CHAPTER 7:

1509 Words
"Anong kailangan mo?" tanong ni Gabriel sa lalaki. "Nothing. But it seems you're harassing my girl?" the man said casually . Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ng lalaki na babae niya ako. "Stay out of my business Zaldivar. May importante kaming pag-uusapan." Zaldivar? Napaisip ako. Oh shít! Siya 'yong lalaking katabi ko sa math na palaging tulog sa klase. I don't have an idea na ganito pala ang itsura ng lalaking katabi ko. Paano naman kasi palaging tulog habang may nakatakip na libro sa mukha. I'm curious if he's not a pure Filipino? Though I don't want to ask for help from this sleepyhead. Wala akong choice kaya umiling iling ako, giving hint to Zaldivar na wala kaming dapat pag-usapan ni Gabriel. "Is that true, miss?" Zaldivar asked politely. Mukhang nakuha niya 'yong hint ko nang umiling ako. Mali pala 'yong first impression ko sa lalaking ito na gwapo lang pero bobo. Medyo gumagana din pala utak niya. "Wala. Wala kaming dapat pag-usapan. We don't know each other," agad na sagot ko na kinainis ni Gabriel kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Napadaing ako kasi halos bumaon sa balat ko ang kuko niya. "You heard that president? Sabi niya wala kayong pag-uusapan. Now, bitiwan mo na siya." Kalmado ang boses ni Zaldivar pero 'yong titig niya kay Gabriel may halong pagbabanta. Hindi pa rin ako binibitiwan ni Gabriel kaya ngumiti si Zaldivar, 'yong ngiti niya parang nagbibigay babala. "Bitiwan mo siya. Or else..." 'Yong ngiti ni Zaldivar biglang napalitan ng seryosong mukha. Binitiwan ako ni Gabriel. Naglakad siya palapit kay Zaldivar at nagtitigan sila na para bang gusto nilang saksakin ang isa't isa. Umalis si Gabriel na may sama ng loob dahil hindi niya nakumpirma na ako si Ana. Good thing dumating itong si sleepyhead. Magpapasalamat pa sana ako kay Zaldivar pero nakita kong naglalakad na siya palayo. Sumunod na lang din ako sa kanya kasi pareho naman kaming papunta sa Room 125 for our history class. I stay fucos habang nagdi-discuss si Prof. Lopez. Pero hindi ko maiwasan na magsalubong ang kilay dahil ako fucos na fucos na makinig, pero itong katabi kong si Mr. Zaldivar mukhang ang sarap ng pagkakatulog. Call boy ba siya sa gabi kaya palaging naaantok sa klase. Sir Lopez is not an ordinary professor. Hahayaan ka niyang gawin ang gusto mo sa klase niya, like matulog, magsoundtrip using an earphone, gumamit ng cellphone. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo pero di ka pwedeng maging maingay. For him, it depends on his students how he or she managed studies. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo sa klase niya pero di ka pwedeng magreklamo kung mababa ang grades na binigay niya. Sabi ng seniors marami ang hindi nakapag-graduate last batch dahil masyado silang naging kampante sa subject ni Mr. Lopez. Tinitigan ko ang natutulog na si Zaldivar. Malapit ng matapos ang discussion pero di pa rin nagigising ang mokong. Sa tingin ko hindi talaga pure filipino itong si Zaldivar kasi ang tangos ng ilong niya. 'Yong pilik mata niya ang unfair kasi ang haba. At 'yong lips niya-wait! bakit nakatitig ako sa lips niya? "Baka ma-inlove ka niyan?" Nàpamura ako nang biglang magsalita si Zaldivar. Agad akong umiwas ng tingin. f**k!Paano niya nalaman na nakatitig ako sa mukha niya? IT'S SUNDAY. Walang pasok kaya di kami magkikita ng mayabang na si Zaldivar. It's unreasonable to conclude that the person likes you dahil nahuli mong nakatitig sayo. At 'yong titig ko sa kanya walang halong pagnanasa, it's pure hatred. Pumunta ako sa kusina para magtempla ng gatas. I do love coffee but since I have anxiety, pinagbawalan ako dahil lumalala ang palpitations ko. Ako lang mag-isa sa bahay. Mamaya pa mga 10:30 AM makakauwi si kuya Garry at ate Pia. Pagkatapos kasi nilang magsimba pupunta sila sa palengke para bumili ng mga kailangan sa bahay. Minsan sumasama ako sa kanila magsimba. Napuyat kasi ako kagabi sa studies ko kaya di ako nagising ng maaga para makasama sa kanila. Painom ako nang tinempla kong gatas nang may kumatok sa main door. Nagtaka ako kasi paano may nakapasok sa gate eh automated voice recognition 'yong gate. Makakapasok lang sa gate 'yong nakaregister na boses. It's Ate Pia, Kuya Garry, ako at si mama Emelia 'yong nakaregister sa automated voice recognition. I'm sure it's not ate Pia and kuya Garry kasi may susi sila ng main door kaya di na nila kailangan kumatok pa ng pinto para makapasok. Maybe it's mama Emelia? Di ata natuloy 'yong pag-extend niya ng ilang weeks sa Manhattan. Excited akong lumapit sa pinto bitbit ang glass of milk ko. Binuksan ko ang pinto. "What the f**k are you doing here?" Naibuga ko sa mukha niya yong gatas sa aking bibig dahil sa gulat. "How dare you spilled milk on my face? You úgly?" Agad kong sinara ang pinto sa harap ng lalaki. What the f**k? Who is he? Kinabahan ako bigla. Baka magnanakaw siya. Pero tanginang magnanakaw english speaking? Agad napuno ng katok at mura galing sa pinto. "Stúpid! Open the door! Don't you know me huh? I'll really kíll you! You stúpid!" Agad akong umakyat sa taas at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Ate Pia at Kuya Garry. "Ate Pia! Bumalik na kayo please. May nakapasok na magnànakaw. He said he'll kill me!" "Amelia magtago ka sa kwarto mo. Wag kang lalabas. Babalik na kami ng kuya Garry mo!" Ate Pia panicked. Sinunod ko si Ate Pia. Nilock ko 'yong pinto ng kwarto ko at nagtago sa ilalim ng kama. Sinubukan kong tawagan si Mama Emelia pero voice mail lang 'yong natanggap ko, nasa meeting pa ata siya. Panay dasal ako kasi paano kung nakawin ng lalaki 'yong paboritong flower vase ni mama Emelia na nabili niya sa auction sa Italy. Sobrang mahal pa naman nun. Mahigit 30 minutes ang lumipas nang marinig ko ang katok sa aking pinto. Hinigpitan ko ang hawak ko sa baseball bat kung sakaling pumasok ang magnanakaw. "Amelia? Amelia si ate Pia mo 'to. Buksan mo na 'yong pinto!" I sigh in relief nang marinig ko ang boses ni ate Pia. Dumating na si Ate Pia at Kuya Garry. Baka may kasama silang Police kaya nahuli na 'yong magnanakaw. Dali dali kong binuksan ang pinto at agad akong napayakap kay ate Pia. "Ate Pia mabuti nalang walang nangyaring masama sa inyo. Nahuli na po ba 'yong magnanakaw?" Tumango si ate Pia. "Tara bumaba na tayo sa sala, Amelia." Ngumiti si ate. 'Yong ngiti niya para bang nagpapahiwatig na ayos na ang lahat at wala na akong dapat ipag-alala. Sabay kaming bumaba ni ate Pia. Siguro nasa baba na 'yong mga Police at naghihintay para magbigay ako ng statement tungkol sa magnanakaw. Pababa kami ng hagdan nang mapansin kong parang tahimik. And my guts telling me that there's something unusual. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko 'yong lalaki kanina. Hindi siya hinuli? At wala ring mga police? The man glared at me. Katabi niya si kuya Garry na may kausap sa cellphone. Shít. Naguguluhan ako. Lumapit sa'kin si Kuya Garry at inabot niya sa'kin ang cellphone. "Gusto kang kausapin ni Ma'am Emelia." Inabot ni kuya Garry ang cellphone. Ngumiti si Kuya Garry, like he was telling me it's okay. "Hello po ma?" "Amelia, wag kang maguguluhan, okay? I'll explain everything. Sabihin mo kay kuya Garry mo gusto ko siyang makausap ulit." Binigay ko kay kuya Garry ang cellphone. Nag-usap sila sandali ni mama Emelia. Pagkatapos binigay ni kuya Garry 'yong cellphone sa lalaking magnanakaw. "Mom! Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito!" Mom? Tinawag niyang mom si mama Emelia? Di ko na napigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko maiiyak na ako. Anak siya ni mama Emelia? I know wala akong karapatan magtampo. And I even told myself before na dapat ready ako kung ano man ang malaman ko tungkol kay mama Emelia. Pero di ko ata nasabi sa sarili ko na dapat di ako masaktan kung ano man ang malaman ko. It's hurting me. "Mom you lied to me! Sabi mo tutulungan mo lang siya kasi ikaw ang nakabangga! Bakit nandito pa rin ang báliw na to sa bahay? And how dáre her to shut the door in front of my face. Did you know that she even split her milk in my face? It's so gróss and disgusting! Palayasin niyo ang babaeng ito! I don't want her!" Napakuyom ang kamao ko. Sunod sunod na pumatak ang luha. How dare him call me baliw. Di niya alam pinagdaanan ko. "What? Inampon mo siya?" Tinitigan ako ng masama ng lalaki. "No! Hindi ko siya matatanggap na kapatid! Wala akong kapatid na galing sa méntal hóspital!" Pakiramdam ko sasabog na ako kaya agad akong tumakbo papunta sa taas ng kwarto. Narinig ko ang pagtawag sa'kin ni kuya Garry at ate Pia pero di na ako lumingon. Ni-lock ko ang kwarto. At di ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulhol na ako. Di ko rin siya matatanggap na kapatid. I have traúma of having a brother. I hàte him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD