KING LOURD POV Isang linggo na ang nakalilipas simula ng humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko, sa isang Linggong iyon ay pakiramdam ko ay isang taon na ang lumipas, bawat patak ng oras ay sobrang bagal. Halos hindi na ako umuuwi sa sarili kong mansyon, ang kinailangan kong dna sample ay ipinakuha ko na kay manang Fe. Kapag kasi pumapasok ako roon ay halos muka ni Mystie ang nakikita ko, bawat sulok at parte ng bahay ay siya ang nakikita ko at sa tuwing ganoon ang nangyayari ay hindi ko maiwasang mag-wala at pahirapan ang sarili ko. Ngayon nga ay may benda ang kanan kong kamao dahil halos madurog na ang buto sa lakas ng pagkaka suntok ko sa pader ng kwarto naming dalawa, kumuha lang ako saglit ng damit dahil naubusan na ako ng stock dito sa opisina ko pero iyon ang nangya

