MARIANNE Nakakabagot dahil mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. I mean may kasama naman ako pero wala dito ang fiancee ko at wala rin ang mga bata dito. Pumunta sila sa bahay ni Mama Ana. Hinayaan ko na lang dahil alam ko na miss na niya ang mga apo niya. Ang mga kaibigan ko naman ay busy sa kung ano ba ang mga ginagawa nila. Ganito pala mabagot kapag nasa bahay lang. Laging ganito, napansin ko na para bang ang busy nila lagi. Lalo na si Andrew, sobrang busy niya dahil gabi na siya umuuwi. Gusto kong magduda pero alam ko naman na loyal sa akin ang lalaking ‘yon. Subukan lang talaga niya dahil babalian ko siya ng buto. “Baby, parang ang sarap kumain ng singkamas,” kausap ko sa tiyan ko habang nakatambay kami dito sa balcony. Pero saan naman ako bibili? Parang hindi pa naman kasi seaso

