Umiiyak kong kinuha ang damit ko pagkatapos ng pangbàbaboy sa'kin.
"Oh my god! Ana!" Biglang bumungad sa may pinto si Kathy. Agad niya akong nilapitan at tinulungan na maisuot ang damit ko.
"Shít !Did those idíots do this to you?"
Wala akong maisagot kundi puro iyak nalang. Dinala ako ni Kathy sa condo niya para pakalmahin ako pero umiyak lang ako nang umiyak hanggang kinaumagahan.
6:00 AM, nagpahatid ako kay Kathy sa bahay para sabihin kay mama ang totoo.
"Ma! Please believe me! Ginàhasa po ako ni kuya Kevin!"
"How dare you!"
Nanlaki ang mga mata ko nang sampalin ako ni mama.
"Ma? Di po ba kayo naniniwala sa'kin?"
"Ang lakas ng loob mo para pagbintangan si Kevin! Ikaw itong inumaga na ng uwi dahil sa kalandián mo at ngayon pagbibintangan mo pa talaga si Kevin?"
Nakita kong pababa si Shaina ng hagdan galing sa taas. "Ang ingay naman oh! Di niyo ba alam natutulog pa ako? Ma ano bang nangyayari?"
Sa likod ni Shaina nakita ko rin ang walang hiyang si Kevin na blankong nakatingin sa'kin at para bang wala lang nangyari.
Pinunasan ko ang mukha kong basang basa na ng luha at humarap kay mama.
"Ma, maniwala po kayo sa'kin. Kevin raped me!"
"Shut up! Lumayas ka sa pamamahay ko! Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo dito!" Hinawakan ni mama ang buhok ko at hínila palabas ng pinto.
"Pe-pero ma? Maniwala po kayo sa'kin please!" Lumuhod ako at hinawakan ang paa ni mama.
"Wag mo akong matawag tawag na mama! Hindi kita anak kaya lumayas ka na dito!"
Pinunasan ko ang luha ko habang naglalakad. Hindi pa rin marehistro sa isip ko 'yong sinabi ni mama na hindi niya ako anak.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. 'Yong cellphone ko naiwan ko sa bahay. Wala rin akong kilalang kamag-anak na pwede kong mahingian ng tulong.
Dinala ako ng mga paa ko sa plaza kung saan madalas akong dalhin ni papa nung 7 years old pa ako.
Mas lalo akong naiyak nang maalala ko muli si papa. Namátay si papa sa isang car accídént. May mga nangyaring imbestigasyon. Pero isinara ng korte ang kaso dahil wala daw matagpuan na ibidensya.
Naupo ako sa isang bench. Wala pa rin tigil 'yong mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Blanko pa rin 'yong utak ko.
Hanggang ngayon, di pa rin marehistro sa utak ko 'yong sinabi ni mama na hindi niya ako anak.
Pero paano?
May mga pictures naman kami ni Shaina na sabay kaming lumaki.
"Ana?"
Lumingon ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Manong Ben?" Humaguhol ako ng iyak nang makita siya. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.
Umaambon kaya sumilong kami sa kotse.
May binigay sa'kin si Manong Ben na isang picture ng isang babae at may karga kargang isang sanggol.
"Siya ang tunay mong mama, Ana, si Ma'am Janice."
Hindi ako nakapagsalita. Tiningnan ko ng mabuti ang picture. Hawig 'yong ilong namin at labi. Pero naguguluhan pa rin ako. Ang kilala kong mama ay si mama Vivian.
"Sobrang saya ni Ma'am Janice at ng papa mo nang maisilang ka. Driver na ako ni Ma'am Janice nung estudyante palang siya. Nang manganak siya, kinuha niya ulit akong driver para ako daw ang driver mo kapag nag-aral ka na. Marami ang plano ng mama at papa mo para sayo. Kaso biglang nagbago ang lahat ng mawala si ma'am Janice nung walong buwan ka pa lang dahil sa sakit niyang Cancer."
"Si ma'am Vivian naman ay secretary ng papa mo. Matagal niyang gusto si sir Dave. Nasa ibang bansa ang mama mo nun dahil may inaasikaso kaya ginamit ni ma'am Vivian ang pagkakataon na 'yon para maagaw si sir Dave. Nilasing ni ma'am Vivian si sir Dave kaya may nangyari sa kanilang dalawa. At naging bunga nila si Shaina."
"Inamin ni Sir Dave kay ma'am Janice na nabuntis niya ang secretary niya. Nagpaliwanag siya kung bakit niya nagawa 'yon at nangakong hindi niya na uulitin. Pinatawad ni Ma'am Janice si Sir Dave at nagdesisyon silang magpakasal. Pero di naman nagkulang ng pinansyal na suporta ang papa mo habang pinagbubuntis ni Ma'am Vivian si Shaina."
"One year old na si Shaina nang pinagbuntis ka ni Ma'am Janice. Si Kevin naman, hindi mo siya kapatid. Anak siya ni ma'am Vivian sa una nitong kinakasama. Nang mawala si ma'am Janice, gumawa ulit ng paraan si ma'am Vivian para mapasakanya si sir Dave. Dahil sa labis na pangungulila ni sir Dave kay Ma'am Janice, nahulog ang loob niya kay ma'am Vivian."
Kaya ba ganon nalang kadali para kay Kevin babúyin ako kasi alam niyang hindi niya ako tunay na kapatid.
Natapos ang pag-uusap namin ni Mang Ben nang tumawag sa kanya si mama Vivian, hinahanap siya kasi magpapasundo na ito galing sa office.
Ayaw pang umalis ni Mang Ben kasi gusto pa niya akong tulungan. Pero sinabi ko kay Mang Ben na umalis na kasi baka magalit sa kanya si mama Vivian pag nalaman niyang nakipagkita siya sa 'kin at baka tanggalin siya sa trabaho. Kawawa naman si Mang Ben kapag natanggal sa trabaho nang dahil lang sa'kin. May tatlo pa naman siyang anak na nag-aaral.
Bago umalis si Mang Ben, binigay niya sa'kin ang shoulder bag ko. Sabi niya palihim niyang kinuha ang bag ko sa kwarto.
Nagpasalamat ako kay Mang Ben kasi nasa bag ko 'yong iilang mga importanteng gamit ko, 'yong ATM card na bigay sa 'kin ni papa at 'yong duplicate key ng condo ng boyfriend kong si Gabriel.
Dalawang araw na ang lumipas nang palayasin ako ni mama Vivian. Wala akong bitbit na gamit maliban sa shoulder bag na palihim na binigay sa'kin ni Manong Ben.
Lugmok akong naupo sa labas ng 7/11. Pakiramdam ko ako na ang pinakamalas na tao ngayon.
Dalawang gabi na rin akong sa mumurahing hotel natutulog. May 3,500 sa bag ko kaya 'yon ang pinambayad ko sa hotel at binili ko ng underwear at mumurahing damit.
Pinunasan ko ang pisngi kong basa na ng luha. Nagpunta ako kanina sa BDO para makapagwithdraw pero walang lumalabas na pera. Nagtanong ako sa loob at don ko nalaman na nakafreeze na 'yong account. Nanghiram ako ng cellphone sa di ko kilalang tao para tawagan 'yong family attorney namin bakit nakafreeze 'yong bank account ko pero di niya sinasagot ang tawag.
May naiwan na 100 pesos sa bag ko kaya binili ko ng burger 'yong 50 pesos kasi gutom na gutom na ako, at 'yong 50 pesos naman pinamasahe ko papunta sa condo ni Gabriel.
Baka nakabalik na si Gabriel galing Baguio. Magpaalam siya sa'kin last week na may family reunion daw sila sa Baguio kaya ilang days daw siyang wala sa condo.
Sakto naman na pagdating ko sa condo, naabutan ko si Manang Helen na naglilinis. Katulong siya ng pamilya nila Gabriel sa Cavite. Every saturday nagpupunta siya dito para maglinis sa buong condo ni Gabriel.
"Manang Helen, tulungan ko na po kayo." Nilapitan ko si Manang Helen na nagvavacuum.
Hindi ito ang unang beses na pagkikita namin ni Manang Helen. Madalas ako dito sa condo ni Gabriel kaya kilala na namin ang isa't isa.
"Ayos lang Ana, kaya ko na 'to. Malapit na naman akong matapos."
"Si Gabriel po? Nakabalik na po ba?"
"Oo dumating siya nung sunday ng hapon. Kaso umalis siya kanina kasi may meeting daw 'yong mga student council. Pero sabi niya babalik daw siya mga 11:30 para kumain. Nagrequest kasi sa'kin kanina. Ipagluto ko daw siya ng kare-kare."
"Ako nalang po magluluto Manang Helen." Di na sakin bago na ipagluto si Gabriel ng paborito niyang Kare-kare. Kapag nagyayaya sa'kin si Gabriel na sa Condo niya kami sabay na mag-aaral. Palagi ko siyang pinagluluto ng mga cravings niya at mga paborito niya.
Gabriel is kind and gentleman. Minsan naririnig ko sa tsismis sa university na playboy daw ang boyfriend ko di ko lang daw nahuhuli sa akto. But I know he's not. Sabi sa'kin ni Gabriel nagbago na siya, na ako ang gusto niyang makasama. At ni minsan, hindi hiningi ni Gabriel ang p********e ko. Sabi niya maghihintay siya sa'kin hanggang sa ikasal kami. He's the standard I'm looking for.
Malapit ko nang matapos ang niluluto kong kare kare nang magpaalam sakin si Manang Helen na aalis na siya.
Niyaya ko pa siyang kumain muna pero may dadaanan pa daw siya sa bahay ng apo niya sa Quezon City, baka matraffic daw siya. Sabihin ko nalang daw kay Gabriel na nauna na siyang umalis.
Kakatapos ko lang maihanda 'yong kare-kare nang biglang tumunog ang doorbell.
Hindi ko na binuksan ang pinto para pagpasok ni Gabriel ma-surprise siya na nandito ako. Palagi ko 'yong ginagawa. Simula ng ibigay niya sa'kin ang duplicate key ng condo niya, I surprised him randomly like hindi ko sinasabi sa kanya na pupuntahan ko siya sa Condo niya. Natutuwa naman siya pag ginagawa ko 'yon.
Bumukas ang pinto at ako ang nasurpesa nang makita ko si Gabriel.
Mahigpit na nakayakap si Gabriel sa beywang ng kapatid kong si Shaina. And he was súcking the boobs of my sister.
"Shaina! Seems I want to éat you right now."
"Ugh shít! I like it Gabriel! Súck it harder!"
Pakiramdam ko nawala ang buo kong lakas.
Sunod sunod na pumatak ang luha ko.
They fúcking betrayed me.
Nabitiwan ko 'yong hawak kung kutsara dahilan para matigil silang dalawa at napatingin sa'kin.
"Oh shít! Ana?" Agad na binitawan ni Gabriel si Shaina nang makita ako.
Halata sa mukha ni Gabriel ang pagkagulat nang makita ako. Si Shaina naman nginitian ako na para bang pinagmamalaki niya na siya ang nanalo at ako ang talo.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong manampal. Gusto kong magmura.
Lahat ng galit ko dinaan ko nalang sa iyak.
Tumakbo ako palabas.
Hinabol ako ni Gabriel hanggang sa baba ng building pero hindi na siya lumabas dahil sa lakas ng pagbuhos ng ulan.
Sumuong ako sa ulan at nagpatuloy sa pagtakbo.
Bakit ang daya ng mundo. May nagawa ba akong kasalanan bakit nangyayari 'to sa'kin ngayon.
Natigil ako sa pagtakbo nang marinig ko ang malakas na bosena ng kotse na humaharorot palapit sa'kin.
Napainda ako nang tumilapon ako dahil sa lakas ng impact ng pagbangga ng kotse.
Nakita ko ang isang lalaki at babaeng bumaba ng kotse at nagmamadaling lumapit sa'kin.
"Oh God! She's bleeding Garry! Dalhin natin siya sa hospital! Bilis!"
Unti unting lumabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na ngang nilamon ng kadiliman ang buong paligid.
I wish I would die today.