MARIANNE Safe kaming nakauwi sa bahay. Ngayon ay maluwag na ang pakiramdam ko. Magaan, sobrang gaan. Masaya ako na kahit pa wala na ang daddy ko ay binigyan ni ninong ng oras na makasama namin siya, makausap nami kahit pa alam namin na hindi naman ito sasagot. Alam ko na kahit wala na siya ay naririnig at nakikita niya kami. Alam ko rin na nasa tabi ko lang siya palagi. Masaya ako, sobrang saya ko pero may lungkot rin. Ang lungkot na wala ang daddy ko sa araw ng kasal ko. Pangarap ng bawat babae na makasama ang parents nila sa araw ng kasal nila. Pero hindi ko na ‘yon mararanasan pa. Pero kahit na ganun ay sisikapin ko na maging masaya para maging masaya rin ang daddy ko kung nasaan man siya ngayon. Bukas ay magsisimula na kaming maghanda sa magiging kasal namin. Kung ako nga ang tata

