Kabanata 30 Hindi ako makapaniwalang magseselos si Whyth sa akin. Pero ang tanong, bakit siya magseselos? May relasyon ba kami? Haist! Ang gulo, hindi dapat siya magseselos sa akin dahil wala namang kami. We don't have any label yet. And I am just his bed warmer. Matapos niyang sabihin 'yon ay hindi na siya muling nagsalita pa. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Walang gustong bumasag nito dahil sa awkward na aming nararamdaman sa isa't-isa. Sino ba namang hindi ma o-awkward-an sa kanyang sinabi sa akin? Damn. Patuloy lang siya sa pagmamaneho habang nakatuon ang kanyang direksiyon sa daan habang ako naman ay tahimik lang ding nakaupo dito sa front seat. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sasabihin sa kanya. Magso-sorry ba ako or hindi. Kakausapin ko ba siya o hindi. Mabil

