Chapter 3

2786 Words
Nagising ako sa ingay ng sa tingin ko ay nag sisigawan ang mga ito, hindi ko na sana papansinin at nagtakip na lamang ng unan kaya lang mukhang walang balak ang mga nasa paligid ko na tumigil sa kung anong pinagsisigawan ng mga ito. Dahil sa inis ko ay bumangon ako at walang pasabing ibinato ang unang bagay na nahawakan ko. Nakapikit parin ang mga mata ko dahil nararamdaman ko pa ang antok dahil madaling araw na akong nakatulog. Napamulat naman ako bigla ng may sumigaw. "Aray! Masakit yun ha!" Tiningnan ko kung sino ang nagsalita sa apat na kasama ko sa kwarto at ng makita ko na ito ay nakahawak siya sa may braso at dumadaing sa sakit. "Aww, Mikaela, I'm sorry ang ingay niyo kasi e." Naka piece sign ko pang sabi dito habang napapangiwi. Napansin ko kasi ang pamumula ng natamaan na braso niya lalo pa't maputi siya kaya kitang kita iyon. "Azey, Bakit kaba bigla-bigla na lang namamato dyan? To think na yung Cellphone mo pa talaga ang naibato mo kung ako nga ang matatamaan nito ay masasaktan talaga ako." Mahabang sabi naman nitong si Mildred habang hawak-hawak ang cellphone ko na hindi naman nasira. "Ang ingay niyo naman kasi e! Bakit ba kayo nag sisigawan dyan? Parang walang natutulog ha!" Sabi ko naman sa mga ito habang tumatayo mula sa aking kama. Pagkasabi ko niyon ay nagsimula na ang mga ito sa pagsisisihan hanggang sa nauwi sa pagbabangayan, pagsisigawan na masakit talaga sa pandinig. Maging ang mukhang tahimik na si Raelyne na hindi naman pala, first impression lang pala ang tawag dun huh! Sa apat na araw na kasama ko ang mga ito ay masasabi ko na lamang na mukha akong naparusahan sa lugar na to, bakit? Una, ang akala kong tahimik ang magiging pamamalagi ko rito ay mukhang malayo ng mangyari iyon. Pangalawa, oras-oras, minuminuto mong kasama ang apat na babaeng maiingay na ito ay magkakaroon kaba ng katahimikan? Malabo diba! But aaminin ko naman even though ganyan sila kaiingay ay masasabi ko namang masaya silang kasama. Look napagtiisan ko nga sila sa loob ng apat na araw diba! At isa pa nababawasan ang pagkamiss ko kila Mama and Papa dahil na rin sa tulong nilang apat. Nandun pa nga sa time na gusto ko ng umuwi dahil sa pagkamiss sa kanila. Pero itong makukulit sa harapan ko ay hindi nagsasawang i encourage ako na mag-stay sa lugar na to. Dahil maganda nga raw dito. Which is totoo naman ang mga sinasabi nilang iyon. Masasabi ko ngang mahirap maging independent. Yung sarili mo lang ang aasahan mo sa mga sandaling ito, dahil malayo ka sa kinagisnan mong pamilya. Though hindi naman sobrang independent ang tamang matatawag dito dahil ang pamilya ko pa rin ang pumupuno sa mga pangangailan ko rito. Ang tungkulin ko lang ay alagaan ang sarili ko, pagbutihin ang pag-aaral, maging isang mabuting anak at kung anu-ano pa. "Guys! Mayroon pa ba tayong hindi napupuntahan? Sulitin na natin to at bukas ay may pasok na tayo." Biglang sabi nitong si Mildred sa kalagitnaan ng pagkain namin dito sa cafeteria. "Yea! Meron pa nga tayong isang hindi napupuntahan." Sabi naman nitong si Riyanah. "Where?" Sabi ko naman dito dahil nacucurious ako sa dami na naming napuntahan sa nagdaan na apat na araw ay hindi ko inaasahan na may hindi pa nga kaming napupuntahan na lugar dito. "Well, The Boys Dormitory. Ayun ang hindi pa natin napupuntahan no." Nakangising sabi nito na ikinaubo naming lahat kaniya-kaniyang pagkuha ng basong may lamang tubig tuloy ang ginawa namin at sabay-sabay na uminom ng tubig. "What! Bakit naman sa lahat ng sasabihin mo ay iyon pa talaga. Oo nga't hindi pa natin napupuntahan iyon pero alam naman namin iyon no." Sagot naman nitong si Mikaela habang nakataas pa ang kanan nitong kilay. "Oh! Bakit hindi naman bawal pumunta dun hah! At saka isa pa chance na natin yun ang makakita ng mala-greek gods sa kaguwapuhan." Sabi naman nito habang may nag niningning na mga mata, habang nakangiti pang nakatingin sa labas ng cafeteria. Day dreaming pa nga eh! "We have no reason to go in the boys dormitory. Riyanah, So stop doing your oh so day dreaming." Biglang sabi naman nitong si Raelyne. Haha yah right. "Basag ka talaga, Raelyne kahit kailan eh! nandun na ang ganda na tapos bigla kang magsasalita. But! Wait I have an idea." Todong ngiti pa nito habang tinatap ng mga daliri niya ang table. "What kind of idea is that?" Tanong naman ni Mildred na ikinalingon ni Riyanah sa direksyon ni Mikaela. Kaya naman napalingon na rin kami rito. *** Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan na nilang pumunta kami sa Boys Dormitory, bakit kami napilitan pumunta dito? Simple lang ipinagpilitan lang naman nitong si Riyanah na magtungo dito at ang ginawa pang rason ay ang dahil raw may kakambal dito si Mikaela at nagkataong lalaki pa, ang sabi pa niya puntahan raw namin ang kapatid ni Mikaela. If I know gusto lang talaga nitong makita ang mala Greek gods daw kuno na kalalakihan sa dormitoryong iyon. Mukhang nakinikita ko na sa babaeng ito na siya ang nawawalang kapatid ng isa sa nag viral sa YouTube na "pabebe girl." Dahil sinabi pa niya kanina na.. "Wala kayong pakealam kung gusto kong pumunta doon. Kung ayaw niyong sumama sa 'kin wala akong pakealam at walang makakapigil sakin, basta gagawin ko ang gusto ko." Oh! Diba, ibang klase talaga ang babaeng 'to kaya naman wala na kaming nagawa kundi ay sumama sa kaniya dahil kung hindi namin ito sasamahan at kapag may nanyari pa dito ay konsensiya pa naming apat. "Malayo pa ba tayo?" Tanong ko sa mga ito dahil malayo-layo na rin ang nalalakad namin. "Malapit na tayo. Tiwala lang." Biglang sabi naman nitong si Mildred. Kailangan talagang may kasama pang tiwala lang? "We're here." Napahinto naman ako sa paglalakad ng magsalita si Mikaela na nandito na nga kami kasabay rin iyon ng pahinto niya sa paglalakad. "Yeah! We know that." Biglang basag naman nitong si Riyanah. "Oh! Ganun ba, sige oy kayong tatlo tara na iwan na natin yang babaeng yan." Biglang sabi naman nitong si Mikaela na ikinaalerto bigla ni Riyanah haha mabilis pa sa alas kwatrong nag patiuna ito sa paglalakad pagkatapos yakapin itong si Mikaela para makasama siya. Habang tinatahak namin ang kahabaan nitong hagdanan ay hindi ko maiwasang hindi mapasimangot. Tsk nagawa nga nilang high tech yung mga daanan papunta rito sa University bakit hindi na rin nila naisipan na isabay ang paggawa ng elevator sa bawat dorm para mabilisan na rin sa pag akyat sa bawat floor ng dorm. Sa pagmamaktol ko ay hindi ko namalayan nandito na pala kami sa pang anim na palapag ng dorm nasa dulo rin ng kwarto ang hinintuan namin katabi ang exit staircase. Kinatok ni Mikaela ang pintuan nakadalawa lamang siyang pagkatok at pinagbuksan na rin siya ng nasa loob. "Hey! Mikaela, What are you doing here?" Tanong ng taong nagbukas ng pinto, he's cute he has a pure black hair with pair of dark brown orbs. And also he's tall I think nasa six footer ang height nito. "Hm, hey! Evan, where's Mikael?" Balik tanong naman nito. "He's here. Tara pasok kayo." Sabi naman nito kasabay na binuksan nito ng malawak ang pintuan. "Hoy! Mikael your sister is here. She's looking for you." Sigaw naman nito ng makapasok kaming lahat. "Malamang, Ebanghelyo sino pa ba ang hahanapin niyan edi yung kapatid niya. Alangang ikaw." Sabi naman noong maputing lalake na nakaupo habang may hawak na gitara, chinito eh, pero pft. Ebanghelyo? "Gago, its E.V.A.N.G.E.L.O, not ebanghelyo. Are you trying to pissed me off? Huh." Sabi naman nito at nakuha pang isaisahin ang bawat letra ng kaniyang pangalan. May balak pa sanang mag salita si kuyang may hawak na gitara kaya lang napahinto ito ng magbukas ang pinto sa bandang gilid may lumabas ditong isang matangkad na lalaki na bahagyang nakatungo at nagpupunas ng basang buhok. Topless lang ito nakasuot ng short na kulay green. Oh! My Gosh! What a nice view? He has a nice body built. My god! Michelle what are you thinking kailan kapa natutong mag describe ng katawan ng isang lalaki. Shame on you! "Aba! Mikael pare may balak ka bang ibalandra 'yang katawan mo dito? Baka may iba tayong kasama hindi mo lang napapansin." Biglang sabi noong lalaking nakatayo sa may tabi ng bintana habang nakasandal ang likod doon. Dahil sa sinabi niyang iyon ay napa angat ito ng tingin habang naiwan pa ang towel sa ulo. Tila wala naman itong pakealam sa sinabi noong lalaki at naglakad patungo sa isang cabinet doon at kumuha ng puting V-neck shirt. "Hey! Little bro." Napalingon naman ako sa sinabing iyon ni Mikaela, little bro haha cute. "Stop calling me that, Mika." Sabi naman nitong kapatid niya habang nakasimangot. "What? I'm older than you. So why would I not call you a little bro." Depensang sabi naman nito habang nag cross arms pa. "You're just three minutes older than me. Mika, if you don't mind and besides mas mukha pa akong matanda mag isip sayo." Deretsyang sabi naman nito na ikinatawa naming lahat. Oo nga naman may pagka isip bata nga naman talaga 'tong si Mikaela . Hindi na lamang sumagot si Mikaela dahil mukhang naasar ito sa kapatid. "Hey! Mika, Baka naman gusto mong ipakilala sa amin 'yang mga kasama mo." Biglang basag naman noong nasa tabi ng bintana. "Ay oo nga pala that girl in a sofa is Riyanah Clinton." turo nito rito na prenteng nakaupo sa sofa. Nag — Hi! naman ito sakanila. "This girl beside me is Raelyne Herrera." Sabi naman nito habang hinawakan sa balikat si Raelyne, tumango lang naman ito, here we go again. "And that girl with Riyanah, is Mildred Shey Arellano." Kumaway naman ito pagkatapos ipakilala. "Lastly, She's Michelle Denver." Baling naman sakin ni Mikaela, ngumiti lamang ako sa mga ito. Matapos kaming ipakilala sakanila ay niyaya kaming umupo ni Mikaela sa tabi noong dalawa agad naman kaming tumalima at umupo na. "Nice to meet you four pretty ladies. I'm Evangelo Drix Alonzo." Pagpapakilala ng nagbukas samin ng pinto. "Henry Sherwan Park. Nice to meet you." Sabi naman nung nakasandal. "Raiden Chua." Maikling sabi naman noong mukhang tahimik na lalaki sa may bandang dulo ng kama at nakaupo, wahh! Emeged!! ang guwapo niya. Kahit seryoso lang siyang nakatingin sa amin. He's chinito too. "Robi Chua here, brother of that guy." Turo nito doon sa lalaking guwapo. Mukhang magkaiba sila ng personality mapapansin mo agad iyon. "Mikael." Sabi lamang nitong lalaki na nakaupo sa isahang malambot na upuan. Mukhang hindi interesado sa paligid niya eh no. "Ano pa lang ginagawa niyo dito, Girls?" Tanong naman nung Robi. "Tumatambay malamang."pilosopong sagot naman nitong si Raelyne, huh nagtaray talaga eh. "Boom basag ka bro. Hahaha." tawa naman nitong Evangelo. "Shut up! Ebanghelyo sisikmuraan kita dyan." Ako naman ang napahagalpak ng tawa ay grabe bentang benta sakin yung "Ebanghelyo", napatigil naman ako sa pagtawa dahil parang feeling ko lahat sila nakatingin sakin. Nang makumpirma ko nga na nakatingin sila sakin ay napangiwi ako at napakamot sa may gilid ng ulo dahil sa kahihiyan, maging si guwapong Raiden nakatingin na rin sakin. "Ahm ano kasi e..." s**t Michelle what to do? What to do?! "Michelle grabe tawa natin ha, parang wala ng bukas." biglang sabi ni Riyanah habang hinampas pa ako sa braso. "Aww, Sabihin mo lang Michelle kung nababaliw kana." Hirit naman ni Mildred na tinawanan ng iba. "Why are you laughing, Woman?" Biglang tanong naman nitong kapatid ni Mikaela. "Ahh yang si Evangelo bentang benta kasi sakin yung EBANGHELYO." pagi empasized ko pa sa word na 'yun. Sa sinabi kong 'yun doon na sila nagtawanan maliban na lang sa dalawa na napangiti lang at napailing iling. Ito namang si Evan eh halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa sobrang pagkakabusangot nito. Kaya naman lalo lang silang nagtawanan. Nandoon pa nga na tinapik tapik pa nila Robi 'yung balikat niya para pagaanin kuno ang kaniyang kalooban pero nagtatawanan pa rin ang mga ito. Napag-kasunduan ng lahat na bumaba kami para kumain dahil hapon na rin naman napatagal kasi ang pagtambay namin doon, na puro lang naman pang aasar kay Evan. Minsan nga gustong na nitong mag walk out pero hindi matuloy tuloy dahil wala naman raw siyang kasama. Ano yun mag wawalk out na lang kailangan pang may kasama. Companion is a must lang ang drama. Matapos naming kumain ay naisipan naman nilang maglakad lakad susulitin na raw nila ang walang pasok. Dahil kinabukasan ay simula na ng klase. Though, ten pa ng umaga ang start ng class namin. Bongga diba... "Hey! Guys nga pala may party mamayang alas siyete ng gabi pupunta ba kayo?" Tanong samin ni Robi. "Party. Saan?" Tanong ko naman wala naman akong alam na may party pala mamaya. "Dito napuntahan niyo na ba 'yung malawak na open field sa may bandang kaliwa, di kalayuan sa Campus Pavilion?" Mahabang paliwanag naman ulit nito. "Yeah, kanina nakita namin 'yun kaya pala busy yung mga staffs doon may party pala mamaya." Sagot naman ni Mildred. "Required ba lahat pumunta doon?" Tanong ko naman sa mga ito. "Well, hindi naman. Puwede rin namang hindi pumunta eh. Pero mas maganda pa rin kung pupunta masaya naman kasi. At isa pa, puwede mong gawin lahat ng gusto mo bago mag umpisa ang klase. Parang last party mo na 'yun bago magpasukan, though madami rin namang event na nagaganap dito kada buwan hindi nga lang katulad ng mamaya." Mahaba habang paliwanag ni Mikaela, madami siyang alam kahit freshman pa lang din siya tulad namin dahil kanila naman ang University-ng ito. "So ano, pupunta kana mamaya? Pag hindi ka pumunta wala kang kasama sa dorm. Luh! May multo pa naman sa Girls Dormitory." Pananakot pa nitong si Evan. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi sumama na lang wala naman mawawala at ayaw kong makita ang sinasabi niyang multo no. "Oo na sasama na, kailangan talagang manakot, Ebanghelyo!" Sabi ko naman dito na agad na ikinasimangot niya bigla at itinuon ang pansin kila Robi. "Tingnan niyo yan ha! Dahil sa hindi kayo tumitigil sa pagtatawag sakin ng ganyan. Pati tuloy itong si Michelle, nahahawa na sainyo." Nakasimangot na sabi pa nito habang nakapameywang pa. "Ok lang yan, Evan." Sabi ko naman dito na dahilan upang magtawanan na naman sila. Pagsapit ng 7pm ay bumaba na kaming lima para magtungo na sa nasabing lugar na para sa party ngayong gabi. Simpleng off shoulder lang na kulay itim na dress ang suot ko at itim rin na open flat shoes ang ibinagay ko dito habang naka braid lang ang mahaba kong buhok. Maging ang mga kasama ko ay simple lamang rin ang kanilang kasuotan. Nang makababa kami sa may hagdan ay nakita namin ang limang lalaki na naghihintay doon, kaniya kaniyang puwesto pa nga ang mga ito. Si Robi na nakaupo habang nakasandal sa may railings. Si Evan na nakatayo at inaayos ang manggas ng long sleeves pataas sa siko. Si Henry na nakapamulsahan ang dalawang kamay. Si Raiden na nakatagilid habang nakayuko. At si Mikael na nakasandal sa railings habang naka cross arms at nakataas ang kanang paa doon. Ano to, may photoshoot ba sila at mga ganyan ang ayos nila? "Hindi tayo na inform girl, may photoshoot pala dito sa harap ng dorm natin." Biglang sabi nitong katabi kong si Mildred. "Yah, Right." Segunda naman nitong si Riyanah na nasa tabi ni Mikaela. *** Alas onse na ng gabi ay madami pa ring studyante ang nag paparty dito maingay pa rin ang buong paligid malakas ang tugtog ng musika dahil sa lakas ng mga speakers na nandidito, halatang nagkakasiyahan talaga ang lahat. Habang nag uusap pa nga ang mga ito ay nagsisigawan na dahil kung hindi namin gagawin 'yun ay hindi talaga kami magkakarinigan. Mayroon pa ngang karamihan ay nagsasayawan habang hawak-hawak ang kaniya kanyang kopeta, may iilang mga lasing na rin dito dahil sa marami-rami na rin ang kanilang naiinom. Maging ang apat na mga kasama ko ay ganon na rin, maliban lang ay hindi sila nalalasing dahil ayaw kaming painumin masyado ng kasama naming mga lalaki dahil mamomoblema raw sila sa paghatid sa aming lima sa dorm. Kaya ito kami kumakain na lang ng mga nakahandang pagkain puwera na lang pag hindi sila nakatingin ay pa-simple kami sa mga wine nila at iinumin ito at patay malisyang ibabalik sa tapat nila kapag naubos na namin hindi na namin pinagkakaabalahan lamanan ulit iyon dahil malayo sa amin ang bote ng wine. Madaling araw na ng mapagkasunduan namin na umuwi na para makapagpahinga. Hinatid muna nila kami hanggang sa harap ng kuwarto namin para raw makasigurong matutulog na nga kami. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD