MARIANNE Mas pinili ko na lang na lumabas muna dahil hindi ko na ito laban pa. Nandito na ang tunay na nanay. Sila na ang bahala ni ninong na kumausap sa bruhang babae na ‘yon. Pinuntahan ko na lang si Alden sa room nila. Nang makita niya ako ay mabilis siyang ngumiti sa akin. “Ate,” tawag niya sa akin. Mabuti na lang at hindi niya nakalimutan ang usapan naming dalawa. “What happened po?” tanong niya sa akin. “Kinakausap ng daddy mo ang principal at nandoon na rin ang mommy mo,” sagot ko sa kanya. “Sorry po, sorry po kung hindi ako nagsabi ng totoo.” “Alam mo naman na mali ang ginawa mo diba? But next time ay magsabi ka na sa amin. Hindi puwede ang ganito, walang sino man ang puwedeng manakit sa ‘yo. At higit sa lahat ay hindi ka rin puwedeng manakit sa kanila. Kapag may mga gani

