MARIANNE (WEDDING DAY) Nagsimula na ang kasal naming dalawa. Hindi nga ako makapaniwala na kasal ko talaga ngayong araw dahil sa kagagawan ng mga kaibigan ko. Nataranta talaga ako kanina. Araw ng kasal ko na muntik ko ng pagsisihan kung hindi ako nakinig sa kanila. Mabuti na lang talaga at hindi ko pinasok ang sniper gun ko dito sa lobb. Dahil kung ginawa ko ‘yon ay baka talaga grabeng kahihiyan na ang nangyayari sa akin ngayon. Baka malaman na ng lahat kung sino ako at nakakahiya ito para sa iginagalang nila na mayor. Nagsimula na ang seremonya at hawak ni Andrew ang kamay ko. Ang higpit ng hawak niya na para bang ayaw niya na mawala ako sa kanya. Ayaw niya na tumakbo ako at hindi na ituloy ang kasal naming dalawa. “Mahal, ang higpit ng hawak mo. Takot ka ba talaga na tumakbo ako pal

