Sa dami ng pwede kong makasalubong bakit siya pa? Pakiramdam ko tumaas ang pressure ng dugo ko nang makita ko ang ngiti niyang may pagnanasa.
"Oh! Amelia?"
It's Peter Villamor, 'yong anak ng governador. 'Yong bastos na kaibigan ni Noah.
Palihim akong napamura nang hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. He's fúcking Maniác. I hàte him. Katulad lang niya si Noah.
"God! You're stunning Amelia, baby!"
Gosh! Sobrang nakakasuka 'yong tinawag niya akong baby. Halatang nakainom na siya dahil sa amoy at sa mga mata niya.
"Excuse me. I have to go." Nilagpasan ko siya at aalis na sana ako nang hilain niya ang kamay ko.
"Hindi kita papayagan umalis hangga't hindi kita naiisasayaw Amelia."
"Excuse me? Maraming ibang babae diyan, you can dance with them if you want to." Sinubukan kong mabawi ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya.
"But I want you Amelia, kakaiba ka sa kanila."
"Sorry, lasing ka na ata. Please binitiwan muna ako. May naghihintay sa'kin sa labas." I tried to be casual. Ayaw kong gumawa ng eksena dito dahil lang sa Peter na ito.
Sinubukan kong mabawi ulit ang kamay ko pero di niya pa rin ako binibitiwan.
"Di mo ba narinig ang sinabi niya Peter?" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumulpot sa tabi ko si Zaldivar. "Sabi niya, bitiwan mo na siya!"
Ngumiti lang si Peter. "Sino ka ba para katakutan ko? Isa ka lang namang Zaldivar?"
Ngumiti rin si Zaldivar. "Yeah! I'm Zaldivar. And you don't want to mess with Zaldivar, right?"
"You know me Zaldivar? I am Villamor, I can get what I want. Including this girl!"
Hindi na ako nakalaban pa nang bigla akong hinila ni Peter at marahas na hahalikan pero mabilis akong nailayo ni Zaldivar sa kanya.
Sinuntok ni Zaldivar si Peter dahilan para bumagsak siya sahig.
"You bastard!" Tumayo si Peter at gumanti rin ng súntok kay Zaldivar.
Natigil 'yong mga nagsasayawan at 'yong ibang nag-iinuman nang mapansing halos magpatáyan na si Zaldivar at si Peter.
Wala akong nagawa kundi mapamúra kasi di ko alam kung paano aawatin 'yong dalawa.
"What the f**k is happening?" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumulpot si Noah.
Hinawakan ni Noah ang damit ni Zaldivar at pinaulanan ng magkakasunod na suntok. Lumapit ako at agad na hinila si Noah para awatin siya kasi halos pátayin niya na si Zaldivar.
"Naoh! Stop it! Noah! Tigilan mo na si Zaldivar!" Patuloy kong hinila 'yong kamay ni Noah pero malakas niya akong tinulak kaya bumagsak ako sa sahig.
"Shít! Amelia!" Lumapit sa'kin si Zaldivar at tinulungan niya akong makatayo. Halos maiyak ako nang makita ko ang dumudugo niyang labi at namamaga niyang mga mata.
"You okay, Amelia?"
Tumango lang ako. "I'm sorry Zaldivar. Umalis na tayo dito, please." Tuluyan na akong naiyak. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Nakokonsenya ako kasi nabugbog si Zaldivar ng dahil sa'kin.
"Don't cry, Amelia. Sandali lang 'to, aalis din agad tayo." Nakita ko ang galit sa mga mata ni Zaldivar. Hinila ko pa ang kamay niya para pigilan siya kasi baka pagtulungan siya ng mga kaibigan ni Noah pero hindi siya nakinig.
Lumapit si Zaldivar kay Noah at malakas na sinuntok sa mukha dahilan para bumagsak si Noah sa sahig. Mabilis na sinakyan ni Zaldivar ang katawan ni Noah at magkakasunod na pinaulanan ng suntok.
Gusto ko nalang sumigaw sa inis kasi wala manlang lumapit ni isa para umawat sa kanila. Mukhang ayaw nilang madamay sa gulo.
"You fúcking stúpid Noah! Nagawa mo pang kampihan ang nangbastos kay Amelia! Napakawalang kwenta mong kapatid!" Magkakasunod na suntok ang pinakawalan ni Zaldivar kay Noah.
Malakas na sinipa ni Naoh si Zaldivar kaya nakawala siya.
Bumagsak si Zaldivar kaya nilapitan ko siya at tinulungang makatayo. Halatang hindi niya na kaya kasi sobrang namamaga na ang kanyang kaliwang mata.
Kinabahan ako nang makita kong lumapit sa'min si Noah. Agad akong humarang sa harap ni Zaldivar para di siya masaktan ni Noah kasi nasa likuran ko siya. Subukan niya lang saktan ulit si Zaldivar makikipagpatayan ako.
Blankong tiningnan lang ako ni Noah. "Don't cry," aniya saka niya kami tinalikuran ni Zaldivar. Mabuti nalang hindi niya sínaktan pa ulit si Zaldivar.
Hinawakan ko 'yong kamay ni Zaldivar para umalis na kami, pero natigil ako nang makita kong si Noah na binubugbog ang kaibigan niyang si Peter. Napamúra ako. Sumasakit na ang ulo ko dahil kay Noah. Kung sino nalang ang sinasaktan niya.
Lumapit ako kay Noah para awatin siya.
"Noah! Tama na!" Hinila ko 'yong damit ni Noah. Umawat na rin 'yong iba pang kaibigan nila Noah.
"What are your fúcking problem Noah?" Inis na bulyaw ni Peter. Nakahawak sa kanya ang dalawa niyang kaibigan. Habang may dalawa ring lalaking nakahawak kay Noah.
"Magsisisi ka sa ginawa mo sa'kin, Noah! Anak ako ng mayor! Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo sa'kin!"
"You són of ásshóle! Hindi ako natatakot sa'yo! I told you wag mo siyang gagalawin kasi ako ang makakalaban mo!"
Hinila ko si Noah palabas ng club para hindi na lumala pa ang away. Hindi naman nagmatigas pa si Noah at hinayaan niya lang akong hilain siya.
Pagdating namin sa labas ng club, nakita kong nakatitig si Noah sa magkahawak naming kamay kaya agad ko siyang binitiwan.
"Your hands are too dry and rough," saka niya ako inirapan.
"Mas magaspang ang ugali mo!" Inirapan ko rin siya. Makikipagsagutan pa sana ako kay Noah nang maalala kong nasa loob pa pala ng club si Zaldivar. Baka pagtulungan si Zaldivar ng mga kaibigan ni Noah.
Sinabi ko kay Noah na hintayin muna ako kasi may babalikan lang ako sa loob ng club. Hindi naman siya umimik at inirapan lang ako.
Pagbalik ko sa loob mukhang wala lang nangyaring gulo, tuloy na ulit ang inuman at sayawan ng mga tao.
Nakita ko naman si Zaldivar na nasa counter, may kausap na magandang babae. Akala mo walang black eye, nagawa pang mangbababe.
Lumapit ako sa kanila. Tinaasan ako ng kilay ng babae, mukhang nadistorbo ko ata ang pag-uusap nila.
"Oh! You're here, baby?" nakangising bungad ni Zaldivar nang makita niya ako sa harap niya.
Parang gusto kong dagdagan ng black eye itong si Zaldivar. 'Yong babae mas lalong dumilim ang titig sa'kin nang tawagin ako ni Zaldivar na baby.
"Is she your girlfriend?" iritang tanong ng babae.
"Nope. She's my baby. While you're my sweety."
Tsk! Napakababaero ni Zaldivar. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila palabas ng club. Hindi na rin nagreklamo si Zaldivar kahit na nadistorbo ko siya sa kanyang pambabae.
Nasa labas na kami ng club nang marinig kong tumatawa si Zaldivar. Parang baliw ang gonggong. May black-eye na nga siya at may pasa sa mukha pero natutuwa pa.
"Anong nakakatawa?" inis kong tanong.
"Wala lang. Ngayon ko lang nalaman na selosa ka pala," natatawang saad niya.
"Hindi ako nagseselos. Asa ka!"
Nagpatuloy ako sa paghila kay Zaldivar. Di ko binitiwan ang kamay niya baka bumalik sa loob ng club.
Naabutan namin si Noah na nakasandal sa kotse niya habang nagyoyosi.
Tiningnan niya kaming dalawa ni Zaldivar. Hanggang sa bumaba ang tingin niya sa magkahawak kamay namin ni Zaldivar.
Agad kong binitiwan ang kamay ni Zaldivar nang mapansin kong parang dumilim ang tingin ni Noah.
Tawang tawang bumulong si Zaldivar sa'kin. "You're so cute. Takot ka pala sa kuya mo."
Inirapan ko si Zaldivar. Gusto ko mang sabihin na hindi ko kuya si Noah, pero pinili ko nalang tumahimik.
Nagpatuloy ako sa paghila sa damit ni Zaldivar at sapilitan ko siyang pinapasok sa loob ng kotse ni Noah. Si Noah naman agad na nagreklamo sa ginawa ko.
"You fúcking crázy! Bakit mo pinapasok ang àsshóle na 'yan sa kotse ko!" Hindi ko pinansin ang mga reklamo ni Noah. Hinila ko ang damit niya at pinapasok ko rin siya ng sapilitan sa kotse katabi ng driver's seat. Sa passenger seat naman si Zaldivar. Hindi ko na sila pinagtabi baka magpatayan. Kinuha ko sa bulsa ni Noah ang susi saka pumasok rin sa kotse. Ako na ang magmamaneho kasi nakainom ng alak itong dalawa.
Pinaandar ko 'yong kotse at naghanap ng malapit na pharmacy. Bumili ako ng cotton, alcohol, band aid at betadine.
Pagbalik ko galing pharmacy, nagtaka ako kasi si Noah nalang mag-isa, wala na si Zaldivar.
"Where's Zaldivar?" taka kong tanong kay Noah.
"He said he'd better get lost."
Sa inis ko hinampas ko si Noah ng malakas. "Tarantádo ka! Anong ginawa ko kay Zaldivar? Nasaan siya?"
"Stop hítting me! Wala akong ginawa sa unggoy na 'yon. Umalis siya!"
Natigil ako sa paghàmpas kay Noah nang magring 'yong phone ko. Sinagot ko ang tawag at si Zaldivar pala.
Zaldivar: I'm sorry Amelia. May importante pa akong pupuntahan kaya hindi na ako nagpaalam sayo.
Hindi pa ako nakakapagsalita pero agad na binaba ni Zaldivar ang tawag. Hinayaan ko nalang si Zaldivar at bukas babatukan ko 'yon.
"Is he your boyfriend? Sinagot mo na ba siya" tanong ni Noah.
"Mind your own business," mataray kong sagot. And it's not his business to know what relationship I have with Zaldivar. Kailan pa siya naging tsismoso?
Tipid na tumawa si Noah. "You have a terrible taste in men."
Hindi ko siya pinansin. Lumapit ako kay Noah. Nilagyan ko ng betadine ang cotton balls saka ko ito nilapat sa pasa niya sa may bandang labi.
"f**k! Dahan dahan!" Reklamo niya.
Mas lalo kong diniin ang cotton balls sa pasa niya. Kalalaking tao ang arte arte.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako.
Sa hindi sinasadya napatitig ako sa labi niya. Napalunok ako ng laway. Ilang segundo rin akong nakatutok sa labi niya bago bumalik sa katinuan ang utak ko.
Sa gulat ko binato ko sa kanya ang cotton balls saka lumabas ng kotse.
"What the héll is your problem?"