MARIANNE Kaya naman nang maging okay na siya ay pinatakbo ko na ang motor. Dahil sa wala namang traffic ay nakarating agad kami sa bahay. Pero kababa ko pa lang sa motor ay naririnig ko na umiiyak si Alden kaya naman mabilis akong pumasok sa loob ng bahay. “Anong ginagawa mo?” tanong ko kay Ayra. “Wala akong ginawa sa kanya,” sagot niya sa akin. “Hindi siya iiyak ng walang dahilan?” naiinis na sabi ko dahil pinipigilan ko lang ang sarili ko na magalit. “Wala naman talaga akong ginagawa sa kanya,” sabi pa niya sa akin. “Talaga ba?” naiinis na ako. “Oo nga! Ano ba ang tingin mo sa aki–” “Pinalo po niya ako,” umiiyak na sumbong ni Alden. “That’s not true,” sabi agad ni Ayra. “Totoo naman po na pinalo mo po ako. Naiinis ka po sa akin,” sabi ni Alden. “Alden, baka naglalambing lang s

