CHAPTER 18:

1948 Words
"Amelia? Amelia?" Nagising ako nang marinig ko ang boses ni ate Pia mula sa labas ng aking kwarto. Naaalimpungatan pa akong bumangon saka tiningnan ang oras sa aking cellphone. Pasado alas otso na pala. Kadalasan 6:30 AM akong gumigising para marami pa akong magawa sa bahay bago pumasok sa university. Ang sakit tuloy ng ulo ko dahil hindi ako sanay na matirik na ang sikat ng araw kung gumising. "Amelia, kakain na tayo." "Opo ate Pia. Susunod nalang po ako." Sinabi ni ate Pia na mauuna na siya sa baba at sumunod nalang daw ako. Dali dali akong kumilos kasi ayaw kong paghintayin sa hapagkainan si mama at sila ate Pia. Nagpunta ako sa CR at naghilamos. Pagtingin ko sa salamin nagulat ako nang makita kong ang laki ng eye bags ko. Paano naman kasi napuyat ako kagabi at na-stress dahil kay Zaldivar at Noah na nakipagbasag-ulo sa club kagabi. Ni hindi pa pala ako nakapagpalit ng damit. Sakit talaga sa ulo ang dalawang 'yon. Nagpalit ako ng puting t-shirt at maikling maong short. Hindi na ako nagtagal at agad na bumaba. Baka naghihintay na sakin sila ate Pia at mama Emelia. Pagdating ko sa dining room, nagulat ako kasi nakaupo na si Noah. Masamang nakatitig siya sa'kin habang naglalakad ako palapit. Nakangiti naman si Mama Emelia, halatang masaya kasi sumabay sa pagkain si Noah. Sa pagkakatanda ko, dalawang beses palang sumabay si Noah sa pagkain, 'yong una ay nung bumisita si Zaldivar, at ito naman 'yong pangalawa. Siguro nauntog itong ulo ni Noah kaya naisipan niyang sumabay. Magkatabi si ate Pia at kuya Garry. Sa gitna naman si Mama Emelia. No choice ako kaya tumabi ako sa pag-upo kay Noah. "Ang bagal mo! Akala mo maganda." Agad na bungad ni Noah sa'kin pagkaupo ko sa tabi niya. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Ayaw kong patulan ang katulad niyang walang ginawa kundi punain ang lahat ng kilos ko. Akala mo naman kung sinong perpekto. "Sorry po ma, pinaghintay ko kayo." Napakagat ako sa labi dahil sa kaba at sa hiya. "It's okay Amelia. Sigena kumain na tayo." Nagdasal muna si mama Emelia bago kami kumain. Kaunti lang ang kinuha kong kanin kasi parang wala akong gana dahil sa puyat. Anong oras na din kasi kaming nakauwi ni Noah kagabi. "How was the party last night, Amelia? Did you enjoy it?" Natigil ako sa pagsubo sa tanong ni mama. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayaw kong nagsinungaling, pero ayaw ko rin na na mag-alala sila at sabihing nasangkot ako sa gulo kagabi dahil kay Noah at kay Zaldivar. "Opo ma, nag-enjoy po ako. Masaya kasama sila Madhel at ang mga kaibigan niya." Despite being uneasy, I forced a smile para maging kapani-paniwala ang kwento ko. "Oh really?" Noah grinned like he was entertained by my lie. "Were you with your-" Hindi ko na pinatapos si Noah, agad kong isinubo sa kanya ang ham para hindi siya makapagsalita. "Ma, ang sarap po ng luto niyo ngayon. At tyaka sabi po ni Noah, na-miss niya daw ang luto niyong adobo." Agad kong iniba ang kwento para hindi na mahalungkat kung ano ang nangyari kagabi. "What? I don't remember saying anything like-" magrereklamo pa sana si Naoh pero malakas kong inapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa. Nilingon ko si kuya Garry, giving hint to back-up my story. "Di ba po kuya Garry? Sinabi ni Noah na na-miss niya 'yong luto ni mama?" "Ha? Ah oo, sinabi ni Noah na miss niya na po ang luto niyong adobo ma'am Amelia," dugtong ni Kuya Garry sabay kindat. Mama Emelia eyes sparkled with delight, and she chuckled, "Really? Hayaan mo bukas ipagluluto kita ng paborito mong adobo, Noah. I remember when you were seven years old, you used to sneak into the kitchen, trying to steal adobo while I'm cooking." Tumawa si Ate Pia sa kwento ni Mama, parang mayroon din siyang naaala. "At tyaka noong maliit pa si Noah, gustong gusto niya palaging hubo't hubad dahil siya daw si Tarzan." Nasamid ako sa iniinom kung tubig at hindi ko na napigilan na matawa. I just can't imagine Noah being a fan of Tarzan. "What's funny?" masungit na tanong ni Noah sa'kin. "Nothing, Tarzan," pang-aasar ko sa kanya kaya lalong natawa sila ate Pia, mama Emelia at kuya Garry. Pagkatapos naming kumain, hinatid ni kuya Garry si mama sa Makati dahil mayroong meeting ang mga board of directors. Sinabi ko na rin kay kuya Garry na sasakay nalang ako ng bus papunta sa university para hindi na siya bumalik para ihatid ako. Rush hour ngayon kaya baka maiipit lang sa traffic si Kuya Garry. Tinulungan ko muna si ate Pia sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin bago maligo. Si Noah naman, as usual buhay prinsipe, nanood lang ng football sa TV. Pinaakyat na ako ni Ate Pia sa taas para maligo, at siya nalang daw ang maghuhugas baka ma-late ako sa klase ko. May isang oras pa ako bago magsimula ang first subject pero hindi na ako gumamit ng hair dryer para patuyuin ang buhok ko. Agad akong nagsuot ng uniform at nagmamadaling bumaba baka malate ako at kailangan ko pang maghintay ng bus sa may sakayan. "Ate Pia, alis na po ako!" Nasa may pinto na ako nang magpaalam ako kay ate Pia. "Ingat ka Amelia!" Paglabas ko ng bahay, walang dumadaan na tricycle palabas ng village kaya naglakad lakad nalang muna ako, baka may makita rin akong tricycle sa unahan. Naglalakad ako sa gilid ng kalsada ng biglaang may humarorot na kulay blue na kotse. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya muntikan pa akong matumba. "Antipatiko!" Sigaw ko habang palayo na 'yong kotse. Akala mo siya 'yong may-ari ng kalsada. Ang yabang. Balak pa ata akong sagasaan. Umirap nalang ako at ilang ulit na minura sa aking isip 'yong driver ng kotse. Hindi pa nakakalayo nang tuluyan ang kotse nang bigla itong lumiko sa kaliwang lane. Nagsalubong ang kilay ko nang huminto ang kotse sa tapat ko. Siguro narinig niya kanina nang sigawan ko siya ng antipatiko kaya binalikan ako. Napairap ako nang mapagtanto kong isa pala itong Blue ferrari sports car. Kung gaano naging kaganda ng kotse ganon din naging kapangit ng ugali ng may-ari nito. Dahan dahan na bumaba ang bintana ng kotse at mas lalong nagsalubong ang kilay ko. It's Noah. "Bakit nakatunganga ka pa diyan? Sakay na!" "Ayaw ko!" Inirapan ko siya at nagpatuloy ng paglalakad. All this time kotse pala talaga ni Noah 'yong nakatambay sa garahe. Noong tinanong ko kasi si kuya Garry bakit nakalock palagi 'yong isang garahe, sabi niya may sports car don. Hindi ko pa alam n'on may anak na halimaw si ma'am Emelia. Nagtaka pa ako n'on bakit may sports car mukhang hindi naman mahilig sa mga kotse si mama Emelia. Dahan dahan ang takbo ng kotse ni Noah habang sinusundan ako. "Hindi ka maganda kaya tigilan mo ang kaartehan mong 'yan!" "Sa pagkakaalam ko, wala din naman akong sinabi sayo na maganda ako." I rolled my eyes, trying to compose myself. Ayaw kong masira ang buong araw ko dahil lang kay Noah. Tuloy tuloy lang ang lakad ko habang si Noah naman sunod nang sunod pa rin parang langaw nakakairita. "I'm losing my patience Amelia!" Annoyance crept into his voice, but I pretended not to her anything. Kahit mamatay pa siya sa inis wala akong pakialam. "Sasakay ka o sasagasaan kita?" Natigil ako sa paglalakad at masamang binalingan ng tingin si Noah. I was aware with his spoiled behavior and got what he wanted. Pero hindi ko alam na ganito pala kalala. "Stop being immature Noah! Not everything always caters to your whims." Tinalikuran ko siya at agad na umalis. Ubos na ubos na ang pasensya ko kay Noah. Gusto niya palagi siyang masusunod. May nakita akong taxi hindi kalayuan. Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko ito. Tinawag ko 'yong driver ng taxi at mabuti nalang nakita niya ako. Binuksan ko 'yong pinto ng taxi, pero hindi pa ako nakakapasok nang may humila sa braso ko. Paglingon ko, nakita ko si Noah na masamang nakatitig sa'kin. "You're such a headache!" "Teka lang sir! Pasahero ko 'yan!"Agad na reklamo ni manong driver, pero agad siyang inabutan ni Noah ng dalawang libo. Uto uto naman ang driver at natuwa sa kahambogan ni Noah. "Wow! Maraming salamat sir! Sana magkaayos na kaayo ng girlfriend mo!" "Hindi ko siya boyfriend!" Agad kong sagot. Ngumiti naman si Naoh nang makita niya akong apektado sa sinabi ni manong driver. "Sir alis na ako. Wag mo ng pakawalan si Ma'am, bagay pa naman kayo. Anakan mo agad ng lima!" Putangina! Gusto kong masuka sa sinabi ni manong driver. Anakan ng lima? No way! Puro galit lang ang nararamdaman ko kay Noah, walang halong pagnanasa. "Ano ba Noah! Bitiwan mo nga ako!" Sinubukan kong magpumiglas pero hindi niya ako binitiwan. Hinatak niya ako at sapilitan na pinapasok sa loob ng kanyang kotse, katabi ng driver's seat. Muntikan pa akong maipit dahil padabog niyang isinara ang pinto ng sasakyan. "Buckle your seatbelt before I start the car," he reminded, trying to sound patient despite the frustration. "I don't need a lecture on safety coming from you." "It's not a lecture, it's common sense." I crossed my arms and raised an eyebrow. "Whatever!" Nagkusa na akong ikabit ang seatbelt dahil alam kong si Noah ang magkakabit ng seatbelt kung magmamatigas ako. Sa buong biyahe nagcellphone lang ako. Hindi ko kinausap si Noah hanggang sa makarating kami sa Parking lot ng University. Hindi ako nagpasalamat kay Noah at agad na lumabas ng kotse. Sa pagkakaalam ko, hindi ko naman sinabi sa kanya na ihatid ako. Siya itong nagpumilit kaya wala akong obligasyon na magthank you sa kanya. "Walang thank you?" tanong niya nang maibaba ang bintana ng kotse. "You're welcome!" sarkastiko kong sabi. Aalis na sana ako nang mapansin ko ang kotseng paparating. Tumabi ito sa Ferrari ni Noah, at sa hindi ko maiintindihan, parang naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Black Ford Raptor. Kung hindi ako nagkakamali, ito 'yong pangarap na sasakyan ni Kevin at laging bukambibig kay Mama Vivian na bilhan siya ng ganitong kotse. At hindi nga ako nagkamali, bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas mula dito si Kevin. "Ana?" Halata sa mukha niya ang magkahalong gulat at takot nang makita niya ako. Nagbibiruan na lumabas ng sasakyan si Lawrence at Erickson, pero natigil silang dalawa nang makita rin ako. Halos mamutla sa kaba si Erickson dahil alam niya ang ginawa niyang kababoyan sa'kin. Si Lawrence naman hindi na masyadong nagulat dahil una niya na akong nakita sa canteen. "Sabi ko na sa inyo, buhay si Ana," pabulong na sabi ni Lawrence sa dalawa. Napakuyom ako ng kamao at pinigilan ang galit. Parang bumalik sa'kin lahat ng sakit at paghihirap nang makita ko sila. Hindi pwedeng malaman nila na ako si Ana. Hindi pa ngayon ang tamang panahon. "Amelia!" Lumingon ako at laking pasalamat ko nang makita kong palapit sa'kin si Noah. Nakita niyang malapit ng tumulo ang luha ko kaya hinawakan ni Noah ang baywang ko, at hinatak ako palapit sa kanya. "Yes, do you have any problems with my Amelia?" Hindi umimik sila Kevin kaya hinatak ako ni Noah at pinabalik sa loob ng kotse. Pumasok si Noah at mabilis na pinahurorot ang kotse palayo sa San Lorenzo University. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na ngang dumaloy ang luha patungo sa aking pisngi. Sinubukan kong pigilan pero napahagulhol ako sa iyak na parang bata. Napansin kong hininto ni Noah ang kotse sa gilid ng kalsada. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yinakap ng mahigpit kaya mas lalo akong naiyak. "I'm sorry, please stop crying."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD