Mission Accomplished "Azey, Try to find the blueprint inside the cabinet." Utos ni Rae, Ilang minuto na rin akong nasa loob ng master bedroom ni Edwardo Aldeo, Kanina lang napag usapan naming hanapin ang nawawalang blueprint dito sa silid niya. Binuksan ko ang cabinet at hinanap doon ang blueprint ngunit wala naman akong nakikitang kahit ano dito bukod sa mga damit ng mag asawang Aldeo. Siguradong hinahanap na ako ng mga kasama ko. Natigilan ako ng makarinig ako mula sa labas ng ingay. "What's happening?" kunot noong tanong ko kay Rae dahil siya lang ang puwede kong tanungin dahil sakanya lang ako nakakonekta. Sinabihan ko itong ibalik ang linya kina Shawn ngunit pinanatili nitong siya lang ang puwede kong kausapin para walang aberya. Naririnig ko naman ang usapan nila ako lang ang

