MARIANNE Hindi ko alam kung bakit ba ako pumayag na isuot pa itong wedding gown ko. Naiinis ako dahil sa araw sana ito ng kasal ko. Pero wala na eh, dapat lang talaga tumuloy ako para hindi maikasal sa iba ang lalaking ‘yon. Malilintikan talaga siya sa akin mamaya. Uunahin ko talaga siyang babarilin kapag nag “I DO” siya sa iba. Dapat ay sa akin lang siya mag-I DO. Ako lang dapat at walang iba. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na pumili ng iba. Pagkatapos niya akong buntisin ay magpapakasal siya sa iba. “Pretty, kumalma ka lang. Hindi ka puwedeng magwala agad doon ha,” sabi sa akin ni Libby. “Sa tingin mo talaga ay kaya ko pang kumalma ngayon?” tanong ko sa kaibigan ko. “Opo, alam namin na galit ka na. Alam rin namin na nagpipigil ka lang ng galit mo. Pero tandaan mo, nandoon an

