CHAPTER 6:

1365 Words
At dahil sa nangyaring gulo, pinatawag kami sa Guidance office. Panay drama 'yong grupo ni Shaina. Ako daw ang nag-umpisa ng gulo at kung anu-ano pa. May paiyak iyak pa silang nalalaman. Ayaw kong sayangin ang laway ko kaya hindi ko na pinaliwanag ang side ko. And besides kahit anong ibigay kong rason, walang mangyayari. Our Guidance Counselor is the mother of Shaina's friend. To make the story short, I'm the one who received the disciplinary actions. I was subject to discipline for conduct constituting a violation. I was suspended for 2 days. Kailangan ko rin maglinis sa buong campus for 2 hours na tatagal ng isang linggo. Hindi ako nagreklamo. Maliit lang 'yon na parusa kumpara sa mga pinagdaanan ko sa nakalipas na dalawang taon. Lumabas kami ng Guidance Office na may ngiting tagumpay ang grupo ni Shiana. "Serves you right! You got what you deserved!" Inirapan ako ni Shaina. Natawa lang ako. What a childish. Nagyayabang na naman siya. "Let's go girls. Puntahan natin si Roxan sa clinic." Inirapan nila ako bago sila umalis. Hindi na pinatawag si Roxan sa Guidance office, pinapunta agad siya sa Clinic dahil parang namaga daw ata yong mukha dahil sa pagkakahampas ko ng tray. Sa susunod na guluhin ulit nila ako, hindi na tray ang ihahampas ko. Good thing napakiusapan ko 'yong guidance counselor na hindi na ipatawag ang parents ko. Pumayag naman siya na hindi dalhin ang mama ko pero bilang kapalit, maglilinis ako sa campus ng isang linggo. Wala kasi akong plano na ipaalam kay mama ang nangyaring gulo. Ayaw kong mag-alala si mama Emelia at nakakahiya kasi kabago bago ko palang sa paaralan, nasangkot agad ako sa gulo. Pagkatapos ng klase ko, umuwi agad ako. Niyaya ako ng seatmate ko na gumala sa mall pero sabi ko sa kanya sa susunod nalang kasi masama ang pakiramdam ko. "Are you okay?" Mama Emelia looks worried. Magkausap kami through Video call dahil nasa Manhattan pa rin siya. Nagtaka naman ako kasi bakit 'yon ang unang tanong ni mama. Siguro nahalata niya sa mukha ko na parang pagod ako. "Opo naman ma, ayos lang po ako." Ngumiti pa ako para makumbensi si mama na ayos lang talaga ako. "Eyes don't lie, Amelia. At kahit hindi mo sabihin sa'kin, alam ko 'yong nangyari. I received a call from Mr. Lorenzo." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Po? Si Mr. Alejandro Lorenzo? Yong may-ari ng San Lorenzo University." Napalunok ako ng laway. Akala ko ba sumunod sa usapan namin 'yong Guidance Counselor na hindi na kailangan malaman ng aking guardian na nasangkot ako sa gulo. Bakit hindi ko naisip na sa personal information ng bawat estudyante, nandon 'yong contact number ng guardian or ng parents. Pero napaisip ako bakit naman ang may-ari ng university ang tumawag kay mama. Bakit hindi yong guidance counselor or staff ng university. "Yes, tumawag sa'kin si Alejandro. He's a good friend of mine kaya wag ka ng magtaka kung bakit siya tumawag sa'kin. She knows about you, Amelia." Hindi lang pala si mama, ate Pia at kuya Garry ang may alam sa pagkatao ko, pati pala ang may-ari ng university na si Mr. Alejandro. "Alam niya na ikaw si Ana. I need to tell him the truth para mas mapadali ang pagpasok mo sa San Lorenzo University. Others documents are complicated to process that's why I asked him for help. At kanina tumawag siya sa'kin, he said you were suspended and received a disciplinary actions." "I'm sorry ma. Naubos po kasi 'yong pasensya ko sa grupo nila Shiana kanina." "I understand. Sabihin mo sa'kin kung anong gusto mong gawin sa mga nanakit sayo. Mr. Lorenzo said I can call him anytime if ever I have request." "Wag na po ma. At tyaka di naman po masyadong mahirap 'yong disciplinary action nila sa'kin." "Okay, you said so. But please take care of yourself since nasa iisang paaralan lang kayo ng kapatid mo." "Opo ma." "Okay. Good night Amelia. I'm proud of you by the way." Napangiti ako nang marinig ko 'yong sinabi ni mama na proud siya sa'kin. Naggood night rin ako kay mama saka natapos ang video call. Almost 3 years na kaming magkasama ni mama Emelia. Wala siyang nakwento sa'kin tungkol sa buhay niya. I don't know if she has a husband or kung may anak siya. Nahihiya din kasi akong magtanong baka 'yong tanong out of line na. Pero sa dalawang taon na 'yon, wala namang dumadalaw kay mama na kamag-anak niya. Minsan nga sa birthday niya kami lang nila ate Pia at kuya Garry ang nagce-celebrate. I don't know if she's a happy but I always prayed everyday for her happiness. Di ko pa kasi nakikitang nakangiti si mama Emelia. She's always busy on business. Wala din naman nakukwento sa'kin sila Kuya Garry at ate Pia tungkol kay mama Emelia. But maybe in the right time, sasabihin sa'kin ni mama Emelia. KINABUKASAN, maaga akong nagising para tulungan si ate Pia sa pagluluto at sa mga gawaing bahay. Kagagaling lang kasi sa sakit ni ate Pia kaya ayaw ko siyang masyadong mapagod. Sabay kaming kumain tatlo. Pagkatapos, hinatid rin ako ni kuya Garry sa University. And as part of my disciplinary actions, naglinis ako ng Comfort Room. Sinabi rin sa akin ng Guidance Counselor kanina na hindi na daw matutuloy 'yong 2 days suspended ko. At yong isang linggo na paglilinis ko 3 days na lang daw. Siguro kinausap ni mama si Mr. Alejandro. At habang naglilinis ako ng comfort room, panay naman ang pangbubwesit sa'kin ng grupo ni Shaina. Hinabaan ko nalang ang pasensya ko baka madagdagan ang disciplinary actions. "Oh perfect!" Tuwang tuwa sila Shiana at grupo niya habang nakaharap sa salamin ng CR. Pinuno nila ng lips kiss ang salamin. Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa inis. Kakapunas ko pa lang ng salamin kanina pero nang lumabas ako sa isang cubicle toilet ang dumi na naman ng salamin, pinuno ng mga nguso nilang pulang pula ng lipstick. Napansin kong di pa rin nila kasama si Roxan. Mukhang malala nga talaga 'yong pagkakahampas ko ng tray sa mukha niya. "Excuse me!" Sumigaw ako kaya dali dali silang nagsitabi. Nilublob ko sa timba ang maduming mop at 'yon ang ginamit ko pangpunas sa salamin na puno ng nguso nila. "Seriously? She's used the mop?" "What the! So gróss!" "Gosh! Hinalikan na'tin 'yong salamin while she's using the mop for cleaning!" "Nakakainis ka! Bruha ka talaga!" Inirapan ko sila at umalis ng comfort room. Sila naman sukang suka dahil nakita nilang mop ang ginamit kong pangpunas sa salamin na hinalik halikan nila. Tapos na akong maglinis kaya kinuha ko sa locker ang mga gamit ko para sa susunod kong klase. Pabalik na ako sa classroom ko para sa History subject ko nang biglang may humila sa braso ko. "What the f**k Ga---" Agad kong pnigilan ko ang bibig ko na banggitin ang pangalan niya. Baka magduda siya na kilala ko agad ang pangalan niya kahit bago palang ako sa university. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako? Sino ka ba ha?" Singhal ko kay Gabriel habang sinusubakan kong magpumiglas. Though I know who he is, I need to pretend for my safety. Tinitigan niya ako sa mga mata habang sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. "I know it's you, Ana!" "You too? You're calling me Ana? Seriously? What's with Ana? why you and those bítches keep calling me Ana? Anong mayron sa kanya? Are you an illiterate para di mo mabasa sa name cloth ko ang pangalan na Amelia Madrigal?" Nagpumiglas ako para mabitiwan niya pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. "Ano ba! Bitiwan mo ako sabi!" Kinabahan ako nang biglang hinawi ni Gabriel ang buhok ko para tingnan 'yong birthmark ko sa likod. Alam niyang mayron birthmark si Ana dahil madalas niya akong yakapin sa likuran noon. Handa na akong tapakan ang paa ni Gabriel para hindi niya makita ang likod ko, pero natigil si Gabriel nang biglang sumulpot ang isang lalaki. "Hey Mr. President!" Naglakad palapit sa'min ang lalaki habang nasa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon ang dalawa niyang kamay. Matangkad siya, probably six feet. His expression was empty while staring Gabriel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD