CHAPTER 13:

1059 Words
Malapit ng mag-alas onse nang magising ako. Nanaginip na naman ako kuya Kevin. Apat na magkakasunod na gabi na ang panaginip ko tungkol sa kanya. It was strange and vague. May iilan akong nakitang unfamiliar faces and it looks like real rather than dreams. Those dreams seems attempting to censor some important message. Agad kong binuksan ang cabinet na pinaglalagyan ko ng gamot. Sobrang sikip ng dibdib ko. I feel suffocated. Bumaba ako at pumunta sa kusina. Dalawang baso ng tubig ang agad na naubos ko. Then I do the breath in and breath out kasi 'yon ang isa sa turo sa'kin ng psychiatrist. Dahan dahan akong naglakad paakyat ng hagdan nang kumalma ang pakiramdam ko. Napadaan ako sa kwarto ni Noah nang mapansin kong bahagyang bukas ang pinto. Wala na naman siya. Malapit ng mag-ala una pero hindi pa siya umuuwi. Pero hindi na 'yon bago kasi mula nang dumating siya dito palagi namang ganyan. Papasok na ako nang kwarto ko nang marinig ko ang malakas na kalabog na nanggagaling sa baba. Out of my curiosity, agad akong bumaba para tingnan kung ano ang nangyayari. And it was Noah. He's totally wasted. Nakahiga na siya sa sahig at amoy na amoy ko ang alak. Ayaw ko ng lalaking lasing. Bukod sa ayaw ko ng amoy alak, natatakot din ako kapag lumalapit ako sa lalaking lasing dahil alam kong wala na sila sa katinuan. Tatalikuran ko na sana siya nang marinig ko ang isang hikbi. Tumingin tingin ako sa paligid kasi baka may multo na umiiyak at humihingi ng tulong. Impossible namang si Noah ang umiiyak kasi hindi naman umiiyak ang halimaw na katulad, Si Noah nga. Umiiyak siya? Napataas ako ng kilay kasi hindi ko akalain na umiiyak ang katulad niya. Wala akong ibang choice kundi tulungan si Noah. Ayaw kong gawin but I do have to, marami akong utang na loob kay mama Emelia kaya kahit wala man akong maisukli sa kanya. Pero at least may nagawa akong maganda sa anak niyang itim ang budhi na walang ginawa kundi sumbatan ako palagi. Nilapitan ko si Noah at tinulungan na makatayo. Inakbay ko ang braso niya sa'kin para maalalayan siyang maglakad. Napamura pa ako kasi sobrang bigat niya. Pahirapan nang maikyat ko siya sa taas. Muntik pa kaming mahulog sa hagdan tangina. Agad ko siyang pinahiga sa kama nang makapasok kami sa kwarto niya. Tinanggal ko ang sapatos niyang Balenciaga. Okay na siguro 'yan. At least hindi ko siya hinayaang matulog sa sahig at magkasakit dahil sa lamig. Aalis na sana ako nang biglang hawakan ni Noah ang kamay ko. Sinubukan kong mabawi ang kamay ko pero sobrang higpit ng pagkakahawak ng dalawa niyang kamay. Para siyang bata na takot maiwan. "Mom! Don't leave me please! Don't leave us!" Natigil ako nang nagsimulang umiyak si Noah. Tinawag niya akong mama? Mukha ba akong mama? Nanaginip ata si Noah. "No mom! Wag mo akong iwan!" He's talking like an eighth-year-old. Kaya ba siya galit kay mama Emelia kasi iniwan siya dati? "Di ba malapit na ang ang birthday mo, mom? Ayaw mo ba akong kasama sa birthday mo? Mom please stay with us! Promise I'll be good at school and makes you proud!" Umupo ako sa tabi ni Noah. Dahan dahan kong tinapik ang braso niya hanggang sa tumigil siya sa kaiiyak at natulog. Kinantahan ko din siya. Hindi ko alam kung ano ang pamagat ng kanta pero 'yon ang palaging kinakanta sa'kin ni mama Emelia nung nasa hospital ako at nahihirapan makatulog. "Aray! Tangina!" Napamura ako nang bumagsak ang pwet ko sa sahig dahil sa pagkakasipa. Napatingin ako sa bintana, umaga na pala. Nakatulog rin ata ako kagabi habang kinakantahan si Noah. "What the f**k are you doing here in my room? And why are you sleeping besides me?" Tumayo ako at inis na binalingan ng tingin si Noah. Kapal ng mukha ng lalaking 'to. Siya na nga itong tinulungan siya pa itong galit. Saan ba kumukuha ng kakapalan ng face itong si Noah. "Sa susunod kung maglalasing ka, make sure na hindi ka makakadistorbo sa ibang tao. Okay?" Inirapan ko siya saka padabog na sinara ang pinto ng kwarto niya. He's really out of his mind. Pambihira sa utak nilagay ang alak hindi sa tiyan. Naligo nalang ako at pagkatapos bumaba sa sala at nanood sa Netflix habang kumakain ng ice cream. Bumaba rin si Noah na mukhang bagong ligo na rin at naupo siya sa tapat na sofa. Nakasuot lang siya ng boxer at white sando. Hindi ko nalang siya pinansin at nagkunwari nalang akong di ko siya nakita para walang dahilan para kausapin niya ako. Kunwari fucos ako sa pinapanood ko. "Hey! Ilipat mo ang channel!" Hindi ako nakinig sa kanya. Nakatago 'yong remote sa likuran ko kaya hindi gusto niya ang masusunod sa ngayon. Ako ang nauna kaya ako ang may karapatan. "Bingi ka ba? Sabi ko ilipat mo ng channel?" He looks píssed now. Well I really don't càre kahit na mamátay pa siya sa ínis diyan. Nagkunwari pa rin akong di ko siya naririnig at inenjoy ang ice cream ko. "Do you like ice cream that much?" ani ni Noah dahilan para matigil ako sa pagsubo. Binalingan ko siya ng masámang tingin pero napalunok ako ng laway nang makita kong nakatutok siya sa lips ko. Agad na umiwas siya ng tingin. Nabádtrip ako bigla kaya bínato ko sa kanya ang remote ng TV. Kainis! Wala na akong gana manood dahil dito kay Noah. Tumayo nalang ako at tinalikuran siya. "Oo nga pala," nilingon ko si Noah na ngayon ay nanonood na ng football. "Uuwi na si mama Emelia next week." Napansin ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ni Noah. He seems mad and irritated. "So? Is that a big news?" His voice sounds nonchalant. "Gusto ko lang sabihin sa'yo. At tyaka baka gusto mong sumama sa'min ni Kuya Garry sa airport pag sinundo namin si mama Emelia." Nagukat ako nang biglang tumayo si Noah at naglakad paalis. Ni walang lumabas na isang letra sa bibig niya 'don sa tinanong ko. Naiintindhan ko naman siya kung bakit galit siya kay mama Emelia. Pero I'm sure bumabawi na naman sa kanya si Mama Emelia. Pero binubulag siya ng galit niya. At hindi ko gusto kong pano niya tratuhin si mama Emelia. I'm sure mama has a valid reasons kung bakit ginawa niya 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD