Chapter 7

1520 Words
Dahil sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko kay Arries ay hindi na ako pumasok pa sa klase ko, ibinilin ko na lang ang itinakdang gawain nila at saka ipasa pagkatapos. Ang rason ko naman sa kapwa manunuro ko ay masakit ang ulo ko. Tingin ko naman sy napaniwala ko sila at hindi ako ginulo sa sariling mesa ko. Nakadukdok lang ako sa lamesa habang ang kapwa guro ko ay nanunuod, hindi kami kumpleto dahil karaniwan sa kasamahan namin ay may klase kaya kaunti lamang kami rito at walang masyadong gumagawa ng ingay. Malapit na ang recess ng mga bata kaya naman ay pinili ng mga kasama ko ang manood na lamang. Pilit kong kinakalma ang sarili dahil magpa-hanggang ngayon ay para akong sasabog sa galit ng biglang nagitla ako sa narinig sa t.v. "Exclusive! Mayor ng ------- city, patay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang grupo ng mga kalalakihan sa loob mismo ng bar kung saan ito nakipag-inuman sa mga kaibigan. Batay naman sa ibinigay na impormasyon ng ibang nakakita bago ang insidente ay may kasayaw itong babae, patuloy naman ang paghahanap sa tinutukoy na kasama ng mayor dahil giit ng mga nasa kinauukulan ay posibleng may alam ito sa insidente o di kaya ay nakita nito ang mga salarin. Ilang araw na ang nakalipas simula ng mamatay ang butihing mayor at magpahanggang ngayon ay patuloy ang paghahanap sa mga suspect at sa posibleng witness." Sa narinig ay linukob ako ng matinding kaba, tumingin ako sa may t.v at nandoon nakalagay ang larawan ng lalaking kasayaw ko noon na ngayon ko lang nalamang mayor pala, hindi naman kasi halata rito ang pagiging isang bigating tao. Base kasi sa itsura nito ay tila mayamang binate na hayok sa laman lamang, hindi kakikitaan na mayroon palang mabigat na responsibilidad na nakaratay sa balikat. "Jusko po" mahinang naibulalas ko sa sarili. Nanginginig ang mga kamay habang nakalagay sa ibabaw ng mesa. Natatakot para sa sarili, bakit pati ako ay hinahanap. Posible kayang ang nakita niyang lalaki nuon na nakatutok ang baril sa parteng malapit sa kanya ang salarin? Pero paano kung hindi at kung oo ay posible nga akong maging witness. Tang!na, pano kung bago pa siya mahanap ng mga nasa kinauukulan ay maunahan sila ng lalaking iyon at mga kasamahan niya, papatayin ako nun panigurado. Ang isiping papatayin ako ay nakakapangilabot at nakakapanghina, bakit ba ganito ang buhay ko. Nasaktan lang naman ako kaya pinili kong magliwaliw ngunit ito ang nangyari, nasali pa ako sa isang mabigat na gulo. Hindi ko tuloy maiwasang sabunutan ang sarili, kaya lamang ay itinigil ko iyon ng mapansin kong nakatingin sa akin si Laica Faith Tayso, ang malapit kong kaibigan na kapwa ko guro sa eskwelahang ito. "O-okay ka lang?" Concern na tanong niya sakin ng makalapit siya. "O-oo naman. Me-medyo masakit lang ang ulo ko." Pagsisinungaling ko saka iniiwas ang tingin. "Sigurado ka?" Mahina niyang sabi, naniniguro. Hindi ko tuloy maiwasang tignan siya sa mata, may something kasi sa boses niya na hindi ko mawari at maaaring ang mga mata niya ang sumagot niyon para sa akin. Ilang sandali lang ay, "May gusto ka bang sabihin sa akin faith?" Tanong ko ng makita ko ang mata niyang nagtatanong, tila may gustong sabihin. Tumitig ito sakin ng ilang sandali at saka ibinuka ang bibig. "Okay pa ba kayo ni Arries?" Mababa ang tonong tanong niya. Nagulat ako bigla dahil hindi naman siya yung tipong nagtatanong na lang basta-basta, may alam kaya siya? "Ah o-oo naman." Nauutal kong sagot, kaibigan ko siya oo pero hanggat maaari, hanggat kaya ko gusto kong ilihim sa kanila ang tunay na nangyayari sa pagitan namin ni Arries. Hindi naman na iba sa akin si faith dahil siya ang napagsasabihan ko tuwing nagkakaroon kami ng kaunting problema ng EX-boyfriend ko, kasabay ko siyang nakuha at nagturo sa eskwelahang ito kaya naging malapit kami sa isat-isa, kaya lamang ay ayokong aminin ang totoo dahil bukod sa pinsan niyang buo si Arries ay ayokong sirain ang pagiging magkalapit nila dahil lamang sa akin. Alam ko naman kasing ako ang papanigan at paniniwalaan ni faith, kaya ayokong mangyari ang masira sila. Bumuntong hininga siya ng marinig ang sagot ko. "Sabihin mo na Mystie, okay lang naman. Pinsan niya ako pero kaibigan kita, hayaan mong maging sandalan mo ako ngayon." Malambot na saad niya, nangungusap. Napalunok ako sa narinig, gusto kong iiwas ang tingin pero parang hinihigop nito ang tingin ko para hindi maputol ang tinginan namin. "A-ano ka ba faith? Anong p-pinagsasabi mo? Okay nga l-lang, ehem, ako." Patuloy kong pagsi-sinungaling ngunit binubuko ako ng sariling boses ko. Akala ko okay na ako, akala ko hindi na masyadong masakit, pero bakit ganito? Nang tanungin ako ni faith ay unti-unti akong linukob ng sakit, para bang lahat ay bumalik at ibinagsak sa akin ang totoong nangyayari sa loob ko. Nangilid ang tubig sa mata na mabilis ding napuno. Malapit ng magsibagsakan ng itinaas ko ang paningin ko. Pinipilit wag mahulog. Ayoko ng umiyak. Hindi ko napansin ang unti-unting paglapit ni faith sa akin at saka hinaplos ang likod ko. "Okay lang yan bestfriend. Ilabas mo lang para hindi masyadong mabigat. Sabihin mo sa akin lahat ng gusto mong isumbat sa kanya, para naman sa paraang iyon ay may maitulong ako kahit papaanong pagaanin ang loob mo." Sa sinabi niyang iyon ay mas lalong nanikip ang dibdib ko sa kakapigil sa nararamdaman ko. Ayoko pa ding pakawalan ang mga luhang kanina pa gustong magsibagsakan. "Ringgggggggggg" Malakas na ring ng bell hudyat na recess time na. Ang mga kasamahan namin sa silid na iyon ay mabilis na nagsitayuan para mag-miryenda. "Mystie! Faith! Halina kayo at ng makapag-miryenda na tayo." Yaya ng isa sa kasamahan namin sa aming dalawa. "Sige lang. Susunod kami." Si faith na ang sumagot. Tumango naman ang nauna at saka sumabay sa iba, naiwan naman kaming dalawa roon. Parehong nanahimik. "Na-nakita ko si Arries nung isang araw ka-kasama si Mika. A-actually matagal ko na silang nakikitang parehong magkasama sa labas, pinili ko lamang wag sabihin sa iyo dahil baka iba lang ang pagkaka-intindi ko. Hanggang sa nakita ko si Arries nakikipag-halikan sa loob ng office niya kay Mika, galit na galit ako pero hindi ko siya kinompronta, pero ilang araw na din akong nagi-guilty, pakiramdam ko ay kailangan kong sabihin sayo." Mahabang paliwanag niya. Doon nag-uunahang nagsibagsakan ang luha ko. Hindi ko na kaya ang pag-pipigil at hinayaan ko na lamang ilabas iyon. Taas baba ang balikat ko sa iyak, sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa puso ko ay para akong kinakapos ng hininga. Gusto kong pagtatambulin ang dibdib dahil parang sa paraang iyon ay mawawala ang kirot. Hindi nagsalita si faith, banayad na haplos lang ang ginagawa niya, but doing that assures me that I’m not alone. Tamang hikbi lang ang maririnig sa apat na sulok ng silid na iyon, hanggang sa unti-unti akong kumalma at tanging sinok na lang. "Alam mo Mystie kung nahihirapan ka na at sa tingin mo ay hindi na sapat ang pagmamahal na nararamdaman mo para kumapit pa sa relasyon niyo ay tama na, tumigil ka na, because staying in that relationshit will only cause more heartaches and pain. Free yourself from things that cause you pain, you deserve better. He is my cousin but you are my bestfriend, ayokong nakikitang nasasaktan ka dahil sa taong one fourth ng dugo ko ay parehong nananalaytay sa ugat niya." "Gustong gusto ko ng makipag-kalas faith pero sa tuwing iniisip ko iyon bibigyan ko lamang sila ng kalayaan habang ako ay lugmok sa kalungkutan. Gusto kong maghiganti, gusto kong pahirapan sila sa paraang alam ko, na kahit nagmamahalan sila ay hindi nila iyon pwedeng ilegal dahil nandun pa din ako. Ayoko silang maging masaya, selfish na kung selfish pero sinaktan nila ako." Naiiyak nanamang paliwanag ko. Bumuntong hininga siya bago magsalita. "Naiintindihan kita dahil nasaktan ka. Pero masaya ka ba sa ginagawa mo Mystie?" Nag-aalalang tanong nito. Umiling ako. "Hindi. Masakit at nakakapandiri. Pero yun lang ang tanging paraan na alam ko para makapaghiganti ako sa pang-gagago nila sa akin." Malungkot kong sabi. "Sige kung iyan ang nararamdaman mo hahayaan kita, pero kung masakit dito." Turo niya sa dibdib niya, "Mas mabuting itigil mo na. Dahil paulit-ulit mo lamang sasaktan ang sarili mo pag nagkagayon. Tanungin mo ng ilang ulit ang sarili mo, kung okay ba ang lagay niyan sa desisyon mo, at kapag nahanap mo na ang sagot, pakinggan mo lang, wag mong saktan ng paulit-ulit" turo niya sa dibdib ko. Tumingin ako sa kanya at tumango. Thanks god that despite of the situation I’m in right now, he gave me faith my bestfriend. And that’s enough for me not to despise the world. Naliwanagan ako sa sinabi niya, hindi nga naman ako masaya sa ginagawa ko kaya nakapagdesisyon akong kausapin si Arries mamayang uwian. I wanna free myself and that's all that matters. ______________________________________ Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD