THIRD PERSON POV “Wala na bang ibibilis ang pagmamaneho mo? Ang bagal mo!” galit na sigaw ni Ayra sa driver niya. “Mabilis na po ito, ma’am.” “Bwisit! Mas bilisan mo pa!” sigaw nito. “Ma’am, bakit po hindi niyo na lang harapin ang mga pulis? Kung inosente po kayo ay hindi ka dapat tumakas–” “Shut up! Hindi kita binigyan ng pahintulot na magsalita o magbigay ng opinyon mo!” sigaw niya sa driver niya. “Sorry po–” “Gawin mo ang trabaho mo! Kung gusto mo pang mabuhay ay alam mo dapat kung kailan itikom ang bibig mo!” Mas pinili na lang ng driver niya na manahimik dahil wala naman siyang magagawa lalo na may hawak itong baril. Baka bigla na lang siyang barilin kaya hindi na siya nagbigay pa ng opinyon niya. “What the–” Nagulat si Ayra dahil bigla na lang tumigil ang sasakyan. “May hu

