AYORIE MIDELLE POV Hirap ako sa paghinga pati na sumasakit ang likod ko kaya't naisipan kong magpahinga muna. Katatapos ko lang maglaba ng mga damit namin ng anak ko, kahit naman ang daming katulong dito sa bahay ni King ay nahihiya ako at pansin ko ding ayaw nila sakin. May iba sa kanilang kilala pa ako at may iba namang hindi na, alam ko ding galit sila sa akin dahil umalis si Mystie ng dahil sa akin. "Hayyyyy." Buntong hininga ko habang iniisip ang mga problema. Matagal tagal na ding hindi tumitira si King sa bahay niya, hindi ko alam ang dahilan pero pakiramdam ko ay dahil iyon sa pag-alis ng asawa niya. Ako tuloy ang nahihiya dahil kami pang mag-ina ang mas tumitira sa mansyon niya. Minsan na lang siya kung pumunta rito at dahil lang iyon kapag kumukuha siya ng dami

