CHAPTER 15:

1616 Words
"Good morning po!" Zaldivar's cheerful voice echoed through the kitchen. Natigil sa paghiwa ng karne si mama. Her attention caught by Zaldivar, and I could see the surprise etched on her face. I held my breath, hoping for the best as I prepared to explain the situation to mama Emelia. Ang tigas rin kasi ng ulo nitong si Zaldivar. Sinabi ko sa kanyang maupo lang sa sofa dahil busy sa pagluluto si mama at baka makadistorbo siya. "Oh you're probably Amelia's bestfriend? I thought you were a girl?" Napalunok ako ng laway dahil sa kaba. Nakwento ko si Zaldivar kay mama pero hindi ko sinabing lalaki siya. Pahamak talaga itong si Zaldivar. Paano ako ngayon magpapaliwanag kay mama. "Wait. Are you Zaldivar? Right?" Mama Emelia inquired, attempting to recall his identity. "Kilala niyo po ako?" nagtatakang tanong ni Zaldivar. Ngumiti si mama. "Yes, naalala ko, nakwento ka ni Amelia sa'kin." Nilingon ako ni Zaldivar. A smiled played in his lips. 'Yong ngiti niya halatang may pang-aasar. Iniisip niya siguro na may crush ako sa kanya kasi nakwento ko siya kay mama Emelia. Inirapan ko si Zaldivar kasi kung anu-anong pumapasok sa isip niya. Lumapit si Zaldivar kay mama Emelia at tinulungan itong maghiwa ng karne. Bago ako magpaalam kay mama na aakyat muna ako sa taas para maligo, nilapitan ko muna si Zaldivar para bantaan. "Don't do stupid things, okay?" I looked him straight in the eyes. He just nodded. Umakyat na ako sa taas at naligo. Binilisan ko lang ang kilos ko. Hindi na ako gumamit ng blower para patuyuin ang buhok ko at hindi na rin ako naglagay ng moisturizer sa mukha. Kinakabahan ako baka kung anong walang kwentang bagay ang pinagsasabi ni Zaldivar kay mama. As I walked back into the kitchen, I couldn't believe my eyes when I saw Mama Emelia and Zaldivar chatting comfortably, seems like they had known each other for years. "Ma'am Emelia did you know that mushrooms are more closely related to animals than plants?" Zaldivar shared confidently. "Really? I had no idea. What makes them closer to animals?" Mama asked, intrigued. "They share a common ancestor with animals, not plants," Paliwanag ni Zaldivar habang naghihiwa ng patatas. "And speaking of animals, alam mo ba Ma'am Emelia that chicken can live for several minutes without its head?" Mama Emelia laughed, "No way, really? That's bizarre!" Di ko maiwasan mapangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa. Si Zaldivar ang daming kwento kaya si mama Emelia tawang tawa sa walang kwenta niyang kwento. Mukhang talent ata ni Zaldivar na madaling makuha ang loob ng taong kausap niya. Mahigit isang oras at natapos din ang pagluluto ni mama at ni Zaldivar. Tinulungan ako ni Zaldivar sa paghahanda ng mga pinggan, tinidor at kutsara. Habang si mama naman ay tuwang tuwa na inayos ang mga pagkain sa mesa. Lahat ng hinanda niya ay paborito ni Noah kaya halata sa mukha niya ang pag-asa na magugustuhan ni Noah ang mga niluto niya. Tinawag ko si ate Pia at kuya Garry na nag-aayos ng mga bulaklak sa garden. Si mama naman umakyat sa taas para tawagin ang batugan niyang anak na si Noah. Nasa hapagkainan na kami habang hinihintay si mama at si Noah. Si Zaldivar kinukulit si ate Pia at si Kuya Garry. Ilang sandali nakita ko si mama na pababa ng hagdan. Mag-isa lang siya. Mukhang hindi na naman siya pinagbuksan ng pinto ni Noah katulad kahapon. "Let's eat! Baka gutom na ang ating bisista!" Pabirong sabi ni mama nang makalapit siya sa'min. Nakangiti siya pero halata sa mukha niya ang lungkot. Ngumiti kami nila ate Pia at kuya Garry para kahit paano gumaan ang pakiramdam ni mama. Nagsimula na kaming kumain. Si Zaldivar ang ingay ingay naririndi na ako sa boses niya. Sila mama naman at ate Pia tawang tawa kay Zaldivar. "Kuya Garry ano po pakiramdam na puro magaganda ang kasama mo araw araw?" pabirong tanong ni Zaldivar. "Aba syempre maswerte!" Nagtawanan naman sila mama at ate Pia. Ako naman umirap lang kay Zaldivar. "Ibig sabihin nagagandahan ka rin kay Amelia?" Muntik na akong mabulunan sa tanong ni ate Pia. Lahat kami natahimik. Napatingin si Zaldivar sa'kin at pinaningkitan ko siya ng mata, nagbabanta na ayusin niya ang sagot niya kasi nandiyan si mama Emelia. "Syempre mas maganda po kayo Ma'am Emelia at ate Pia!" sagot ni Zaldivar habang nakatingin sa'kin. "Si Amelia po, palaging salubong ang kilay. Mas mukhang dalaga po kayo tingnan kesa kay Amelia. Nagtawanan sina mama at ate Pia. Palihim ko namang sinipa sa silong ng lamesa si Zaldivar, pero mas lalong lumapad ang ngiti niya nang makita niyang naapektuhan ako sa mga sinasabi niya. Lahat kami natigil nang mapansin naming pababa ng hagdan si Noah. "Son, Noah! Hindi ka ba kakain? Niluto ko 'yong mga paborito mo!" Alok ni mama kay Noah pero di siya pinansin ni Noah. "I'm not hungry!" Diretso lang ang lakad ni Noah papunta sa pool area at hindi manlang sumulyap sa'min. "Kapatid mo siya, Amelia?" takang tanong ni Zaldivar. Huminto sa paglalakad si Noah nang marinig niya ang boses ni Zaldivar. Nilingon niya kami at kumunot ang noo niya nang makitang magkatabi kami ni Zaldivar. Nagtaka ako nang hindi siya dumiretso sa pool, sa halip lumapit siya sa'min at umupo siya sa tapat ni Zaldivar. Hindi naman maitago ni mama ang saya dahil sa unang pagkakataon, sasabay sa'min si Noah kumain. Mama Emelia had been looking forward to this moment. Tumayo si mama at dali daling kumuha ng pinggan para kay Noah. "Here Noah! It's your favorite adobo." Nakangiti si mama na nilagyan ng tatlong hiwa ang pinggan ni Noah. Hindi ko naman maiwasan mapairap. Parang bata naman itong si Noah. Kailangan pa talagang pagsilbihan. Tahimik lang kami ni Zaldivar. Sinipa ko siya sa silong ng lamesa at pinandilatan ng mata para pagbantaan na itikom niya ang bibig niya kasi nasa harap namin si Noah. "Stay silent," I warned Zaldivar as I leaned close to him. "Why?" he asked, his voice barely audible. Natigil kami sa pagbubulungan ni Zaldivar nang mapansin kong nakatingin silang lahat sa'min. Nanunuya ang ngiti nila ate Pia, kuya Garry at mama Emelia, habang si Zaldivar naman ay salubong ang kilay at matulis na nakatitig sa'min ni Zaldivar. Zaldivar chuckled in amusement. "Sinabi po ni Amelia sa'kin na paborito niya po ang adobo. But she seemed a bit bashful about it." Wala akong maalala na sinabi ko kay Zaldivar na nahihiya akong kumuha ng adobo, pero sumangayon nalang din ako sa rason niya. Ngumiti ako para hindi magduda sila mama at ate Pia na may iba kaming pinagbubulungan. Nilagyan ni Zaldivar ang pinggan ko ng limang hiwa ng adobo. Ginawa pa talaga akong patay gutom ni Zaldivar. Paano ko ngayon mauubos ang limang hiwa. "I didn't know you had such low standards on men," Noah smirked, trying to play it cool. Sila mama at ate Pia naman napatingin kay Noah, nagtataka. "I don't know what are you talking about?" I answered, trying to keep my tone light. I bit my lower lip. Ayan na naman si Noah. Nagsimula na namang tumubo ang sungay niya. Talagang gusto niyang naiinis ako. Ayaw ko pa naman siyang patulan ngayon dahil nasa harap namin si Mama Emelia. "Teka lang, may boyfriend ka na Amelia?" Zaldivar chimed in. Hindi niya alam na siya ang pinariringgan ni Noah. "Bakit di mo sinabi sa'kin? Akala ko ba best friend tayo?" reklamo ni Zaldivar. "Hays. Tumahimik ka nga Zaldivar," inirapan ko siya. "Oh! You're not courting Amelia?" Mama Amelia asked, her gaze fixed on Zaldivar. I couldn't help but feel a flush of embarrassment. Masyado kasing feeling close itong si Zaldivar kaya tuloy nagpakakamalan na nanliligaw siya sa'kin. "Best friend lang po kami ni Amelia," inakbayan ako ni Zaldivar. "Wag po kayong mag-alala ma'am Emelia, bantay sarado 'to sa'kin. Kapag nalaman kong may nanliligaw sa kanya, ako po ang unang magsasabi sa inyo." Mama Emelia's laughter filled the room, a warm ang genuine sound. "Oh, that's quite the rumor! But you know, the best friendships can sometimes be mistaken for something more." "Oo nga, akala ko rin nanliligaw ka sa Amelia namin," pabirong sabi ni Kuya Garry kaya nagtawanan kami, maliban kay Noah na salubong ang kilay. Pagkatapos naming kumain, nagpaalam si Zaldivar kay mama. Nakipagbiruan pa siya at sinabing babalik raw sa susunod na araw kasi masarap magluto si mama. Nagpaalam rin si Zaldivar kay ate Pia at kuya Garry bago ko siya hinatid sa labas. "Amelia, anong oras ang klase mo bukas?" tanong ni Zaldivar nang makapasok siya sa kanyang kotse. "Why are you asking?" "Para ako ulit ang maghahatid at sundo sa'yo pero libre mo ako ng ice cream." "Asa ka!" Inirapan ko si Zaldivar pero tumawa lang ang mokong. Pumasok na ako sa loob nang makaalis si Zaldivar. Nakita kong nakasandal sa pinto si Noah. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. "Hindi ko gusto ang Zaldivar na 'yon." Natigil ako nang marinig ko ang sinabi ni Noah. Anong gusto niya? Layuan ko si Zaldivar dahil hindi niya gusto? His Insane. Mayabang lang si Zaldivar pero alam kung mabuti siyang tao. "You're over acting. Hindi mo siya kilala kaya wag mong husgahan ang tao." "Do you like him?" Napaawang ang bibig ko. Gosh! Bakit ang dami niyang tanong kay Zaldivar. "Ano bang problema mo kay Zaldivar? May ginawa ba siyang masama sa'yo?" "I'm asking you. Do you like him?" "Anong pakialam mo!" Tinalikuran ko siya para pumasok na sa loob pero agad niyang hinila ang kamay ko. "Ayaw kong nakikita kayong magkasama. Layuan mo siya. Naiintindhan mo?" Binitiwan niya ang kamay ko at agad siyang pumasok sa loob. Naiwan naman ako sa labas na nagtataka. Noah is getting weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD