MARIANNE “Can you open the door?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya pero hindi man lang siya sumagot kaya naman binuksan ko na ang pintuan niya. “Anica!” napasigaw ako ng wala sa oras dahil hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. “Sh*t!” napamura ako ng wala sa oras dahil sa nakikita ko ngayon. Nagmamadali kong kinuha ang phone ko sa room ko at tumawag ako sa hospital. Mabuti na lang talaga at naka-save ang number ng kaibigan ni ninong sa phone ko. Tinatawagan ko rin si ninong pero hindi siya sumasagot sa akin. “Anica, bakit mo naman ito ginawa?” tanong ko sa kanya habang naiiyak na ako. Wala siyang malay. Sa totoo lang ayaw ko naman talaga na malaman ng lahat ang nangyaring ito pero wala akong choice. Kailangan siyang kunin ng ambulansya dito sa bahay. Mabuti na lang at nakarating

