Habang nasa biyahe panay kwento lang si Zaldivar. Ako naman busy sa cellphone dahil kausap ko sa chat si Madhel. Siguro nasa tatlong kilometro lang ang layo nang makarating kami ni Zaldivar sa Gym. Pagpasok namin sa loob, may lumapit agad na lalaki kay Zaldivar. Pinakilala ako ni Zaldivar sa lalaki at nalaman kong siya pala ang may-ari ng gym. Pagkatapos nilang mag-usap. Tinuro sa'kin ni Zaldivar kung saan ang gym locker room para ilagay ang dala kong bag. Siya naman agad na nagpunta sa treadmill at tumabi don sa babaeng maganda at malaki ang pwét. Napailing nalang ako kasi babaero talaga itong si Zaldivar. Napansin ko naman ang ibang lalaki na panay sulyap sa'kin. Siguro nanibago sila sa mukha ko kasi ito ang unang punta ko dito. Nagpunta na ako sa gym locker room. Hindi ko pa nga n

