Kabanata 31 Note: Mature Content. Read at your own risk. __ "Akala ko ba tulog ka na?" tanong niya sa akin. Nakita ko lang na topless ito. Hindi naman ako nakatulog. Dinadalaw na sana ako ng antok kanina, pero bigla naman itong nawala noong nakita ko ang kanyang katawan. At isa pa, hindi din naman ako makakatulog dahil nakahubad ito. Damn. "Nawala ang antok ko." sabi ko sa kanya. Nawala naman talaga sapagkat pinakakita niya na naman ako sa kanyang 'hot' kuno na katawan niya. "Babalik nalang kaya ako sa kwarto ko." aakma na sana akong tatayo, pero pinigilan niya ako. Wala naman siguro siyang masamang binabalik sa akin diba? "No, you will be staying here with me everynight. Hindi ka na babalik doon sa kabilang kwarto." aniya at nagulat lang ako. Dito na ako matutulog kasama niya dito

