MARIANNE Ang buong akala ko ay tuluyan na akong babagsak sa sahig pero mali ako dahil may bisig na sumalo sa akin. Ang may-ari ng bisig na ito ay ang ninong ko. Hindi niya ako hinayaan na tuluyang madulas. Hindi ko alam kung paano nangyari dahil ang bilis naman ng galaw niya. Nakatingin ako sa mga mata niya. Hanggang sa nahimasmasan ako dahil ang isa niyang palad ay nasa boobs ko. Nanlaki ang mga mata ko sabay tulak sa kanya pero hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil pareho kaming nawalan ng balanse hanggang sa bumagsak kaming dalawa sa sahig. Nasa ibabaw niya ako at ang hindi ko mapaniwalaan ay nakalapat ang labi ko sa labi niya. Nakapulupot ang mga braso niya sa baywang ko kaya hindi agad ako makaalis. Sinubukan ko pero bigla ko na lang naramdaman ang paggalaw ng labi niya. Kaya

