Nagmamadali kong nilagyan ng kunting make-up ang mukha ko at mabilis na bumaba. Naghihintay na kasi sa'kin si Kuya Garry sa kotse. Susunduin na namin ngayon si mama Emelia and I want to look presentable. Ayaw kasi ni mama na pinapabayaan ko ang sarili ko.
Nagpaalam muna ako kay ate Pia bago lumabas ng bahay.
Kahapon pa ako excited. Natutuwa lang talaga ako kasi uuwi na si mama Emelia and I miss her so much. Na-miss ko ang luto niya, na-miss ko ang yakap niya.
Maaga rin kaming nagising tatlo nila ate Pia at Kuya Garry. Maagang nagpunta si kuya Garry at ate Pia sa palengke para mamili habang ako naman naglinis ng buong bahay. And us usual, maaga ngang nagising si Noah pero nanood lang siya sa TV ng kung anu-ano. Hinayaan ko nalang din siya kasi halata naman na wala siya sa mood.
Mahigit 30 minutes kaming naghintay ni kuya Garry sa arrival nang makita namin si mama Emelia. May kausap siyang dalawang babae kaya hindi muna kami lumapit. Nakita niya kami ni kuya Garry kaya kumaway siya sa 'min at ngumiti. Sumenyas si mama na lumapit ako kaya naglakad ako palapit sa kanila.
Nagbeso ako kay mama.
"I miss you Amelia."
"I miss you too mama."
"Siya nga pala, this is my daughter Amelia Madrigal. Amelia, they are my business partner, Mrs. Yassinski, the president of Yassinski Construction Company and Mrs. Zamora, the owner of Zamora Hotel."
"Hello po, nice meeting you." Nagbeso rin ako sa kanila at ngumiti kahit ang totoo kinakabahan akong kaharap sila. They are kind and nice, yet you can feel the power they have. They look expensive and sophisticated. Balang araw gusto kong maging katulad nila. Brave and empowered woman.
"You're beautiful Amelia. I wish I have a daughter like you," Mrs. Yassinski complimented. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko. Sobrang ganda niya pero pinuri niya ako.
"Wala po kayong anak na babae?" Di ko maiwasan magtanong.
"Yeah! Lahat sila lalaki at sakit sa ulo!" Natatawang kwento ni Mrs. Yassinski.
Nagpatuloy 'yong kwentuhan namin hanggang sa restaurant. Sinama nila ako kumain. Minsan tinatanong nila ako ng kung anu-ano at kung may boyfriend na ba ako? Kung anong course ang kinuha ko, what are my plans at iba pa. Minsan nakikinig lang din ako sa usapan nilang tungkol sa business.
Mahigit isang oras din 'yong tinagal namin sa restaurant bago kami makauwi ni mama Emelia. Inasar pa ako ni Mrs. Zamora na sumama sa kanya para ipakilala sa anak niyang engineering para daw magtino.
Pagdating namin sa bahay kumain ulit kami nila mama Emelia kasi nagluto si ate Pia ng mga paborito ni mama Emelia. Apat lang kaming kumain. Wala si Noah.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Tawang tawa si mama sa kwento ni kuya Garry at ate Pia pero halata sa mga mata ni mama ang lungkot. Naaawa tuloy ako kay mama kasi 'yong nag-iisa niyang anak hindi man lang siya sinalubong at mukhang ayaw pa siyang makita. Ano ba kasi ang kinagagalit ng Noah kay mama Emelia?
Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo na si mama Emelia mula ng makabalik siya pero hindi pa rin siya kinakausap ni Noah. Halatang iniiwasan ni Noah si mama Emelia.
Sobrang aga kung umalis si Noah, sinisigurado niyang di pa nagigising si mama sa umaga pag aalis siya. Pag gabi naman uuwi siya kapag tulog na si mama.
Ako ang nahihirapan para kay mama Emelia dahil sa síraúlo niyang anak na si Noah.
"Good morning po ma. May okasyon po ba?" tanong ko kay mama nang makita ko siya sa kusina na busy sa paghahanda. Naka-apron pa siya at nakapusod ang buhok.
"Good morning Amelia! Kumain ka muna bago pumasok sa klase." Dali dali siyang kumuha ng pinggan at pinaupo ako.
"Ma, ang dami niyo po atang lulutuin? May okasyon ba?"
"Wala naman." Ngumiti si mama. "I just want to cook for Noah. I know he loves pancakes, bicole express and adobo. Mamaya pa naman 'yong meeting namin kaya I have enough time to cook."
Di ko maiwasan na mainis kapag naaalala ko 'yong ginawa ni Noah kay mama Emelia nung isang araw. Nagluto si mama Emelia pero 'yong hálimaw na si Noah hindi manlang pinansin si mama kahit ilang beses na siyang niyaya na kumain.
"Masarap ba Amelia? Do you think Noah will like it?" tanong ni mama nang matikman ko 'yong adobo niya. She looks excited and full of hope. Masarap magluto si mama but knowing Noah, alam kung hindi niya papansinin ang luto ni mama.
"Amelia!"
Nilingon ko si kuya Garry nang tinawag niya ako. Mukhang naglilinis siya ng kotse dahil basa pa ang blue shirt niya.
"Bakit po kuya Garry?"
"May bisita ka sa labas." Nakangiti si kuya Garry, pero 'yong ngiti niya kakaiba.
Kumunot ang noo ko. Bisita? Wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw ah.
"Po?"
"May bisita ka sa labas. Sabi niya best friend daw kayo."
What the! Kailan pa ako nagkaroon ng best friend. Di ko ata alam.
"Amelia, papasukin mo 'yong best friend mo. Gusto ko siyang makilala," ani ni mama habang busy sa kanyang ginagawa. "Sabihin mo sabay siyang kumain sa'tin. Malapit ko na namang matapos 'to."
Nauna ng lumabas si kuya Garry. Sumunod rin ako sa labas kasi curious ako sa sinasabi ni kuya Garry. Baka mamaya pinagtitripan lang ako ni kuya Garry.
Paglabas ko nang bahay nakita ko ang hindi pamilyar na lalaking nakatalikod habang kausap si kuya Garry. Narinig ko pa 'yong usapan nilang tungkol sa mga mga mabibilis na uri ng kotse.
Muntik na akong matumba sa gulat nang biglang lumingon 'yong lalaki.
"Good morning best friend!" He smiled like he was fúckíng model of a magazine.
"Tángina! Anong ginagawa mo dito Zaldivar?" Bagong gupit siya kaya di ko siya nakilala habang nakatalikod. Nakasuot siya ng simple white shirt at faded jeans. Simple lang pero mapapatingin ka sa kanya.
"Binibisita ko ang best friend ko."
"Best friend? Anong best friend ang pinagsasabi mo!" Inakbayan niya ako at pinisil ang pisngi ko.
"Tara na sa loob! Sabi ni kuya niyayaya ako ng mama mo kumain. Tamang tama kasi gutom na ako!"
Tinanggal ko ang nakaakbay niyang braso. "No! Hindi ka pwede pumasok sa ba-" Di niya na ako pinatapos. Nauna na silang pumasok ni kuya Garry sa loob at iniwan ako mag-isa.
Like what the f**k! Anong nakain nitong si Zaldivar at bakit nagpunta dito sa bahay?