MARIANNE Tumambay muna ako dito kasama ko siya. Nagpaalam ako sa kanya dahil balak kung tumulong kila manang na magluto ng hapunan namin. Paglabas ko sa may pintuan ni Alden ay nagulat ako dahil nasa tapat ng pintuan ko si Anica at bigla na lang niyang binuksan ang pinto ng room ko. “Anica!” Grabeng kaba ang naramdaman ko dahil baka makita niya ang daddy niya sa kama ko lalo na wala pa naman ‘yon suot na damit at tulog pa ito kanina. Tumakbo ako papasok sa room ko at nagkagulatan pa kaming dalawa ni Anica. Halatang nagulat rin siya sa akin. “A–Anica,” sambit ko sa pangalan niya. “Ate, nandito ka lang pala. Sorry kung pumasok na lang ako bigla sa room mo,” sabi niya sa akin. “Okay lang, galing ako sa room ni Alden,” sagot ko sa kanya at pasimple akong tumingin sa may kama ko. Nakahi

