama si Carl bago ako tumayo,at napagpasyahang sumunod sa Waitress.
"Bweset na yun ano akala sakin bata? " inis sa bulong ko.
"Maam ang sweet naman po ni Sir sayo masyadong possessive Boyfriend hah? " sabi ng waitress.
"Yun Sweet? saan banda?" bulong ko pero mukha narinig ata ng waitress.
"Po Maam?"
"Wala Miss saka Hindi ko po siya Boyfriend!" pagtatama ko.
"Naku si Maam Todo Deny pa Bagay naman po kayo!"
"Huh bagay? kame bagay?" paglilinaw ko.
"Yes Maam perfect match kayo!" kinikilig na sabi ng Waitress.
"Maam This way po! maiwan ko na po kayo kung may kailangan papo kayo tawagin niyo lang po ako !" magalang na sabi nito.
"Salamat !" sabi ko
"Welcome po!" magalang na sagot nito.