MARIANNE Ilang minuto rin akong naghintay kay Libby dito sa may banyo. Alam ko na parating na siya. Hindi ko alam kung ano ba ang nalaman niya na hindi na niya kayang maghintay pa hanggang bukas. May kakaiba akong nararamdaman sa ngayon. Pagkarating niya ay kaagad kaming pumasok na dalawa dito sa loob ng banyo. “Oh my gosh, pretty! Hindi ka maniniwala sa nalaman ko,” sabi niya sa akin habang nilalabas ang tablet niya sa bag niya. “Ano ba ang nalaman mo?” kalmado na tanong ko sa kanya. “Nakakainis naman, ang hina naman ng signal dito.” sabi niya na halatang naiinis habang nagbubukas ng files niya. “Kalma ka lang,” sabi ko sa kanya dahil baka bigla niyang ibato ang gamit niya. May times talaga na may ugali siya na kakaiba lalo na kapag naiinip siya. “Naku, kapag nakita mo ito ay baka m

