Pumunta ako sa Cafeteria nang matapos ang subject ko sa Business Statistics. Puno na ng estudyante ang cafeteria kaya nang makuha ko ang order ko ay halos wala na akong makitang bakanteng pwesto.
"Amelia! Amelia dito!"
Nakita ko si Madhel na kumakaway sa'kin. Nasa bandang gitna siya kasama ang mga kaibigan niya.
Tumakbo palapit sa'kin si Madhel. "Amelia, don ka nalang maupo sa 'min. May bakante pa namang upuan."
I smiled faintly. Gusto kong tumanggi kasi halatang hindi ako gusto ng kaibigan niyang si Portia. Kaso hinila ako ni Madhel kaya wala rin akong nagawa.
"Hi!" Bati ko sa mga kaibigan ni Madhel. I tried to be friendly as I can. Sobrang bait kasi sa'kin ni Madhel kaya I don't want to disappoint her.
"Upo ka Amelia," the girl with brown hair offered, I think her name is Paris sa pagkakatanda ko. Her name really suits her. Kung gaano kaganda ang lugar na Paris, ganon din siya kaganda.
Nilapag ko ang dala kong tray at umupo sa tabi ni Paris.
"Hi! Amelia Madrigal right?" tanong ng kaibigan ni Amelia na may kulot na buhok.
Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
"Ako nga pala si Adalaine, Ada for short. Ang pinakamaganda sa kanila," she giggled. She's cute and funny. I think I like Ada. Ang hyper niya.
"Kaya pala nagseselos si Portia," nakangiting nakatingin si Ada sa'kin. Nagtaka naman ako kung ano ang tinutukoy niya.
"Shut up Ada!" singhal ni Portia habang busy sa kanyang cellphone. Halatang nairita sa sinabi ni Ada.
"Ada, tigilan mo nga si Portia, baka magwalk out na naman yan, " saway ni Madhel na katabi ni Portia.
Tumawa lang si Ada habang bumalik ulit ang atensyon ni Portia sa kanyang cellphone.
Kumain lang kami at nagkwentuhan ng kung anu-ano. Si Portia naman tahimik lang at mukhang ayaw ang presensya ko.
"Oo nga pala, Amelia. Magsyota ba kayo ni Zaldivar?"
Natigil kaming lahat sa biglang tanong ni Ada. Napansin kong sumulyap sa'kin si Portia, hinihintay ang magiging sagot ko.
Tumawa ako. "No. We're not in relationship."
Tumawa din sila.
"Bakit palagi kayong magkasama?" tanong ulit ni Ada. Hinila ang buhok niya ni Madhel.
"Hoy Ada! Isara mo nga ang bibig mo! Kung ano-anu ang tinatanong mo kay Amelia. Marites ka talaga!"
"Magkaibigan kami kaya palagi kaming magkasama."
"Di mo ba crush si Kian?"
"No! He's not my type."
Napansin kong mahinang siniko ni Ada si Portia at bumulong. "Oh para kang tangang nagseselos sa wala. Di naman pala sila magjowa."
Di ko alam kung ano pinag-uusapan nila but it was obvious that one of them had a huge crush with Zaldivar.
"Bakit? May crush ba kayo kay Zaldivar? I can send him a regards anytime if you want. I can even set up a date for you!"
"No!" Portia yelled. She's blushing.
Napangiti ako. Kaya pala ayaw niya sa'kin kasi may crush siya kay Zaldivar at akala niya boyfriend ko si Zaldivar kasi palagi kaming magkasama.
"Oo nga pala Amelia, birthday ko next Friday. Sumama ka sa'min please!" Madhel begged.
"Saan? Sa bahay niyo?"
"Hindi sa bahay. Malayo ang bahay namin. Sa Baguio. Pupunta kami sa Revel sa BGC."
"Revel?" taka kong tanong.
"Revel is one of the high-end club in BGC. Bakit di ka pa ba nakapunta don?" tanong ni Paris.
"Hindi pa. I don't do clubbing."
"Basta sumama ka sa'min Amelia ha. Magtatampo ako sa'yo. Wag kang mag-alala. Hindi ka naman namin pababayaan eh. At tyaka di naman nang-iiwan ang mga kaibigan ko kahit gaano pa sila kalasing."
Pagkatapos naming kumain, pumasok na kami sa kanya kanyang klase.
Natapos ang klase na wala akong naintidihan. Di kasi mawala sa isip ko 'yong sinabi sa'kin ni Madhel na magtatampo siya pag hindi ako sumama. She even gave her phone number para matawagan niya raw ako.
Gusto ko man pagbigyan si Madhel pero di pa rin mawala ang trauma ko sa mga night party. Hindi ako agad nakatanggi kanina sa Cafeteria kasi wala akong maisip na rason para hindi sumama. Pero pagnakaisip ako ng dahilan para tumanggi, I'll call her immediately.
It's already friday. It's Madhel birthday. Pagkatapos ng klase ko dumiretso agad ako sa bahay. Nagbasa ako ng lectures ko at bumaba nang tawagin ako ni ate Pia na kakain na kami.
I texted Madhel yesterday na hindi ako makakasama kasi may gagawin akong school project pero wala akong natanggap na reply kaya hindi ako mapakali. Baka nagtampo na talaga 'yon.
"Amelia? You okay?" mama Emelia asked confusedly.
Magkakasama kaming kumain nila mama, ate Pia at kuya Garry. As usual wala si Noah.
Napansin kong di ko pala nagagalaw ang pagkain ko kaya pala nagtanong si mama.
"Ayos lang po ako, ma," ngumiti ako saka sumubo.
"What's bothering? You can tell us, Amelia."
"Ahm ano po, Ma. Birthday ngayon ni Madhel."
"Madhel? Yong nakwento mong kaibigan?"
"Opo ma."
"What about her?"
"Niyaya niya po ako at ng mga kaibigan niya na sumama sa kanila sa Revel, isang club sa BGC kaso tumanggi po ako na sumama sa kanila."
"Okay, I understand kung bakit tumanggi ka. But don't you try things that cope with your trauma? Ayaw mo bang harapin ang takot mo? You're Amelia, now. You're no longer Ana."
I somehow understood the point of mama Emelia. She's been with me when I was desperately want to be fearless. Pero ngayon para akong bata na takot maiwan sa dilim. Ilang ulit ko rin naman sinabi sa sarili ko na hindi na ako si Amelia na palaging naaapi at palaging takot. Pero may mga pagkakataon na natatakot ako na baka mangyari ulit 'yong nangyari sa'kin nuon kahit alam ko naman sa sarili ko na kayang kaya ko na. I didn't train in taekwondo for nothing. I didn't change for nothing.
Tama si mama Emelia, I need to overcome my fear to be truly fearless.
Pagkatapos kumain, naligo muna ako at nagbihis. I don't want to be too formal and overdressed kaya pinili kong magsuot ng black high-waisted skinny jeans and a long sleeve v-neck bodysuit. I chose strappy black heels and a pair of leaf tassel earrings.
"Mag-enjoy ka sa party, Amelia!" Mama kissed my cheeks.
"Thank you ma!"
"Wow! Ang ganda naman ng Amelia namin!" Ate Pia teased me. Natawa nalang din ako.
"Salamat ate Pia."
Umalis na kami ni Kuya Garry kasi medyo malayo pa ang BGC.
Habang nasa biyahe nagtext ako kay Madhel na papunta na ako. Tuwang tuwa naman siya kasi agad naman nagreply. Malapit na daw sila nila Paris. Magtext daw ako kapag nakarating na ako kasi susunduin niya ako sa labas ng club.
Ilang oras din ang biyahe nang makarating kami ni Kuya Garry sa BGC. Sinabi ko kay kuya Garry na mauna na siyang umuwi kasi ihahatid naman ako nila Paris.
Tumayo nalang muna ako sa harap ng club habang tinatawagan ang phone number ni Madhel. Ring lang ng ring pero walang sumasagot. Baka di niya mapansin ang missed calls ko dahil sa lakas ng music.
Nakatatlong tawag na ako nang mapagdesisyonan kung pumasok nalang. Hanapin ko nalang sila sa loob ng club.
Pagpasok ko agad na bumungad sa'kin ang malakas na tugtog ng DJ at ang nakakahilong iba't ibang kulay ng lights.
Sobrang dami ng tao. May mga nagsasayawan sa dancefloor at ang iba naman nag-iinuman sa kani-kanilang pwesto.
Tinawagan ko ang number ni Madhel habang pasulyap sulyap sa paligid nagbabakasakaling makita ko sila.
Nakadalawang tawag ako bago masagot ang tawag ko.
"Hello Madhel!" Halos sumigaw na ako sa tawag para lang marinig sa kabilang linya ang tawag ko.
"It's Portia! Nasa comfort room si Madhel. Where are you? Kanina ka pa niya hinahanap?" Her voice seems worried. Hindi katulad nung isang araw na halos hindi ako kausapin ni Portia kasi akala niya nasa dating stage kami ni Zaldivar. She's nice and kind. Misunderstanding lang talaga nung una.
"Oh Portia, Ikaw pala? Nandito na ako sa Revel! Yong sinasabi niyong club? Di ko kayo makita?"
"What? Nandiyan ka sa Revel? Gosh those idiots hindi sinabi sayo? Lumabas ka diyan! Susunduin kita! Nandito kami sa Xylo kasi puno na 'yong Revel kanina!"
Agad na binaba ni Portia ang tawag. Lasing na ata si Madhel kasi hindi nasabi sa'kin na lumipat pala sila ng club.
Palabas na ako nang club nang makasalubong ko 'yong kinaiinisan kong tao.
Si Peter, kaibigan ni Noah.