MARIANNE “Sinabi ko na sa ‘yo na wala akong alam at papatunayan ko sa ‘yo. Malaman ko lang na isa ka rin sa sangkot doon ay humanda ka sa akin.” “Ako pa talaga ang tinatakot mo. Dapat nga ikaw ang matakot sa akin dahil sa mga alam ko tungkol sa ‘yo.” “You know what, Yanne. Your ninong is the–” “I’m not interested, wala akong pakialam.” putol ko sa sasabihin niya. “Okay, sabi mo eh.” nakangisi na sabi niya sa akin. “Alam mo hindi naman talaga kayo bagay na dalawa. At ano kaya ang magiging reaksyon ng mga anak ko kapag nalaman nila na ikaw lang pala ang gusto ng daddy nila? Sa tingin niyo ba ay tatanggapin nila? Lalo na si Anica?” “Tanggapin man niya o hindi ay wala siyang magagawa pa. Alam mo ikaw ang magmove-on na. Kasi kahit kailan ay hindi na kita babalikan pa. Hindi ko na babalik

