Chapter 6

1772 Words
MYSTIE POV Today is monday, and yes gustohin ko man o hindi ay magki-kita at magki-kita kami ni Arries. Ikatlong araw na din ngayon simula ng may mangyari sa bar, aminin ko man o hindi ay apektado pa din ako sa kaganapang iyon, yung pakiramdam na kailangan kong magtago kahit wala naman akong dapat pagtaguan. Magmula ng mangyari iyon ay hindi ako kailan man lumabas ng bahay. Nagkulong lang ako, gumawa ng lesson plans at chineck ang mga quizes ng mga estudyante ko. Mabuti na lamang at halos pang-isang buwan ang stock ko, hindi din naman kasi ako masyadong kumakain lalo na pag mag-isa. Matapos mag-ayos ng sarili at maihanda ang mga dadalhin kong gamit sa school ay umalis na ako. Gusto kong magpa-late para sana hindi mag-krus ang landas namin ng walang hiyang lalaking iyon pero napag-isip-isip kong wala naman akong kasalanan, bakit ako ang iiwas di’ ba? Kung meron man ay siya dapat iyon. Taas noo kong tinahak ang eskwelahang pinagta-trabahuhan ko ng batiin ako ng guard. "Good morning po ma'am. Mabuti naman po at maayos na kayo ngayon?" May ngiti sa labing ani kuyang guard. "Good morning din po manong. At saka, palagi naman po akong maayos ha?" Balik sagot ko rito, nagtataka. "Hahaha sabagay po maam. Pero po kasi nakita ko kayo last week umiiyak kaya nag-alala po ako kung anong nangyari." Paliwanag nito, napansin siguro ang nagtatanong kong itsura. Natigil ako saglit, oo nga pala. "Ah. Haha yun po ba? May nangyari lang po. Sige po manong." Paalam ko rito, umiiwas. Baka kasi masabi ko pa kapag nagtagal ako roon. Tinahak ko ang mahabang hallway papunta sa office ko ng may makita ako sa malapitan, Arries and Mika, laughing together. If a stranger saw them, they would assume they were together. Nabi-bitter nanaman ako at nasasaktan sa ka-sweetan nila. Hindi ko tuloy maiwasang magalit sa nakikita ko. At saka isa pa, Karapatan ko din naman iyon dahil ako ang girlfriend at malanding kabit lamang siya. "Ang kapal din naman ng mukha ng dalawang ito? At talagang pinangalandakan pa?" Gigil kong sabi, sapat lang para marinig ko. Hindi pa kami nagbe-break pero kung umasta sila ay parang sila na. Naiiyak tuloy ako na nagagalit. Hindi ko nanaman maintindihan ang emosyon ko, nag-uunahan nanamang maglabasan. Ilang dipa lamang ang layo ko sa kanila pero hindi pa din nila ako napapansin, ganoon siguro sila katutok sa isa't-isa. Sa sitwasyon ko ngayon ay parang ako pa ang makakasira ng moment nila kung sakaling babatiin ko sila, but at the back of my head, it says there that I have all the right so I should do what I needed to do. I composed myself and made it looks like kakikita ko lang sa kanila. I walk with demure and wear my very sweet but dangerous smile, I won’t let myself look like a loser here. Hindi porket sinaktan ako ay magmumukha na akong kaawa-awa at talunan. Pain is a medicine for transformation y’all. Binilisan ko ang paglalakad at walang sabi-sabing inangkla ang braso ko sa kamay niya na nooy nakasuot sa bulsa. "Hey love." Pansin ko rito and kissed his cheeks. Nandidiri man ay tiniis ko, I wont let you two win. "Oh Mika, hahaha nakakahiya. But, how are you?" I said with my sweetest and very innocent smile pertaining to the kissed. Tipong nahihiya daw ako kasi nakita niya. Sa loob-loob ko naman ay bakit ako mahihiya, sila nga ay ginagawa iyon. "Ah haha ah o-okay lang" tila kinakabahang aniya. Napangisi tuloy ako, dapat lang na kabahan ka. Ang plastic mo kasi masyadong tignan, kunwari walang alam ah. Nung Nakita nga ako ni hindi nahiya, ngumisi pa ang ahas. Pagkatapos sagutin ako ay tumingin siya kay Arries na noon ay nabigla yata sa pagdating ko at ang biglaan kong paghalik sa kanya, I usually don’t do romantic scenes in public. Allergic ako sa PDA, feeling ko nakakawalang manners pero hayaan na muna ang manners, galit ako. "Ah he-hello love? Kumusta ka? You never replied sa mga texts ko sayo? Super busy ka ba nitong weekend?" Hindi mapakali at kinakabahan nitong tanong. Tsk ano ako tanga? And infairness isang text lang naman ang nakaya mo sa isang araw, sa tatlong araw naming hindi pagkikita ay tatlong text lamang ang galing dito including his text when I was on my way to the bar. San ka nakakita ng lalaking super tipid magtext sa girlfriend niya. Pero nunkang sasabihin ko ang totoo. "Okay lang naman love, stress na stress nga ako sa mga lesson plans ko e. Sorry, sobrang pagod na ako pagkatapos kaya hindi na kita nare-replyan." Paglalambing ko rito. Kung may award lang sa ginagawa ko ay nahakot ko na lahat ng award. Daig ko pa artista sa ginagawa ko. Masakit man ay ayokong mag-padaig sa kanila. Nandidiri man ay kaya kong tiisin, I won’t let them be happy just like that. Never! "Ah its okay love. I understand." Kalmado ng aniya. "Ikaw love? Anong ginawa mo nitong weekend?" Pa-sweet na tanong ko. Tuloy pa din ang lakad pero sa ginagawa ko ay kinukuha ko lahat ng atensyon ni Arries leaving Mika unattended. "Ah e-excuse me maam and sir. Sige po mau-una na ko." Naiilang nitong paalam. Huh you deserve it biatch! Pero dahil pinanganak akong may pagka-demoyo, "Huh? Why? It’s okay, maaga pa naman. Naiilang ka ba samin? Hahaha namiss ko lang kasi ang love ko. Sorry if naiilang kita." Malamyos ang boses na saad ko, and the award goes to me! "Ah h-hindi naman." Walang magawang sagot nito, nahihiya siguro kaya hindi na nagpumilit pang huminde. Hindi naman lingid sa kaalaman ko kung paano niya titigan ang naka-angkla kong kamay kay Arries. Selos ka girl? Pwes feel the same pain I felt when I saw you two backstabbing me. Pagkausap ko sa kanya sa isip. Napansin siguro ni Arries ang tingin na iyon ni Mika, waring nagseselos kaya sinubukan niyang baklasin ang parehong braso namin sa hindi ko mapapansing paraan, but no! Girls instinct will always be strong when a biatch is near. It’s like searching for a new biatch and I connected successfully. Walang imik naming tinahak ang hallway ng mag-ring ang bell, and because it’s monday, raising of flag and ceremony is always a must. Walang pagmamadali naming tinahak ang kanya-kanyang office, para iwan ang mga hawak naming bags bago pumunta sa may area. LUMIPAS ang ilang oras at ganon pa din, nakikipag-plastikan sa lalaking noon ay kinokonsidera ko ng ex-boyfriend ko. Sabihin niyo ng pinahihirapan ko masyado ang sarili ko pero hindi naman, oo masakit pa din pero nandun yung isipin na linoko niya ako kaya mas madali kong kumbinsihin ang sarili kong kalimutan siya, and yes unti-unti ay nakakaya ko naman. Bago ako makipag-kalas ay gusto ko munang pahirapan din sila, kabahan sila tuwing nandoon ako, pagselosin si Mika hanggat kaya ko. She's a devil but I’m a demon. Kasama ko ngayon ang isa sa kapwa ko gurong si Jeff, tinutulungan niya akong buhatin ang mahigit 50 plus na librong hawak ko. Nag-uusap kami ng biglang nagulat nalang ako at nakahawak na si Arries sa braso ko at pabalyang hinila paharap sa kanya, dahil sa nasa likod ko siya ay nabitawan ko ang ibang mga hawak ko, galit kong itinaas ang tingin para lamang makita ang galit din niyang mukha. Nagtataka man ay hindi ako nagpatalo. "Ano ba?! Ano bang problema mo at bigla-bigla ka nalang nanghihila diyan?!" Singhal ko sa kanya. "Anong ginagawa niyong dalawa?!" Malakas ang boses nito ng sinabi iyon, mabuti na lamang at malayo kami sa mga classroom ng mga bata para marinig iyon. "Ah s-sir. Tinutulungan ko l-lang po si m-maam...." Sagot ni Jeff habang kinakabahan ng singhalan siya ni Arries. "Alis!" Sigaw niya rito. Sa takot na din siguro ng lalaki ay mabilis nitong pinulot ang mga nalaglag kong libro saka nagmamadaling umalis. Ano nanaman kayang problema ng lalaking to? Nagseselos kaya? Hah! Patawa siya. At saka kailan pa siya nagkaroon ng karapatang utusan ang mga kapwa guro niya at singhalan ito ng basta-basta?! Hindi makatarungan ang pagsigaw niya kay Jeff. At mas lalong hindi dapat ihalo ang personal na nararamdaman kapag nasa trabaho. Ng umalis ito ay saka naman ako hinila ni Arries papunta sa may sulok. Nakita ko ang mabilis na paggalaw ng dibdib niya pataas baba, nagtataka man ay hindi ko iyon pinahalata, pinanatili kong galit din ang ekspresyon ng mata ko. "Ano yon?" Pilit pinapakalma ang boses niyang tanong. "Nakita mo naman di ba? Bakit bulag ka ba?" Nang-iinis kong sagot rito. Bakit? Wala naman masama sa pag-uusap namin ng lalaki. "Wag kang pilosopo Mystie. Bakit kayo magkasama?" Galit at ulit nitong tanong. Nakaka-ubos ng pasensya. "Nakita mo nga di ba? Na tinulungan niya akong buhatin iyong libro?!" Naiinis ko ng sigaw rito. "Bakit ka niya tutulungan gayong kaya mo naman!? Ang sabihin mo ay naglalampungan kayo ng walang hiyang iyon! Akala niya siguro hindi ko alam na gustong gusto ka niyang pormahan noon pa man! Ikaw naman ay hindi na nahiya, may nobyo ka nat lahat sige pa din yang pagiging makati mo!" Sigaw nito. Napamaang naman ako, hindi ko inaasahan ang mga lumabas sa bibig niya. Nag-init bigla ang ulo ko at... (Pak?) Nasampal ko siya. Wala siyang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan dahil una sa lahat ay wala naman akong ginagawa, pangalawa ay hindi ako katulad niya. "Ang kapal ng mukha mong sabihing makati ako?! Kung ako sayo, ta-tyansahin ko ang bunganga ko, baka isampal ko sayo ang pagkatao mo!!" Malakas ang boses kong ani rito. Nanggagalaiti, nanginginig sa galit gayunpaman ay gusto kong maiyak, ganoon na ba siya kababaw o sadyang gusto na talaga niyang makipag-kalas sa akin kaya lamang ay hindi niya masabi at idinadaan na lamang niya sa pag-seselos. Pwes! Manigas siya! Umalis ako at iniwan siyang tulala, nagulat siguro sa pagsampal ko sa kanya, sa apat na taon kasi namin sa relasyon ay walang buhatan ng kamay na nangyari sa aming dalawa pero iba ngayon dahil wala ng pagmamahal sa relasyon namin. Galit nalang ang nararamdaman ko sa kanya at purong paghihiganti kaya hindi ko siya bibigyan ng kalayaang maging masaya. A-YO-KO!! Selfish na kung selfish! Ako ba inisip niya, nila, ng ginagawa nila ang kagaguhang yon sa likod ko?! Hindi! Kaya nunka ding magiging masaya sila! ______________________________________ Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD