CHAPTER 19:

1319 Words
"Saan mo gusto magpunta? Do you like ice cream or anything you want?" tanong ni Noah habang nakatuon ang atensyon sa kalsada. Dahan dahan lang ng pagpapatakbo niya, hindi katulad kanina nang hinatid niya ako sa university na kulang na lang paliparin niya ang kotse. "Gusto kong umuwi," tipid kong sagot. Tumango lang si Noah at hindi na nagtanong pa. Sana hindi halata sa mga mata ko na umiyak ako nang umiyak. Siguradong mag-aalala si ate Pia kapag nakita niyang namumugto ang mga mata ko. Nang makarating kami sa bahay, nagtaka ako kasi wala si ate Pia. Hindi ko siya nakita sa garden at sa kusina. Tapos na siyang maggrocery kahapon at nabayaran na rin ang mga bills noong isang araw, kaya sa pagkakaalam ko, wala na siyang ano mang lakad sa labas. "I understand you're going through a tough time." Nilingon ko si Noah nang magsalita siya. "Alam kong ayaw mong malaman nila 'yong nangyari sa'yo ngayon, kaya inutusan ko si ate Pia sa labas." I managed a weak smile. "Thank you." Umakyat na ako sa taas at pagkapasok ko sa kwarto, muling bumuhos ang luha sa aking mga mata. Naiinis ako sa sarili ko kasi nagpapanggap lang pala akong matapang. Ang hina ko pa rin, ni hindi ko kayang harapin ang mga taong may kasalanan sa'kin. Akala ko kaya ko na, 'yon pala natatakot pa rin ako sa bangungot na dinanas ko sa kanila. Hindi ko alam kung ilang oras akong nagkulong sa kwarto. Gusto ko lang mapag-isa. Nagugutom na ako pero gusto kong parusahan ang sarili ko dahil sa pagiging duwag at mahina. "Amelia, can I come in?" Napatingin ako sa orasan nang marinig ko ang boses ni mama Emelia mula sa labas ng kwarto. Mahigit isang oras pa bago mag-alas singko. Sa pagkakaalam ko, alas singko matatapos ang meeting ni mama. Umuwi pala siya ng maaga. "Opo ma, pasok po kayo." Mula sa pagkakahiga, umupo ako sa kama. Pumasok si mama, may hawak na mainit na mangkok ng sopas. "I heard you weren't feeling well. I'd bring you some homemade chicken soup." Mom placed the soup on the bedside table, and sat down beside me. "Do you want to talk about what's bothering you?" Hindi agad ako nakasagot kay mama. Hindi ko mahanap ang tamang salita para sabihin kay mama na nagkita kami ni Kuya Kevin. Ayaw kong mag-alala siya sa'kin. Napakagat ako sa labi para pigilan ang sarili na huwag maluha. Hindi ko alam pero kapag tungkol kay Kuya Kevin ang usapan, bumabalik sa'kin ang trauma. Hinawakan ni mama ang magkabila kong kamay para pakalmahin ako. "It's okay, Amelia. You don't have to tell me right now. Just know that I'm here for you, whenever you're ready." Tumango ako at bahagyang ngumiti. Nawala ang lahat nang pag-aalala ko nang yakapin ako ni mama. Naalala ko na hindi na pala ako ngayon nag-iisa, may mga taong nakasuporta sa'kin. Hindi ko lang nakita n'ong una kasi nilamon ako ng takot. Maaga akong nagising kinabukasan para magpunta sa gym. I didn't like myself these past few days. I felt weak and emotionally drained. Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak. I need some exercise para bumalik ang sigla ko. Hindi pwedeng magmukmok nalang ako sa kwarto. Hinanap ko sa cabinet ang aking black scrunch leggings, pinaresan ko ito ng black racerback sportsbra. Agad na nagsalubong ang kilay ko nang mapansin kong wala sa cabinet ang aking journal. Hindi pwedeng mawala 'yon. Nakasulat don lahat ng mga pangyayari sa'kin, 'yong bangungot, yong sikreto ko bilang si Ana, at 'yong mga pagmumura ko kay Noah. Fúck! The last time I used my journal was a week ago. Pero pinigilan ko ang sarili ko na magpanic. I'll check my locker in University, minsan dinadala ko 'yon baka nandon lang. Hindi ko alam kung saan ang pinakamalapit na gym dito sa village kaya si Zaldivar agad ang naisip ko. Sigurado akong may alam siya kasi nakatira rin siya dito sa village. Kaso nawala 'yong phone number ko kay Zaldivar. Noah blackmailed me the other day. Sabi niya kung hindi ko ipapahiram ang phone ko sa kanya within five minutes, sasabihin niya kay mama ang totoong nangyari sa club. Binigay ko naman sa kanya, and the next thing I knew, he deleted the phone number of Zaldivar from my contacts. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo niya kay Zaldivar. Wala namang ginawa sa kanya ang tao. Bumaba muna ako at nagpunta sa kusina. I needed breakfast to fuel my body. Hindi pwedeng pumunta ako sa gym na walang laman ang tiyan ko, and I think Oatmeal seemed like the perfect choice. After I prepared my oatmeal, pumunta ako sa living room. Nilapag ko nalang muna sa mesa ang oatmeal habang mainit pa. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang aking ínstàgram. Hinanap ko 'yong account ni Zaldivar. Zaldivar_JK 10 posts - 16.2K followers - 28 following Zaldivar was holding cup of coffee in his profile, sa likod niya ay Eiffel tower ng Paris. Nagmessage request ako kay Zaldivar. Sana makita niya agad. AmeliaMadrigal: May alam ka bang gym malapit dito sa village? Good thing mukhang online si Zaldivar at agad na nagreply sa message ko. He followed me kaya nagfollow din ako sa kanya. Zaldivar_JK: Ayieh! You're stalking me huh? Paano mo nalaman ang ínstàgram account ko? Natawa ako sa reply ni Zaldivar. Napakafeeling talaga nitong lalaki. AmeliaMadrigal: I used my sentido common. Ano na? May alam ka bang gym malapit dito sa village o wala? Zaldivar_JK: typing... Habang naghihintay ng reply ni Zaldivar. Sumubo muna ako ng oatmeal. Zaldivar_JK: Of course I knew. Hindi mo ba halata sa mga muscles ko na I go to the gym. AmeliaMadrigal: Then can you send me the exact address? Zaldivar_JK: Nope! Hindi ko sasabihin sayo, unless kasama mo ako. AmeliaMadrigal: typing... Zaldivar_JK: Alam ko hindi ka papayag. Pero wala ka ng magagawa. I was about to reply na ayaw ko siyang kasama mag-gym, pero natigil ako sa pagtitipa sa aking cellphone nang makita ko si Noah na salubong ang kilay habang umiinom ng tubig. Ang sama pa ng titig sa'kin akala mo may utang ako sa kanyang sampung libo. Lumapit siya sa'kin at umupo sa katabing sofa. "Seems you're busy huh?" He sarcastically asked, grinning. Binaba ko ang aking cellphone. Alam ko na kapag kaharap ko si Noah, lahat ng gagawin ko ay mali para sa kanya. "Hindi naman masyado," sarkastiko ko rin siyang sinagot sa tanong niya. "I didn't know that you were a skilled multitasker. Akalain mo, kaya mo palang pagsabayin ang kumain at makipaglandian." Napakuyom ako ng kamao. Sinubukan kong pigilan ang inis ko. Hindi dapat ako magpaapekto sa sasabihin ni Noah. Dapat sanay na ako. Kinuha ko nalang ang oatmeal ko at pumunta sa kusina para doon kumain. Binuksan ko ulit ang ínstàgram at nabasa ko sa message ni Zaldivar na susunduin niya ako dito sa bahay at papunta na siya. Nagmamadali kong inubos ang oatmeal ko kasi mag-aabang nalang ako sa kanya sa labas ng bahay. Hindi siya pwedeng pumasok dito sa loob ng bahay dahil nandito rin si Naoh. Baka kung ano pa ang mangyari. Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa taas para magsuot ng sneakers. Hinanda ko rin sa aking black duffel bag ang towel at tubig. Nagdala rin ako ng extra white shirt. Pagbaba ko, napansin kong wala na si Naoh sa sofa, pero 'yong TV bukas pa rin at basketball ang palabas. Lumabas na ako ng bahay at naghintay kay Zaldivar sa labas ng gate. Ilang minuto lang dumating rin si Zaldivar. Pumasok ako sa kotse niya, and as usual, sinalubong na naman niya ako ng kahambogan niya. “Siguro kaya gusto mo mag-gym kasi nalaman mong type ko 'yong mga babaeng mahilig sa gym.” “Asa ka. Pakialam ko kung anong type mo sa mga babae.” Tumawa lang si Zaldivar na para bang sanay na siya sa kasungitan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD