MARIANNE “Hindi ko talaga puwe–” “Sasabihin mo o papasabugin ko ang ulo mo?” tanong ko sa kanya na halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil inilabas ko na ang dala kong baril at itinutok ko ito sa ulo niya. May binigay kasi sa akin si Libby na baril kanina. Wala kasi akong dala lalo na nagmamadali ako. “Saan mo nakuha ang baril na ‘yan?” tanong niya sa akin. “Hindi mo kailangan na malaman. Ang tinatanong ko sa ‘yo ang dapat mong sagutin. Ano ang resulta ng laboratory ni Anica? Hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo. Kaya sagutin mo na ang tanong ko.” “Hindi ko nga puwedeng–” Kinasa ko ang baril na hawak ko para malaman niya na hindi ako nakikipagbiruan sa kanya. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ay wala akong ibang choice kundi gawin sa kanya ang ayaw kong gawin sana. “Sasabihin mo na ba

