"The third concept of market price is compared to Newton's most famous Law of motion." Palakad lakad si Professor Antonio Soriano habang nagdi-discuss tungkol sa Principles of Economics, one of our major course.
Isang istriktong Professor si Mr. Soriano. He has a high standards and
always expect better performance.
Kahit na ang palaging tulog sa klase na si Zaldivar, pagdating kay Professor Soriano nakikinig siya ng maigi.
Nilingon ko ang katabi kong si Zaldivar at talagang fucos siya sa discussion.
"Ms. Madrigal!"
Nagulat ako nang tawagin ni Professor Soriano ang apilyedo ko.
"I think you're not listening to my discussion. Nakita kitang nakatitig kay Mr. Zaldivar. Do you find him handsome?"
Nagtawanan ang mga kaklase ko.
Si Zaldivar nilingon ako at tiningnan na may halong pang-aasar.
Fúck! Gusto kong lamunin nalang lupa sa hiya. Bakit ba kasi katabi ko itong si Zaldivar, napapahamak tuloy ako palagi.
Tumayo ako at nginitian si Professor Soriano.
"No sir, I don't find Zaldivar as handsome." Nagtawanan ang mga kaklase ko. Agad akong nag-isip ng rason para panindigan ang sinabi ko.
"I was staring Zaldivar to apply principles of economics. Actually sir, I'm thinking to start business as student. Like what you have said, market price plays pivotal role in economic systems, as well as market analysis. Market analysis offers vital information to support sustainabiliy and success of the business. So I'm considering Zaldivar as part of my target market."
"Okay. I'll consider your answer since you have a point about market analysis. Sit down."
Umupo ako at nakahinga nang maluwag. Mabuti nalang advance kong binasa 'yong libro ko sa economics.
Natapos ang klase ni Professor Soriano kaya nagmamadali kong niligpit ang mga gamit ko. Agad akong lumabas ng classroom para hindi ako sundan ni Zaldivar kasi siguradong aasarin na naman niya ako.
At hindi nga ako nagkamali kasi nakita kong tumatakbo na palapit sa'kin si Zaldivar.
"Amelia! Ang galing mo kanina ah!" Inakbayan ako ni Zaldivar.
"Get your filthy hands on me!" Sinubukan kong tanggalin ang nakaakbay niyang kamay.
"Gustong gusto ko 'yang pagiging maarte mo at masungit,"natatawa niyang saad.
"Excuse me. Hindi ako maarte. Masungit tanggap ko pa."
"Ikaw, kwento mo 'yan eh. Syempre bida ka diyan." This boy probably likes teasing me. Bakit gustong gusto niyang inisin ako.
Tinanggal niya ang nakaakbay niyang kamay. Inagaw niya ang bitbit kong mga aklat kasi siya na lang daw magdadala.
"Zaldivar, can I ask you?" tanong ko kay Zaldivar habang naglalakad kami sa hallway.
"Nagtatanong ka na di ba?" pabalang niyang sagot kaya hinampas ko siya.
"Ang sama mo! Nananakit ka na," agad na reklamo niya.
"OA mo!"
Tumawa siya. "Bakit ano ba kasi ang tanong mo?"
"Do you have sister?"
Natigil sa paglalakad si Zaldivar. Yong ngiti niya napalitan ng seryosong mukha. Na-offend ba siya sa tanong ko?
"Sorry. Baka ayaw mong sagutin ayos lang."
"No. You don't need to be sorry."
Napatingin ako kay Zaldivar. Ngumiti siya pero 'yong ngiti niya kakaiba, parang may tinatago.
"I do have sister. She's sweet and kind."
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga na-offend ko siya sa tanong ko kanina.
"But she's dead."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Kaya pala biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng tanungin ko siya.
"S-sorry." I feel guilty for asking him unnecessary question. Mukhang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kapatid niya pero dahil sa tanong ko naalala niya ulit.
"Zaldivar, do you like ice cream?" My questions seems stupid but I want to change the topic.
"May bagong flavor ng ice cream sa cafeteria. Narinig ko best seller daw 'yon," dugtong ko, trying to comfort Zaldivar.
"Really?" Nag-iba ang expression ng kanyang mukha, parang excited na bata.
"I like ice cream. Libre mo ako, Amelia ah!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa cafeteria.
And as I promised, I treated him to food. I bought and paid an ice cream for him. Nagtalo pa kami kasi ang usapan namin na bagong flavor lang ng ice cream ang sagot ko pero halos lahat ng flavor nag-order siya at ako nagbayad.
"Thank you Amelia! You're the best!" Tuwang tuwa si Zaldivar habang palabas kami ng cafeteria. Ako naman salubong ang kilay dahil ang laki ng nagastos ko. Sa susunod hindi na ako magtatanong kay Zaldivar kasi napapagastos ako.
Quarter to five nang matapos ang klase ko. Hinatid ako ni Zaldivar baka daw sundan ulit ako ng lalaking nakasombrero.
Ayaw ko sanang magpahatid sa kanya kaso hindi ako masusundo ni kuya Garry. Nasa La Union sila ate Pia at Kuya Garry for 5 days dahil kasal ng bunsong kapatid ni ate Pia. Nagpaalam sila kay mama Emelia kahapon.
"Salamat sa paghatid." Lumabas ako sa kotse ni Zaldivar.
"Salamat din sa ice cream. Bukas ulit Amelia, libre mo ako."
Inirapan ko siya. "Asa ka!"
Ang gara ng kotse niya tas nagpapalibre sa'kin ng ice cream. Kainis.
Umalis na si Zaldivar kaya pumasok na ako sa bahay.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa'kin ang maiingay na barkada ni Noah. Nasa sala sila naglalaro ng PSP habang nag-iinuman.
Napairap ako. Sobrang ingay nila at gulo. Wala ng ginawang tama itong si Noah. Kailan pa kaya siya babalik sa California.
Nasa pinto ako nang lumingon ang isang lalaki. "s**t bro! Kapatid mo?"
Napalingon silang lahat sa'kin kaya nagsalubong ang kilay ko. Sumipol pa 'yong isang lalaki.
"No! She's not my sister. You know that I'm only child. Katulong namin 'yan."
"She's wearing uniform. Sa San Lorenzo University siya nag-aaral?" tanong ng kaibigan ni Noah na nakasuot ng puting T-shirt.
"My mom is too kind to her kaya pinag-aral siya."
"Ah! A working student?"
"Parang ganon na nga."
Hindi ko nalang sila pinansin. Pagod ako kaya gusto ko nalang magpahinga sa kwarto ko.
Paakyat na ako ng hagdan nang lumapit sa'kin ang isang lalaki.
"Hi miss!" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan kaya sinampal ko siya sa gulat ko.
Nagtawanan 'yong mga kasamahan niya.
"Busted ka agad bro!"
"Your potion seems expired!"
"Olats ka agad!"
Tumawa lang 'yong lalaking sinampal ko. "Gusto ko ang babaeng palaban. I think I like you!"
"I don't like you!" mabilis kong sagot.
Nagtawanan ulit 'yong mga kasamahan niya.
"Shít! Double kíll ka na bro!"
"Shut up Bryan!" Singhal niya don sa lalaking pinagtatawanan siya.
"Noah! Wala namang boyfriend itong katulong niyo di ba?"
Nilingon ko si Noah. Tahimik lang siya habang tinutungga ang canned beer niya.
"Wala ka bang boyfriend miss? Pwede ba kitang maging girlfriend? Oo nga pala, ako si Peter Villamor, anak ng governador."
Hindi ko gusto ang Peter na ito. Ano ngayon kung anak siya ng governador. Sobrang yabang niya. Mas mayabang pa siya kay Zaldivar. Tinalikuran ko siya at umaykat na sa taas kasi gusto ko ng magpahinga.
Kinabukasan, bumungad sa'kin ang kalat at basura. Si Noah naman nakatulog sa sofa. Wala na rin 'yong mga kaibigan niyang katulad ng ugali niya.
Wala akong choice kundi linisin ang kalat nila dahil wala si ate Pia.
Nagising si Noah dahil sa ingay ng vacuum.
"Do you have some manners ha? Di mo ba alam may natutulog pang tao? Ang ingay mo!"
Hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin ako sa paglilinis ko. Siya itong walang manners dahil iniwan lang nila 'yong kalat nila. Akala pa talaga nila katulong ako.
Pagkatapos kong maglinis, gumawa ako ng Mango shake.
Nasa kusina ako nang dumating si Noah na bagong ligo, kinukuskos niya ang kanyang buhok gamit ang tuwalya. Dumiretso siya sa ref at kumuha ng tubig.
"Sa susunod 'wag mong bastusin ang mga kaibigan ko."
Nilingon ko siya at inis na tiningnan. "Siya ang unang nangbastos sa'kin as far as I remember."
"Anong nakakabastos don? Hinalikan lang naman ang kamay mo. Sa itsura mong 'yan halata naman na naikama ka na ng ibang lalaki!"
Unti unti pumatak ang luha sa aking pisngi. Naalala ko ulit 'yong gabing pinagsamantalahan ako.
"Did you know that Peter Villamor is governor's son? How fóólish of you! Kunwari ka pa ayaw mo pero sa huli bibigay ka din nam-"
"Shut up Noah!" Di ko na napigilan ang sarili ko kaya sinigawan ko siya.
Napapikit ako ng mata. Bakit kahit anong iwas ko sa nakaraang pilit pa ring pinapaalala sa'kin.
"Wala kang alam sa'kin kaya wala kang karapatan husgahan ako." Pinunasan ko ang pisngi kong basa ng luha at agas na umalis kasi ayaw kong marinig ang sunod na sasabihin ni Noah. Wala namang lumalabas sa bibig niya kundi panghuhusga sa'kin. Nakakairita siya.