I feel exhausted. Sobrang daming ginawa sa school. Sunod sunod 'yong quizzes at oral recitation. Good thing hinatid ulit ako ni Zaldivar kasi mas nakakapagod kung kailangan ko pang mag-commute.
Sabi ni Zaldivar, siya muna daw ang maghahatid sundo sa'kin habang hindi pa umuuwi sila kuya Garry. I declined his offer because I don't want him to feel obligated, but he insisted. Pero 'yong kondisyon niya kailangan ko siyang ilibre ng ice cream.
"Salamat Mr. Sleepyhead Zaldivar!" ani ko saka lumabas ng kotse.
"You're welcome stone-head Madrigal!"
I rolled my eyes. He keeps telling me I am a stone-head, and it irritates me, siya naman natutuwa kapag alam niyang naiinis ako.
Pumasok na ako sa loob ng bahay nang makaalis na si Zaldivar.
Napangiti ako nang bumungad sa'kin ang katahimikan. Ibig sabihin wala si Noah. Mukhang araw ko ito ngayon at hindi ko kailangan makisama sa halimaw na Noah na 'yon.
Dali dali akong umukyat sa taas at hinanap ang aking black brazilian bikini two piece swimsuit.
May swimming pool itong bahay ni mama Emelia. Madalas akong magswimming noon kaso nang dumating si Noah hindi na ako nakapag swimming kasi halos tumira na si Noah sa swimming pool.
Dati nagtaka ako kung bakit may swimming pool sa bahay ni mama Emelia. Mukhang hindi naman mahilig magswimming si mama o di kaya si kuya Garry at ate Pia. Bago ko lang din nalaman ang tinatago nilang sikreto, kasi ang totoo shokoy talaga si Noah-kidding only.
Ang totoo pinagawa talaga ni mama Emelia ang swimming pool para kay Noah. Sumasali kasi si Noah sa mga competitive swimming at athlete din siya kaya nagpagawa si mama ng malaking swimming pool para sa batugan niyang anak.
Gumawa muna ako ng pineapple juice para feel ko na nasa isang bakasyon ako at malayo sa stress.
Naupo ako sa sun lounger at pinatong sa katabing mini table ang pineapple juice ko.
Naglagay muna ako ng broad-spectrum sunscreen before I dive in.
I'm not a swimmer but I know some of swimming style. I used freestyle then backstroke.
Pinikit ko ang mga mata ko habang ramdam ko ang malamig na tubig sa aking katawan. I feel relaxed and free.
Sana pumabor sa'kin ang panahon. Sa dami ng pinagdaanan ko, nandito ako patuloy na lumalaban. Minsn natatakot ako na hindi magtagumpay ang plano ko. Pero huli na para umatras pa. It's do or díe.
"I'm going asshóle! May nakalimutan lang ako kaya bumalik ako sa ba-"
Minulat ko ang mga mata ko nang may marinig akong pamilyar na boses.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Noah na may kausap sa phone.
Shít! Bakit siya nandito?
Pakiramdam ko nag-init ang mukha ko sa inis at hiya nang mapansin kong nakatitig si Noah sa aking katawan. Dali dali akong umahon ng pool.
Napamura ako nang binato ni Noah sa mukha ko ang bathrobe.
"I'm not interested in your body, just to inform you."
What the f**k! Hindi ko rin naman sinabi na interesado siya sa katawan ko. Mabilis kong binalot ng bathrobe ang katawan ko.
Nakita ko naman si Noah na naglalakad palapit sa pangatlong pool bed. Napansin kong dinampot niya sa mini table ang isang bracelet. Naiwan niya siguro kaya siya bumalik.
Agad akong tumalikod baka mapansin ni Naoh na nakatingin ako sa kanya. Mabilis akong naglakad papasok ng bahay.
"Where are you going?"
Nahinto ako sa paglalakad pero hindi ako lumingon sa kanya. Pakiramdam ko namumula pa rin ang mukha ko sa hiya dahil nakita niya ang buo kong katawan.
"Bakit ka nagtatanong?" pagtataray ko.
"Gagawa ka ng pineapple juice pero hindi mo iinumin? Alam mo bang marami ang nagugutom sa mundo pero ikaw nagsasayang lang?"
Gusto kong sumigaw sa galit. Kapal ng mukha niya pagsabihan ako. Siya nga 'yong pinagluto ako ng kung anu-ano pero hindi niya kinain.
Kinimkim ko nalang sa sarili ko ang galit. Binalikan ko ang pineapple juice at nilaklak ito. Padabog kong pinatong sa mesa ang baso.
Nakita ko namang nakatitig si Noah sa'kin.
"Oh! Nainom ko na! Ano? Masaya ka na ha? Masaya ka na?"
Natawa siya bigla. "Yeah! I'm satisfied."
Umalis si Noah habang ako naman naiwan na salubong ang kilay. Ano kayang nakain ng halimaw na 'yon at tumawa.
Mukha tuloy akong tanga habang nakatitig sa kanyang tumatawa. Pareho kasi sila ni mama Emelia kung ngumiti at tumawa.
Kinagabihan nanood lang ako ng Alchemy of souls sa Netflix. Quarter to ten na pero di pa rin dumadating si Noah kaya solo ko ang TV. Kapag nandito kasi si Noah gusto niya palaging basketball or swimming competition ang palabas sa TV. Kaumay.
Para akong baliw sa pinapanood kong drama. Tatawa maya maya'y iiyak.
Nagising ako kinabukasan nang maamoy ko ang mabangong pancake. Saka ko napansin 'yong kumot na kulay blue na nakapatong sa'kin. Nakatulog na pala ako dito sa sofa sa kakapanood ko kagabi.
Mukhang bumalik na sila kuya Garry at ate Pia. Na-miss ko 'yong luto niyang pancake.
Mabilis akong bumangon at tumakbo papunta sa kusina. Gusto kong mayakap si ate Pia.
"Kuya Garry! Ate Pia na-miss ko ka-" Nagsalubong ang kilay ko nang si Noah ang makita ko na nagluluto ng pancake.
Nakatingin si Noah sa'kin, nagtataka.
Agad akong tumalikod. Nakakadismaya. Akala ko si ate Pia 'yong nagluluto ng pancake.
"Gutom ka na?" tanong ni Noah. Agad akong humarap sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "No. I'm not hungry!"
Naglakad ako paalis pero nakakadalawang hakbang palang ako nang tumunog ang tiyan ko. Stúpid stomach!
"Arte mo! Kumain ka na!"
Ang totoo noong isang araw ko pa gustong kumain ng pancake kaso masyadong busy sa school kaya wala akong oras para magluto. Pero ayaw kong kumain ng luto ni Noah baka nilagyan ng lason but gosh! I've been craving for this.
Nasa tapat ko si Noah habang tahimik kaming kumakain ng niluto niyang pancake. Nagugutom na ako kaya hindi na ako nag-inarte pa. Gumawa na rin ako ng hot chocolate para sa'ming dalawa.
"Did you sleep well last night?" Nahinto ako sa pagsubo nang biglang magsalita si Noah.
Napatingin ako sa kanya, siya naman nasa kinakain na pancake ang tingin.
"I think so," tipid kong sagot saka nagpatuloy sa pagkain. Wala akong naisip na ibang sagot kaya 'yon lang. At tyaka wala rin naman siyang pakialam kung sabihin kong hindi maganda ang tulog ko kagabi. Ni hindi ko nga alam kung anong oras siya nakauwi.
"How long have you been experiencing nightmares?"
Napatingin ulit ako kay Noah. Tumingin din siya ng deritso sa aking mga mata.
Ayaw kong kaawaan niya.
Ayaw kong kaawaan ng kahit sino kasi pakiramdam ko ang hina ko.