Chapter 1
"Azey, nakapili ka na ba nang University na nais mong pasukan?" Dad said.
May pinakita kasi sila sa akin na puwedeng pagpilian kong University.
"Dad, do you think Daemarrell University is the best school than this Herlingstone University?" Balik kong tanong dito, well pangalan pa lang kasi ng Univ na ito ay napukaw na agad ang atensyon ko at parang may nag uudyok saking dito ako mag-aral, but I don't know the reason why?
"Yeah, that University is better than the other Universities here, Why?" Sagot at tanong naman nito.
"Ok! then, I'll choose this Daemarrell University, instead." Sabi ko sakanila, sumang-ayon rin naman ang mga ito at makahulugang nagtinginan sa isa't isa. Snabi na rin nilang aayusin na nila ang mga papeles upang maprocess agad ang pag papaenroll ko sa School na yun.
This Daemarrell University is quite interesting huh, I can feel it by the looks of the name of that school I can sense that if I'm already there, maybe there's a lot of things I just wanna know.
But if I am already there I'll just going to study first before anything else, that's my priority, to study and to have a peaceful life. That many people wanted to have for the rest of their existence here in the world huh!
Saan na ako napunta layo na nang narating ng pag iisip ko tsk.
Hindi ko namalayan na hapunan na pala nakatulog pala ako, nagising na lamang ako ng tawagin ako ni mama kaya naman bumaba na ako nag tungo ako sa kusina kung saan nandun na rin sila. At nang makaupo na ako ay kumuha na ako ng makakain ko dahil nakaramdam na rin naman ako ng pagkagutom.
Tahimik kaming kumakain ng mag salita si dad.
"All the papers that you need is in your room now. Azey, tingnan mo nalang." Sabi ni dad habang nakatingin sakin kaya naman napatango na lang ako dito.
“Eight in the morning you need to go there to enroll yourself okay." Habol naman ulit nito kaya napatango ulit ako.
Matapos namin kumain ay nag paalam na ako para umakyat sa taas pagpasok ko pa lamang ay tinungo ko na agad ang study table ko para tingnan kung okay na ba lahat ng kailangan ko para bukas. Nang makita ko naman na ayos na nga talaga ang mga ito. Ang bilis talaga trumabaho ni dad.
***
Unti-unti akong nagigising sa marahan na pagtapik sa aking pisngi ng kung sino. Iminulat ko ang aking mata ng pakonti-konti. Nang makita ko na ang gumigising sa akin ay si Mama lang pala. Bumangon na ako upang makapag-ayos na ng sarili bago bumaba.
"Morning, Mom." bati ko rito habang nakaupo sa aking kama.
"Morning, Sweetie. Take a bath first before you go down stairs." Agad na tinanguan ko naman ito.
Nang tuluyang makalabas si Mama sa aking kwarto ay nagtungo na ako sa banyo upang maligo. Ilang minuto rin ang lumipas bago ako tuluyang matapos sa pag gagayak, ng maayos ko na ang lahat ng kailangan ko ay nag pasya na akong bumaba na upang kumain ng almusal.
•••
Habang binabagtas ko ang lugar kung saan ako papunta ay binuksan ko muna yung radio para maibsan ang namumuong pagkainip, medyo malayo-layo na rin ang nararating ng pag babyahe ko napansin ko rin na may pagkaliblib na tong lugar na tinatahak ko, Hindi kaya naliligaw na ako nito? Nasabi ko na lamang saking sarili. dahil sa hindi na ako sigurado sa lugar na kinaroroonan ko ay minabuti ko na lamang ulit tingnan yung mapa sa iPod ko. Nang makita ko naman ay tama lang pala talaga ito.
Diretsyo lang ang linya na nakalagay sa iPod ko kaya naman diretsyo lang din ako sa pagmamaneho, napasulyap ulit ako sa monitor ng iPod at hindi na tuwid ang tatahaking daan nito bigla itong kumaliwa ng direksyon kaya naman minaniubra ko ang manibela paliko papunta sa kaliwa. Medyo pababa ang daan nito kaya binagalan ko nalang ang pagmamaneho though wala naman akong kasabayan sa kalye pero mas mabuti na to. Safety first yah know.
Matapos ang pababang kalsada ay pa-zigzag naman ang hugis nito. ano ba tong pinuntahan ko? Parang ewan lang tsk. Hindi rin naman nagtagal ay mukhang nakarating na ako sa distinasyon ko dahil nakikita ko na ang malaking gate na kulay itim at may naka in-grave sa pinakang gitna nito ang Mac Laren University, naka cursive pa ang style nito at mukhang nagmumura sa ginto ang kulay nito... ewan ko lang kung pinasadya talaga ng may-ari na ginto ang kulay nito or sadyang ginto talaga ito.
Bubusina palang sana ako sa nakasaradong malaking gate para makuha yung atensyon ng nagbabantay sa loob ngunit nagulat na lamang ako dahil bigla itong unti-unting bumubukas. Nang tuluyan na nga itong bumukas ay nakita ko naman doon ang dalawang guards sa magkabilaang side ng gate lumapit sakin yung isang guard. Grabe ang laki ng katawan niya para syang bouncer huh! Seryosong seryoso ang mukha nito at ang tangkad pa nya. Hindi na ako magtataka kung bakit sila ang tagabantay dito. Kumatok ito sa may bintana ng Ferrari ko kaya naman ibinaba ko ang bintana nito.
"Miss Michelle Denver, right?"paninigurado nito na hindi mo pa rin makikitaan ng emosyon. Woah! Masyado bang masalimuot ang nakaraan nito kaya hindi man lang magawang ngumiti.
"Yes. Ako nga." sagot ko naman dito. Teka bakit naman ako kilala nito? Ngayon lang naman ako pumunta dito. Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip ko, base na rin siguro sa naging bakas ng emosyon sa aking mukha kaya nag salita ito.
"We have a copy of the new enrollees here, even the car's plate number." sagot naman nito, woah! Kaya pala. Oo nga pala inasikaso na ni Dad lahat ng kailangan ko.
"Okay." Pero teka lang pano nila nalaman eh sarado yung gate saka hindi naman nila ako nakita.
"We noticed your arrival at the CCTV's footages even you're still outside the campus." Mahabang sabi nito. Is he a mind reader? At saka englisero si manong guard hah! Taray.
"Ahm! Okay then, pwede na po bang pumasok?" Tanong ko nalang para makaalis nako dito. Huh! Tumango naman ito kaya naman pinaandar ko na ulit ang kotse ko.
Akala ko naman malapit na ako mismo sa school na ito, yun pala malayo pa dahil medyo mahaba pa 'tong daan na tinatahak ko. What the hell!? School pa ba to. Makalipas ang limang minuto ay may gate na naman, ilang gate pa ba ang papasukin ko para makarating sa University na yun? Tsk. Pero hindi na ito kagaya ng naunang gate na kakatukin kapa ng guard bako ka papasukin, itong pangalawa naman ay walang nag babantay pero habang papasok ako dito ay mayroon itong improvized na Data Scanner high tech e, Matapos ma-scan ng sasakyan ko ay may bumukas na hindi kalakihang gate. Okay 3rd gate na to, what's next tsk. Napansin ko na parang dumidilim na sa bandang ito at sa tingin ko parang nasa tunnel ako hala. Nakumpirma ko na tama ang hula ko nasa underground tunnel ako dahil medyo makipot ang daan nito pero hindi naman one way ang daan nito. Nang makalabas ako sa underground tunnel ay muling nag liwanag na ang daanan nito.
After three minutes, nakita ko na rin ang malaking universidad. Sure na akong nandito na talaga ako. Dahil naririnig ko na ang ingay na nang gagaling mula sa loob. Naghanap hanap ako ng available na slot dito sa parking lot at ng makakita ay tinungo ko agad ito para makapag park na. Lumabas ako ng sasakyan bitbit ang bag ko. Pinindot ang remote key ng kotse ko para ma-lock. Pagkatapos hinanap ko agad ang Registrar Office para makapag pa-Enroll na agad ako. I'm getting tired. Dahil sa sobrang laki ng Universidad na to hindi ko alam kong saan ako unang maghahanap kaya minabuti ko na lang ang mag tanong sa mga nakakasalubong ko.
Nang makita ko na ang Registrar Office ay kumatok na ako ng tatlong beses narinig ko naman na pinapapasok ako ng nasa loob kaya pinihit ko na pabukas ang siradura. Isang nasa mid-30's na babae ang naabutan kong nakaupo dito.
"Good day! Ma'am." bati ko dito at binati rin naman ako nito pabalik. Pinaupo ako sa kaharap niyang upuan na nakapagitan sa table niya. Pagkabigay ko dito ng requirements ko ay agad nitong binusisi ang laman ng mga iyon. Matapos basahin ay inangat na muli nito ang ulo mula sa pagkakayuko.
"So Miss. Denver, This is your Dorm Number. And your Key Card." Agad namang sabi nito wait! What? Dorm number? At ano susi?. Hah! What the hell what is the meaning of that?
"Wait! What, Ma'am? I don't need that saka para saan naman po yan?" Gulat at naguguluhang tanong ko dito.
"Miss. Denver, All the students here are required to stay here until the Semester ends. Since medyo malayo ang lugar na ito at may pagkaliblib ay priority ng school administers ang kaligtasan ng bawat studyante sa paaralang ito." Mahabang paliwanag nito. Huh! Hindi lang medyo may kalayuan nito nuh! Sobrang layo kaya, bukod pa sa tatlong gates na dinaanan ko kanina. Pagprotesta ko dito sa isip ko .
"Ahm! Eh, I don't have anything with me except myself and my car." Nakangiwing sabi ko naman dito.
"Don't worry, Mr. Denver is on his way to give all your needs here. All you need to do is to wait on his arrival." Sabi pa nito, huh! Alam ni Dad na stay in ako dito but he didn't mined to tell me about this.
"Miss. Denver, You may go now. Find your dorm, diretsyohin mo lang yung daan sa likod ng campus then turn to the left side makikita mo doon ang Girls Dormitory. I'll inform you when your father is already here." Sabi ulit nito kaya naman tumayo na lamang ako at nag paalam na para hanapin yung Dorm ko.
Okay, matapos kong pagdaanan ang mahabang biyahe, at suungin ang tatlong gates at makita ang dalwang nakakatakot at naglalakihang katawan ng guards doon na hindi man lang alam ang ngumiti dahil sa kaseryosohan ng mga mukha mula sa labas at tahakin ang madilim na underground tunnel at bago kapa makarating talaga sa loob ng University na ito ay babyahe kapa ulit ng three minutes bago mo marating ito. Yan ang mga napagdaanan ko makapunta lang dito upang makapag enroll, then hindi lang pala yun ang aabutin ko dito dahil may isa pa... Stay in pala lahat ng pumapasok dito wala akong kaalam alam dahil ang magaling kong Tatay ay alam naman pala ang regulasyon sa paaralang ito hindi man lang ako sinabihan. What a father? My father loves me so much... hindi lang yun ha! Makakauwi ka lang pag sembreak na huhuhu! Ano to under ba to ng Missionary School kaya kailangan mag stay in ka dito wahhhh! What the freaking cheesecake!
Can I back out now?
•••