MARIANNE “Makikipag-balikan ka ba kay Mommy Ayra? Gusto mo pa rin ba siya? Mahal mo pa ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Alden na hindi ko rin talaga inaasahan. “Gusto mo ba?” tanong niya sa anak niya kaya tumingin ako sa kanya. “May balak ba siyang makipagbalikan sa ex-wife niya?” tanong ko sa sarili ko. “Alden–” “Gusto niyo po ba? Kasi po ako ayaw ko na po, mas gusto ko po na ibang babae kaysa siya,” putol ni Alden sa sasabihin niya. Narinig ko ang pag-buntong hininga ni ninong kaya bigla na lang akong nainis sa kanya. “Ang lalim naman, may balak ka ngang balikan.” sabi ko sa kanya pero hindi man lang siyang umimik. Lagot siya sa akin mamaya kapag dumating na kami sa bahay niya. Kung gusto niya pala ang ex-wife niya may pasabi-sabi pa siya kanina na mahal niya ako. Tapos ngayon

