MARIANNE “Masarap,” sagot ko sa kanya. “Talaga?” tanong niya sa akin. “Opo, masarap siya,” sagot ko sa kanya. “Patikim nga,” sabi niya sa akin at bigla na lang niyang sinubo ang kutsara na dapat ay isusubo ko sa bibig ko. Ako naman itong hindi makapaniwala sa ginawa niya. “Masarap nga,” nakangisi na sabi niya sa akin. “Eww!” sabi ko at mabilis na nilayo sa akin ang kutsara na ginamit na niya. “Ang arte mo naman, wala akong sakit.” sabi niya sa akin. “It’s not being maarte, ninong. Hindi tayo close para ipagamit ko ang kutsara ko sa ‘yo. Pero dahil ginamit mo na ay bahala ka na nga. Kukuha na lang ako ng bago,” sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya sa akin. Pumasok ulit ako sa pantry para kumuha ng bago kong kutsara. Paglabas ko ay nakaupo pa rin siya sa puwesto niya kanina. Umup

